Chapter 323

501K 23.8K 45.6K
                                    

A/N:

🎂🥳🎁🎈🎉🎊
HAPPYISH BORNDAY!!
JASPER JEAN MARIANO

AND

JASPER JEAN A. F. DL.
Pamangkin ko!

Wala talaga akong ideal na girl before. Basta para sakin sapat ng babae ka. Kasi kaya naman ng babae maging ano siya.

I'm so proud of my Jay-jay.

Review

Jay-jay's POV

Tahimik. Parang may anghel na nakabantay.

Kuya Angelo?

Hindi anghel yan. Nagpapanggap lang yan. Nakaharang ang dalawang kamay na mag-kasiklop sa muka niya. Paligid-ligid ang mga mata samin na nasa hapag.

Hindi ko maiwasan na hindi kabahan. Pati tuloy mata ko umiikot-ikot din sa kanila.

"Pupuntahan ko si Jeana." Basag ni Tita Gema sa katahimikan.

Sandali akong natigilan at napatingin sa kaniya. Hindi man lang niya ko tinapunan ng tingin. Parang ngayon ko lang siya narinig na pupuntahan si Mama. Alam kong hindi sila mag-kasundong mag-kasundo pero pilit inaayos ni Tita Gema ang meron sa kanila.

"Ingat." Walang buhay na sabi ni Aries.

"Baka bukas na ko umuwi." Dagdag ni Tita Gema na nagpatigil kay Kuya.

"May problema ba?" Tanong niya.

Umiling si Tita. "Nagpapatulong lang si Jeana sakin."

Tungkol saan?

"P-pwede po ba kong sumunod?" Tanong ko.

"Wag na." Mabilis at sabay na sagot ni Kuya Angelo at Tita Gema.

Sabay din kami ni Aries at Tito Julz na napatingin sa kanila.

"Kami nalang siguro. Hindi naman mahalaga yon." Sabi ni Tita at nagpilit ng ngiti.

Tinignan ko si Aries na nakatingin din pala sakin. Mabilis namang tinapos ni Tita ang pagkain at umalis na sa hapag. Sumunod sa kaniya si Tito Julz para ihatid siya.

Tatlo nalang kami sa hapag. Parang alam ko na ang susunod na mangyayari.

May delubyo!

"Jay." Tawag ni Kuya sakin.

Ayan na!

Nabitin sa ere ang kutsarang may kanin na isusubo ko sana.

"B-bakit?"

"Nakausap ko si Alvin." Panimula niya at naibaba ko ang kutsara sa plato. "Hindi ka daw sumusunod sa mga inu-utos niya at pabalang ka pa daw sumagot."

Whut?

"Hindi ah!" Dipensa ko.

Grabe si Sir Alvin. Sinusumbong ako kay Kuya wala naman ako ginagawa masama sa kaniya.

Pinagtaasan ako ni Kuya Angelo ng kilay na para bang naniniguro siya. Hindi ko maiwasang hindi matakot sa ginagawa niya.

"M-minsan lang." Sagot ko at napayuko.

Mabilis na hinampas ni Kuya ang palad niya sa lamesa. Pati si Aries nagulat din sa ginawa niya at muntik pang masamid sa iniinom na tubig.

"Why are you treating him like that? Mayabang ka pa sa kaniya!"

Ang Mutya ng Section E (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon