Chapter 343

354K 18.9K 41K
                                    

A/N: Author niyo Ghosterist dw.

Unexpected visit

Jay-jay's POV

Paano ba to?

Tanginang messenger to ang ingay-ingay. Malamang ko mga Ulupong na naman ang nagkakagulo sa group chat. Ayokong buksan baka mainis lang ako sa mga sinasabi nila.

Kayalang hindi ko naman matiis ang ingay. I-uninstall ko nalang sana ang messenger pero napatigil ako ng makita kong my message ako galing kay Freya.

Napanguso ako. Ngayon lang niya ako pinadalhan ng message. Pakiramdam ko tuloy hindi maganda ang sasabihin niya.

Binuksan ko ang message niya at binasa.

Freya: Who the hell is this guy?

Hindi talaga siya mapakali na hindi makilala ang nagbigay sa kanya ng sulat. Pakiramdam ko nagkaka-interes din siya.

Ayeih! Gusto din. Kuwari pa.

Napangiti ako sa ideyang pumasok sa isip ko. Kailangan ko talagang kumbinsihin si Edrix. Sayang tong effort namin kung bandang huli ayaw talaga niyang magpakita o magpakilala man lang.

Panibagong message ang dumating galing ulit kay Freya.

Freya: Make sure that this is not Percy.

Nawala ang ngiti ko at mapalitan ng ngiwi. Paano ko pala ipapaliwanag sa stepbrother ko tong ginagawa ko? Paniguradong magagalit sakin yon.

Ano nalang sasabihin niya? Ako pa mismo nagtulak kay Freya palayo sa kanya. Dapat yata umisip muna ako ng buong paliwanag kay Percy bago ko sinabi sa babaeng to ang tungkol kay Edrix.

Naman kasi!

Pero kung magalit man sakin ang kapatid ko sana maging wake up call na din sa kanya na ayaw na talaga ng babaeng mahal niya. Ang linaw-linaw naman kasi pero bakit parang hindi niya makuha? Ganun ba siya kahumaling sa coloring book na to? Ibibili ko nalang siya ng canvas tapos yun ang pintahan niya.

Namalipit ako sa higaan ko na parang fetus sa sinapupunan. Minsan napapaisip din ako.

Yabang may isip.

Bakit ba minsan hindi ko mapigilan ang sarili ko na makialam sa iba? Pakiramdam ko involve ako sa mga issue nila kahit hindi naman. Pakiramdam ko dapat may gawin ako para tulungan sila. Pakiramdam ko meron akong super powers — charot!

Narinig ko ang mahinang pagkatok sa pinto ng kwarto ko kasunod non ang pagbukas. Mabilis akong bumangon dahil nakakahiya ang itsura ko. Bumungad sakin ang seryosong muka ng kapatid ko.

"Bakit?" Inosenteng tanong ko.

"Meron lang akong gustong malaman." Sabi niya at tumango naman ako.

"Masarap ang lechon pero masarap din ang liempo." Sagot ko st mabilis nangunot ang noo niya. "Masarap din ang speghatti pero walang tatalo sa pansit malabon."

"What?"

"Masarap ang leche plan pero mas masarap ang sansrival o kaya crema de pruta."

Malalim ang naging paghinga niya bago sandaling yumuko. Pag-angat ng ulo niya pilit na ngiti ang binigay niya sakin.

"Mukang puno na ng mantika at taba ang utak mo. Puro pagkain nalang ang nasa isip mo." Seryosong sabi niya.

Napanguso ako. Malay ko ba! Wala naman siyang ibang pwedeng itanong sakin ng ganitong oras. Malabo naman niya kong tanungin tungkol sa mga lesson sa school dahil alam naman niyang wala akong talino.

Ang Mutya ng Section E (Book 3)Where stories live. Discover now