Chapter 43

13.1K 474 13
                                    

Sinalubong ako ni Ozi habang tumatakbo papalapit sa kanya. He hugged me tight.

"I'm sorry. I'm sorry... Are you okay?" He said, his voice is shaking.

Wala akong maisagot kundi iyak. I'm still trembling, gulong gulo pa rin ang isip ko.

He held my hand tight at nagsimula kaming sumakay sa sasakyan niya. We even heard my Mom shouting cease fire sa mga tauhan niya.

Pinaandar ni Ozi ng mabilis ang sasakyan papunta sa kung saan. Hindi ko pa rin alam kung paano niya ako nahanap but I'm still thankful that he's here.

Tahimik lang kami sa loob ng sasakyan, wala ni isa ang nagsalita. Makina lang ng sasakyan ang dinig dahil sa bilis ng pagpapatakbo niya. Until he stopped the car and parked on the side of the road. Mabilis niyang kinalas ang seatbelt niya and hugged me again.

From that moment I started to cry again.

"Ssshhh, it's okay. You're fine. You're fine, mi amor. I'm here." He kissed my head habang nasa bisig niya pa rin ako.

"H-how di--"

"I will always find a way to get you."

"Paano kung nabaril ka?!" I screamed at him.

"Hindi naman ako tinamaan." Yeah right, I wanted to roll my eyes! Pero delikado pa rin 'yong ginawa niyang pagsugod!

"Bakit ka may baril?"

He bit his lip and look away. His jaw was clenched.

"You probably know by now about who I am. " That was not a question.

Yumuko siya. Mabibigat ang hiningang pinapakawalan niya. Tila ba nahihirapan sa maaaring kahihinatnan ng lahat.

I reached for his face. I made him look straight to my eyes. I saw how terrified he was, hindi ko alam kung sa ideyang baka layuan ko siya o ano man.

Brushing my thumb on his perfect face, I smiled a little.

"I won't leave you." I assured.

Sobrang hirap mang tanggapin ang lahat, I will try... for him. Because love also means acceptance right? I love him for whoever he is.

"I'm sorry I didn't tell you about that shit. Hindi ko alam kung paano ko uumpisahan at ipaintindi sayo ang lahat. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon mo. Ayoko lang na iwan mo ako. I can't lose you, mi amor."

"I know..."

"But your Mom..."

"She told me everything. Magkalaban kayo." Nagsimula na namang tumulo ang luha ko. Ang bigat bigat sa puso. "D-does it mean... Oh god this is so hard."

Ayokong isipin na magkasakitan silang dalawa. Ayokong isipin na baka nang dahil sa akin mas lalo pang lumaki ang away nila. Hindi ko maintindihan ang takbo ng mga mundo nila pero kailangan ba talagang may mamatay muna para tumigil? How can I even sleep well knowing that one of these days may masaktan sa mga mahal ko? How could I even live thinking every second what will gonna happen? Makukumbinsi ko ba si Ozi na itigil niya na ang lahat? He was the Boss right? So is my Mom. Can I do that? Can they just mind their own businesses at huwag ng isiping talunin ang isa't isa?

I don't know...

"Ozi... I can't lose my Mom. And... I don't want you to die too. Ano bang pwedeng gawin to stop all of this?"

"No one will die. Ako na ang bahala. Huwag ka nang mag-isip masyado. I'll make sure to do everything para maging maayos ang lahat. Hmm?" Ngumiti siya sa akin.

Mafia Boss 3: My Bodyguard Where stories live. Discover now