Epilogue (Part 2 of 2)

24.8K 897 236
                                    

"Ozi..."

"What?" I groaned while my eyes still shut. Antok na antok pa ako. Wala pa akong tulog dahil sa mga false alarms. I mean akala ko manganganak na siya pero hindi pa pala.

Isang linggo na ata kaming ganito. Pabalik balik sa ospital pero ayaw pang lumabas ni baby. Hindi pa naman kasi niya due pero sabi niya manganganak na siya.

"Ozi... Totoo na 'to. Manganganak na ata ako."

I just kissed her head.

"Oziiii!!!"

Doon na ako napabangon sa pagkakahiga.

"Totoo na ba talaga? Hindi na joke jok-Arayy!!" Teka, nanabunot naman eh, I was just confirming. 

"Aaaaaaah!"

Shit. Totoo na nga ata. Sobrang lakas ba naman ng sigaw! Nagtaasan ang mga balahibo ko.

"Tara na. My water just broke!"

ANO RAW?!

Pagkatingin ko sa higaan ay basang basa na nga ito. Shit.

Nagsimula akong pagpawisan ng malamig. Ito na nga!

"Goodness, you're gonna kill me!"

Kabang-kaba ako na dinala siya at dumeretso sa labas. Nagising din ang mga taong natutulog sa sala. They were Mom, Dad, Mom Naomi tapos si Dad Rafael, kasama rin si Samina. Shet.

Nataranta kaming lahat!

Sa sobrang kabado at pagpapanic namin ay mas nauna silang sumakay ng sasakyan kaysa sa amin ni Amira. Hanep naman oo!

When they realized na naiwan kami, ayon they went back to help us.

"Calm down people!" Sigaw ng kapatid ko, na halatang kabado rin, siya pa nga ata nagte-take ng lead. We took a deep breaths in chorus sa loob ng sasakyan.

Nagle-labor pa rin si Amira at namanhid na ata ang mukha ko kakasampal niya sakin. Damn. Ang amazona talaga.

Nakarating kami sa ospital at agad siyang dinala sa delivery room. Kami pala kasi kasama ako.

Pinagpapawisan pa rin ako ng malamig habang hawak hawak ang kamay niya ng mahigpit. Naririnig ko kung gaano siya umirit at masakit sa tainga.

"You can do it, mi amor. I love you." Iyan ang paulit-ulit kong sinasabi. She's having normal delivery.

Pinipilipit niya talaga ang kamay ko ng matindi but I don't mind. Napapangiwi rin ako sa pagdaing niya at sigaw. Parang ako rin ay nasasaktan. Kung kaya ko lang pawiin ang sakit na nararamdaman niya eh gagawin ko.

Baby lumabas ka na, huwag mo nang pahirapan si Mommy hmm?

Goodness ako pa ata ang unang mawawalan ng malay sa kaba. Sa takot, sa excitement, sa saya. Halo-halo hindi ko maipaliwanag.

Until a cry of a baby echoed around the room. Napahinga ako ng maluwag. Napaiyak na rin. Anak ko 'yon! Iyak ng anak ko 'yon!

"It's a baby girl!" Sabi ng Doktor.

My heart is beating so fast. Ang saya-sayang marinig ang iyak ng anak ko. Ngayon lang din nalaman ang gender niya kasi gusto namin surprise. And it's a girl. Nadagdagan na ang prinsesa sa buhay ko.

Hinalikan ko si Amira sa noo.

"I'm so proud of you. Thank you. Thank you so much. Mahal na mahal kita." I whispered.

Sa sobrang pagod ni Amira ay tipid na ngiti lang ang binigay sa akin. Pagkaraan ng ilang minuto ay nakita na namin ang baby namin.

At this moment I really fell in love with my daughter in an instant. Ang ganda ganda niya. Ang puti puti niya. Parehas sila ng Mommy niya.

Mafia Boss 3: My Bodyguard Where stories live. Discover now