Chapter 3

19.2K 652 44
                                    

Ozi

WALANG hiya naman oh. Kung kailan nagugutom na ako may problema pa akong kaharap!

Tinignan ko ang babaeng nakaupo ngayon at namimilipit sa sakit ng tyan. Nakita ko kasi kung paanong sinuntok ng unggoy na ito ang tyan niya, mabuti nalang at hindi pa lumabas ang mga bituka non akala ko mabubutas ang tyan eh sa laki ba naman ng taong sumuntok sa kanya. Tsk. Nakakaawa ang sakit sa mata, kahit loko-loko ako ayoko ring may inaabusong tao, ayokong may sinasaktan na tao na wala namang kalaban-laban lalo na at babae.

Isasakay na sana siya ulit nang sinabi kong isakay na siya pero syempre biro lang iyon. Hinampas ko ang isang tray ng itlog pati mga kamatis sa pagmumukha nilang tatlo at sapul ng mga iyon ang mukha nilang lahat. Kulang nalang apoy, ginisang kamatis na may itlog na sila sa itsura nila. Parang ayoko na ring kumain non dahil sa nakikita ko. Shet naman.

Pinagsisipa ko rin ang baril nila mahirap na, pero yung babae amused na amused ata sa ginawa ko at nakatulala lang sa amin.

"Ano pang ginagawa mo?!" Sigaw ko

"Ha?" Tanong niya.Tanga.

Hinila ko ang kamay niya at sabay kaming tumakbo.

"Gusto mo ba talagang magpakamatay ha?! Tanga naman neto!" Sigaw ko ulit sa kanya habang tumatakbo kami.

Bukod sa malalaki ang katawan ng tatlong iyon ayokong mabangasan ang gwapo kong mukha. Kaya I sacrificed my eggs! Kawawa naman ang mga itlog ko! Wala na naman akong ulam ng ilang linggo. Peste!

"Hoy ang kapal naman ng mukha mong sabihan ako ng tanga!" Sigaw niya pabalik aba! Kahit hinihingal na may gana pang sigawan ako.

"Eh anong gusto mong sabihin ko? Bobo?!" Inis ko ring sigaw. "Bilisan mo aabutan na nila tayo!" 

Ang bagal niya kasing tumakbo nakakainis nasa likuran lang namin yung mga lalaki! Paano kung abutan kami? Patay na. Sasagot pa sana siya pero hinihingal talaga siya na parang aso.

Napasigaw kaming pareho nang nagpaputok sila ng baril. Lumiko naman kami sa isang maliit at masikip na daanan. Pasalamat siya kabisado ko ang lugar na ito. May nakita akong mga nakatambak na basura sa isang banda at doon ko hinila si miss.

"Ano ba? Huminga ka nga ng tahimik baka marinig tayo!" Bulong ko. "Dito tayo bilis!"

"Ano?! Diyan?!" Sigaw niya kahit habol-habol niya ang hininga. Napakamot nalang ako sa buhok ko.

"Ang arte mo! Bahala ka na! Pagod na akong tumakbo kung gusto mo ikaw nalang tumakbo magtatago ako dito!" Sagot ko. Ang sakit mo sa lalamunan!

Narinig ulit namin ang mga sigawan at yapak ng mga unggoy na humahabol sa amin. Nanlaki ang mata ni Miss at dali dali siyang lumapit sa akin. Wala na rin akong nagawa kundi ang ipatong pa ang isang garbage bag sa harapan namin para hindi kami makita. Swerte nalang siguro namin dahil walang bulok at inuuod na, na mga basura dito.

"Sasama ka rin pala ang dami mong dada." 

Pinandilatan niya lang ako ng mata kahit maluha-luha na ito dahil... Teka ina-asthma ba ang babaeng 'to? Kaya ba siya parang asong ulol kung huminga at inuubo?! Badtrip eh pano kung mamatay to? Mapagkamalam pa akong murderer, hindi ko na sana tinulungan to eh dami ko tuloy problema.

"Takpan mo muna yang ilong mo at bibig, huwag kang huminga ng mga 10 seconds," bulong ko.

Kinurot naman niya ako ng pino sa tagiliran kaya napasigaw ako sa sakit. Leche! Ang sakit! Ang brutal ng babaeng ito sarap ipasok sa loob ng garbage bag at itapon sa tabing ilog.

"Ayon sila!" Sigaw ng isa. Tangina wala na, nahuli na nila kami.

"Ang tanga mo talaga kahit kailan, kapag nabangasan ang mukha ko magbabayad ka makikita mo. Pasalamat ka mukha kang tao kundi ako pa magbibigay sayo sa kanila. Now if I tell you to run, tumakbo ka okay? Huwag gumapang," bulong ko at hinarap nalang ang mga tatlong unggoy. Tsk.

Mafia Boss 3: My Bodyguard Where stories live. Discover now