Chapter 14

13.5K 511 43
                                    

Kinalma ko muna ang sarili ko habang nakatingin sa pool.

Humigpit ang hawak ko sa phone ko. At gumawa pa ako ng iisipin kung paano ako magpapakita sa kanila na may dalang boyfriend. Take note a multi-billionaire!

Sa sobrang inis ko kasi sa bruhang Hazel na 'yon hindi ko mapigilang mas lalong ipamukha sa kanyang hindi niya pa rin ako kayang talunin hanggang ngayon. Well she's just waiting for the right time. Tapos ngayon malamang alam na ng buong kaklase namin pati na rin siguro ang mga professors ko noong college.

Simula nang namayagpag lalo ang De Light Restaurant na pagmamay-ari ko ay mas lalong naging kilala ang pangalan ko. I mean yes I was best in everything since primary school hanggang college kaya nag-eexpect lalo ang mga taong kilala ako sa kung ano pa ang kaya kong e-aim.

If I'm not mistaken they're really looking forward to meet me and my boyfriend dahil sa sinabi kong katangahan.

Mas lalo atang sumakit ang ulo ko.

Nakakainis kasi ang Hazel na 'yon!!!

Kailangan ko tuloy maghanap ng boyfriend for a month or two maybe? Basta hanggang sa matapos ang kasal ni Herwin. I need a hired boyfriend!

Bumalik ako sa loob at nadaanan ko si Ozi na nakatingin sa akin. Hindi ko siya pinansin.

"Problema mo?"

"Wala!" I said at umakyat na papunta sa kwarto ko.

Kinuha ko ang laptop tapos I checked my email. Nandoon na rin ang email ni Herwin about his wedding which is after 3 weeks. Sa isang page ay invitation para sa engagement party na magaganap na two days from now.

Damn it. Mas lalo akong kinabahan. Mas mapapahiya ako at matatawag na sinungaling dahil kung hindi man ako makahanap ng hired boyfriend within two days ay wala akong maipapakilala sa kanila!

Ayoko pa namang masira ang pangalan ko, lalo na at nandoon din ang mga professors ko. Shit, hindi ko na kayang bawiin ang sinabi ko kay Hazel! Kalat na 'yon sa buong kaklase namin dati at sa mga pupuntang iba.

What if mag-alibi nalang ako? Naospital ako kunwari kaya hindi nakadalo?

Pero kahit anomang alibi ko ay babaliktarin lahat ng bruhang Hazel na 'yon. Kilalang kilala ko na siya. Hindi ako magakakaganito ngayon kung hindi niya lang babaliktarin ang istorya eh.

Paano na?!

Naisip ko naman si Ozi, ang alam ni Herwin ay siya ang boyfriend ko. But no! Mukha lang mayaman si Ozi, pero hindi siya isang multi-billionaire o kahit milyonaryo. Paano kung tanungin siya kung anong business niya? Or saan siya nagwowork? Edi nganga? Paano kung malaman nila na bodyguard ko pala siya? Malaking issue na naman.

And kapag nagtanong si Herwin about Ozi, I can tell him na nagbreak na kami. As easy as that. Hindi naman siguro magku-krus pa ang landas namin kaya hindi na kami magkikita pa ulit lalo na at kasama ko lang si Ozi.

Hahanap nalang talaga ako. I can call Ali to also look a hired boyfriend, kahit hindi na siguro multi-billionaire basta may business o kahit kilala man lang sa business world? I don't know. I just hope na hindi na sila mangalkal after the party about my 'boyfriend'. Damn.

I called Ali Soriano.

"Miss Suarez, may problema po ba?"

"Yes. Malaking malaki"

"Ano naman 'yon?"

"I need your help!"

"Of course I can help you with anything. Ano ba 'yon?"

Mafia Boss 3: My Bodyguard Место, где живут истории. Откройте их для себя