Chapter 2

25.3K 682 53
                                    

"SERIOUSLY Miss Amira?! Hindi ka pa naman baliw siguro ano? Bodyguard ang hahanapin tapos napakadami pang ka-echosan?! You know what, let your dad handle this." Pangingialam ng magaling kong assistant named Ali.

Kung ibang assistant lang siguro ito, I might fire her right away for not respecting her Boss, may gana pa siyang sigawan ako. Pero she's not just an employee for me. She's more than that, parang nakababata ko ng kapatid itong si Ali kaya okay lang sa akin na pagsalitaan niya ako ng ganyan as long as we're the only ones inside my office. She's professional naman madalas.

Sadyang nakaka-gulat nga naman kasi ang sinabi at inuutos ko sa kanya that's why she's acting like that.

Umirap ako. "You saw and heard it right, Ali."

Nakanganga siya sa sinabi ko. I was asking her kasi to find me someone na pwedeng maging bodyguard ko na akma sa standards ko. I told Dad about this too, aside sa pagpili niya sa Police Security and Protection Group, sabi ko gusto ko rin na maghanap din ng iba. That's why ito ang pinapagawa ko kay Ali. Kung ano man ang pumasok sa isip ko ay bahala na. It's also my right to hire someone na pasok pa rin sa standards ko and of course kung magugustuhan din ni Dad.

I arched my right eyebrow. "May problema ba doon Ali?" I asked habang may pagbabanta sa boses ko, pero biro ko lang naman. I don't have a plan on firing a trustworthy, efficient, hardworking, never na-late na empleyado na katulad ni Ali Soriano.

"Hehe sorry Miss Amira nabigla lang po." Tumango ako.

"Okay then, magsisimula na po akong maghanap. Pwede naman sigurong magpost sa social media or sa newspapers about this matter?"

"Yes, gawin mo nalang ang pwedeng gawin but you don't need to put there the company's name at ang pangalan ko." Tumango siya na parang alam na ang gagawin.

"Sige Ma'am, I'll go outside. Kung may kailangan pa kayong idagdag or iutos nasa labas lang po ako."

About sa pinag-uusapan namin, 'yon nga ay ang paghahanap ng bodyguard dahil sa request ko na rin kay Dad na ako na ang bahala. Ang akin lang naman eh ayoko sa mukhang mamamatay na tao na bodyguard. He or she needs to be handsome or beautiful para sa magandang katulad ko. Alam kong madami akong arte, since birth na iyon. So what kung may mga qualifications pa ako about sa physical appearance ng kukuhanin kong bodyguard? 

Binuklat ko ulit ang blue folder na naglalaman ng qualifications ng magiging bodyguard ko, na bahala na si Ali ang pumili para sa akin.

I smiled at hindi nagtagal ay natawa ako sa sarili kong pinag gagagawa. Ang childish ng dating. Nababaliw na ata ako.

Naka-sulat dito ang...

- 24 to 29 years old
- 6 ft high or taller
- Physically, mentally and emotionally fit
- Has appealing appearance
- Single

Hindi ko naman sinabi kay Ali na i-post pati ito, it's just her guide sa pagpili. Kung pasok ang lahat ng ito then he or she is in. Tapos si Dad na ang bahala after. Hindi ko naman kailangan ng bodyguard right away, mas mabuting ganito muna, 'yong wala pang nagbabantay.

I went out of my office, ito yung main branch ng restaurant ko kung saan madalas akong namamalagi, kung hindi naman ay sa Wine Company ako ni Dad just in case na kailanganin ako ni Daddy doon dahil busy rin siya sa buhay politiko.

De Light Restaurant is my restaurant that serves quality delightful Filipino dishes with a twist of international recipes and other spices that makes each of one of my dish unique. Parang ang simpleng adobo sa atin, kapag nalasahan or natikman mo na ito mapapa-isip ka nalang kung isang dish din ba ito sa Italy because of its unique taste na inspired sa isang Italian dish pero it is still adobo kung titignan mo. But of course mayroon din naman akong mga international dishes recipes na panlaban ko. Steak is the best seller and my Caldereta De Light.

Mafia Boss 3: My Bodyguard Место, где живут истории. Откройте их для себя