Chapter 18

14.3K 573 33
                                    

Ozi

"THAT'S it, that's the reason why I hired Angelo to be my boyfriend for at least a month maybe?" Iritang-irita niyang sabi sa akin.

Pinilit ko siyang ikwento kung bakit magpapahire pa siya ng boyfriend, ano na naman ang trip niya sa buhay?

Kaya kahit ayaw niyang sabihin sa akin ay napilitan siya dahil sa pang ba-blackmail ko.

Malaki na talaga ang sira sa ulo ng babaeng ito. Para lang hindi siya mapahiya kuno sa mga professors at sa mga kaklase niya ay kinailangan niya pang maghanap ng boyfriend.

Hindi ko rin alam kung bakit naiinis ako. Noong una, ako yung pinakilala niyang boyfriend doon sa ex niya. Tapos magpapakilala na naman siya ng iba?

Baka naman mapagkamalan pa siyang playgirl niyan!

Pagkatapos ko siyang maihatid sa kompanya ulit ay agad akong nagpaalam kay Sungit na may pupuntahan lang saglit. She asked me where but I didn't say anything. Hindi niya naman ako pinigilan pa.

Sinearch ko kung saang lupalop ang kompanya ni Martinez, mabuti nalang at nahanap ko kahit papaano. Pagkatapos ay nagsend lang ako ng email sa kanya at sinabing kakausapin ko siya.

Pinuntahan ko ang kompanya ng Martinez na 'yon. Wala akong appointment but I managed to go inside his office at tuwang tuwa pa siya dahil dinalaw siya ng isang Kharlo Rozzi Kho. Sino bang hindi nakakakilala sa akin sa katulad niyang mayayaman?

Si Amira lang naman talaga ang engot. Hindi ko nga alam kung paanong hindi niya ako nakilala. Wala talaga siyang kaalam-alam. Hindi ba siya napapadpad man lang sa exclusive sites para tignan ang pangalan ko? For sure mayroon naman akong litrato kahit papaano doon at ilang mga impormasyon din. May bayad nga lang para magkaroon ng access doon, kaya ng tinawag na exclusive sites for exclusives bachelors, at marami pang mga mga ibang mayayamang negosyante. Ang ibang mga elites ay nagbabayad pa sa site na 'yon para lang makakuha ng impormasyon tungkol sa akin, sa amin. Wala sigurong alam tungkol doon si Amira, next time nga ay ioopen ko sa kanya ang tungkol sa site na 'yon para makilala niya kung sino ang lagi niyang kaharap, pinagtatarayan at nakakausap.

"What a privilege for you to visit in my company, Mr. Kharlo Rozzi Kho," sinasabi ko na nga ba.

Ayoko sanang gawin ito dahil nagtatago ako sa tatay ko. Ayokong magpakilala sa kahit na sino. Pero naputol lang 'yon nang mahanap ako ni Roziano. Ano pa bang kwenta kong itatago ko pa ang sarili ko hindi ba? Alam niya na kung nasaan ako, saan ako nakatira at kung saan ako nagtatrabaho. Wala ng saysay ang pagiging mahirap ko at pagtatago ng totoo kong pagkakakilanlan. Siguro kaya ko lang patuloy na ginagawa ito ay dahil kay Amira.

I was hired by her father. Si Amira din ang batang dati ko pa hinahanap. Kaya nang nalaman kong siya nga si Amira Sayanarah ay ayoko nang umalis sa tabi niya. Kung pwede lang, na isama siya pabalik sa Italy ay ginawa ko na. Pero masyado pang magulo ang buhay ko. Natatakot din ako para sa kanya.

What Roziano told about me was not a joke. Ayokong mapahamak siya pero gagawa ako ng paraan para hindi mangyari 'yon.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. I want you to not come as a boyfriend of Amira Suarez two days from now in that engagement party," katulad ng inaasahan ko, napanganga siya at nanlaki ang mga mata.

"Hihigitan ko kung ano man ang offer na binigay niya sayo. I can invest in your company, make it as my main brand of clothing. You can put my name as an endorser of the brand. Kaya kong mas maging makilala pa ang kompanya mo, Mr. Martinez. Pwede mo rin akong gawing business partner. Just accept what I want at pwede ka nang lumipad sa ibang bansa, at kausapin ang mga tauhan ko. Sila na ang bahala sa offer ko. I will also make them know once you'll deal with my proposal."

Mafia Boss 3: My Bodyguard Where stories live. Discover now