Chapter 20

14.8K 583 82
                                    

"Siraulo!" Sabi ko sa kanya. Kung ano-ano na naman ang kalokohan. But the fact that my heart beats faster than usual is really alarming. Seriously, what the hell is happening?

He just chuckled.

"Kumain ka na, para makainom ka na ng gamot. Uwi na rin tayo para makapagpahinga ka ng maayos." Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya, but didn't answer.

Tumitig lang ako sa kanya tapos ay bababa ang tingin ko sa mga pagkaing nilalabas niya sa mga paper bags.

"Ano? Hinihintay mo good afternoon kiss ko?" Inirapan ko siya.

"Wala akong gana kumain," bumuntong hininga ako. This day sucks. "Ayoko ring umuwi sa bahay."

I don't know if Dad was there, pero ayokong magkita muna kami sa araw na ito. I'm afraid I might cry hard on him, hanggang sa pati siya ay malungkot din. O kaya naman ay makita siyang naglalasing sa study room niya.

Of course, we both know kung anong araw ngayon.

Kung pwede lang sanang burahin na sa kalendaryo. Kung pwede lang sanang huwag maalala.

"AMIRA!"

"Ay! Ano ba?!" Bakit siya sumisigaw?! Nagulat tuloy ako.

"Para ka na namang tangang nakatulala, tinatanong kita."

"What?"

"Sabi ko bakit wala kang gana at ayaw mong umuwi?"

"Wala!"

"Ang sungit mo naman. Bakit nga?"

"Ozi... not now, please." I heard him sighed.

"Pero kailangan mong kumain para makainom ka ng gamot, masakit ang ulo mo diba? Pumili ka, kakain at iinom ng gamot o tatanggalan nalang kita ng ulo?" There he goes again.

"Are you still acting like my boyfriend eh?"

"Gusto mo ba? Pwede naman... Baby, please eat now hmm?" Baby?!

I rolled my eyes.

"Love, kumain ka na kasi..." He even  pouted. Dammit!

"Stop Ozi. Oh god hindi mo bagay!" I shouted kahit na natatawa ako sa kalokohan niya. Why was he so damn cute and hot at the same time? Paano 'yon? Or dahil lang ba sa may hangover ako kaya nakikita ko siyang ganon?

"Por favor come tu comida. Mi amor." Please eat your food. My love.

He said that in his sexy husky voice that it made me almost fell off my seat.

My eyes fixed to his.

"Why do you know how to speak Spanish?" And Japanese as well?

Hindi ko kasi naitanong sa kanya noon pa.

"Kasi may lahi akong Spanish?" Now that's kinda interesting. Hindi ko alam na may lahi siyang Spanish but it's really noticeable na hindi siya isang pure Filipino because of his foreign features, plus his hazel eyes.

"Oh really? Kung hindi ako nagkakamali lumaki ka sa Spain? Or are your parents here?" Kasi alam niyang magsalita ng Spanish.

"Sa Italy ako lumaki."

He's staring at me now. Binaba ko ang tingin ko dahil hindi ko kayang salubungin ang mga titig niya. My eyes darted to the food.

Pero ano raw? Sa Italy siya lumaki?!

With that thought, napatingin na naman ako sa kanya.

"Bakit?"

"Anong bakit? Eh sa doon nga ako pinanganak. Tatay ko half American and Italian-Spanish. Akala mo ikaw lang maraming lahi? Ako rin 'no." My jaw dropped.

Mafia Boss 3: My Bodyguard Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon