Chapter 15

13.8K 615 74
                                    

This is it. Dumating na ang araw para sa engagement party. It's a formal event, ang daming arte pero ano pa bang magagawa ko? Sa isang hotel nila gaganapin ang engagement party. After the program may after party pa na gaganapin sa private beach resort, doon din mismo, pero ang sabi parang runion party na rin. That's overnight. May kanya kanya na rin kaming rooms na tutulugan. Everything was already planned.

I felt a little nervous, ilang taon ko na rin kasing hindi nakikita ang mga kaklase ko or even the professors. Minsan lang kapag nagkataong nandoon ako sa restaurant and they also happened na kumakain doon.

I just wore a beaded spaghetti strap gray simple but elegant fitted long gown. Kumikinang din ito dahil sa mga small crystals na nakatahi pero hindi naman sobra. Also I wore my silver heels. My soft curls were flowing nicely. I put a light make up and a red lipstick. Kinuha ko na ang silver purse ko and then went outside.

Magkikita nalang daw kami ni Angelo malapit doon sa beach resort. So kasama ko ngayon si Ozi.

Nasa byahe na kami ngayon papunta sa tagpuan namin ni Angelo.

"Hindi ka ba ngangawa na naman mamaya? Baka maglasing ka ulit?" tanong ni Ozi.

Hindi ko alam. Kung ako naman talaga ang tatanungin ay wala akong balak puntahan ang engagement party niya. Kung wala lang reunion ay mas pipiliin ko nalang na magtrabaho kaysa pag-aksayahan pa ng oras ito.

What should I feel if I'm watching them na e-aannounce ang nalalapit na nilang kasal?

Naiinis lang talaga ako the night he invited me, kasi ang kapal ng mukha para kausapin pa ako after what he did kaya ako nagpakalasing. But I don't feel hurt. Why would I anyway? Gaya nga ng sabi ko kay Angelo we don't deserve cheaters like them.

"Why would I?" nakataas ang kilay kong tanong.

"Talaga lang ha?"

"Why do you care by the way?"

"Baka kasi problemahin na naman kita?" he laughed sarcastically.

"It won't happen again" I swear.

"Good"

I told Ozi na huwag na siyang sumama sa akin. After niya akong ihatid ay pwede na siyang umalis, since off niya naman na ng ganitong oras. Hindi dapat siya papayag perio sabi ko mabait naman ang 'boyfriend' ko at hindi niya ako hahayaang mag-isa.

Gosh sa sobrang bilis ng pangyayari ay hindi ko na nasabi pa kay Nanay Kas, Daddy and Kyana! Tsaka nalang siguro after the party or what? I don't know. Paano ko naman kaya sasabihin sa kanila? Everything was just absurd. Sinong matino ang magha-hire ng boyfriend for the sake of the name?! I know kahit ako ay hindi ko na kilala ang sarili ko.

But I promise na last na ito.

Nakarating na kami sa isang hotel, dito kami mag memeet ni Angelo. Katabi non ay ang venue na mismo.

I fished out my phone to call him at sabihin nandito na ako. Pero naunahan niya ako.

"Angelo"

"Amira, I'm sorry I can't go tonight. Dammit!" napakurap kurap ako sa sinabi niya. Did I hear him right?

Hindi siya makakapunta?!

"Come again?"

"There's an emergency all of a sudden about my business in States so I need to go there. I'm on my way to the airport right now. Papunta na sana ako diyan but this came up. I'm so sorry!" he said and seems sincere na problemado rin.

Oh my god.

Paano na ako nito?

"What?!" I can't believe this.

Mafia Boss 3: My Bodyguard Where stories live. Discover now