Chapter 13

14.8K 528 29
                                    

"Amira Sayanarah"

I felt my heart skip a beat. The way he said my name ay kakaiba ang epekto nito sa akin.

I was just looking at him while his eyes focus on the road. At tila parang malalim ang iniisip nito. He's also holding my wallet at ang black card ko. Kaya siguro doon niya nalaman ang buong pangalan ko.

Mabilis kong binawi iyon sa kamay niya tsaka siya napatingin sa akin tapos balik ulit sa daan.

"What are you doing?" I asked habang nilalagay sa loob ng bag ko ang wallet.

"Kala mo naman kung nanakawin ko yang wallet mo. Tinitignan lang eh" I crossed my arms.

"Wala akong sinasabing ganon"

"So Amira Sayanarah pala ang pangalan mo?" I closed my eyes tightly. Yes that's my name, Amira Sayanarah Takizaki Suarez.

They should not call me Sayanarah though, because it just reminds me of my mother and it hurts me. Ayoko lang. Everytime kasi na may tumatawag sa akin ng Sayanarah naaalala ko ang pagiging Hapones ko. My mom is a half Japanese and half Canadian. Si Daddy naman yung half Spanish at half Filipino.

Sayonara in Japanese means farewell, doon daw hinango ang name ko, masaya sila when I came in their lives kaya naging Sayanarah. Tsk.

Since my mom left us, ayoko nang marinig sa ibang tao ang pangalan kong Sayanarah.

Okay why am I even explaining the history of my name eh?

"Don't call me that"

"Bakit? Pang anghel nga ang pangalan mo, ang layo naman sa ugali"

"Wala kang pakialam"

"Ang sungit talaga. Hoy Amira Sayanarah huwag mo nga akong sagot sagotin ng ganyan, pagsisisihan mo balang araw sige" my brow arched. Pagsisisihan? And why would I? At talaga nga namang binanggit niya pa ang buo kong pangalan ha? Iniinis niya na naman ako kahit na kakasabi ko lang na huwag niya akong tawaging ganon.

"At bakit?"

"Alamin mo"

"Wala ka talaga kwentang kausap"

"Whatever Amira Sayanarah"

"Don't call me that!"

"Okay. Mi amor"

"Also that"

"Anong gusto mo? Hoy nalang?" konting konti nalang talaga mahahagis ko na siya sa labas. Hindi na ako nagsalita. The more I talk, the more he talks also.

Maya-maya ay nakarating na kami sa bahay, agad akong pumasok at hindi na hinintay si Ozi. As usual Daddy isn't here. Sa totoo lang nakakapanghinayang ang natitira ko pang oras. Hindi ako sanay na walang ginagawa. Kung hindi lang kasi epal itong si Ozi eh.

Binati ako ni Nanay Kas, I went near her at hinalikan siya sa pisngi.

"Ang aga mo naman atang umuwi. Hindi ka pumasok hija?" umiling ako at niyakap siya mula likuran. I usually do this.

Si Nanay Kas na rin ang nanny ni Dad noong baby pa siya and also she's my nanny since I was a baby too at nandito pa rin siya hanggang ngayon para bantayan ako. Siya ang mayordoma ng bahay. Siya na rin ang tinuring kong ina. We're so close. Siya rin ang nag-alaga sa mga kambal kasama ang anak ni Nanay before nang busy si Kyana na magwork sa isa ko pang branch ng restaurant malapit sa tinutuluyan nila dati. Pero nang nagkaayos sila Kyana and her parents, bumalik na ulit dito si Nanay Kas.

"I'm not feeling well Nay" humiwalay ako sa yakap.

"May lagnat ka ba?" and as expected dumapo ang kamay niya sa noo ko, cheeks and the side of my neck para e-check ang temperature ko.

Mafia Boss 3: My Bodyguard Where stories live. Discover now