Chapter 347

368K 19.6K 50.5K
                                    

A/N: Lapit na po publish ang Part2 ng book1.

Maraming salamat sa paghihintay. Sorry sa typo. Hope you guys enjoy.

🥰🥰🥰

Chocobar

Jay-jay's POV

"Are you still mad at me?" Tanong ng Hari ng mga Ulupong habang inaabot ang ice bag mula sa clinic.

Tinanggap ko yon ng hindi kumikibo at nilagay sa tuhod ko. Ako pa talaga tinanong niya. Kumusta naman kaya ang binanatan niya.

"Ako hindi mo tatanongin?" si David na nilalahad ang kamay sa kanya.

Pabatong binigay ni Keifer ang isa pang ice bag sa kanya.

Natatawang sinalo ni David yon. Napailing naman ako. Mabuti nalang at naiintindihan niya ang ugali ng Hari ng mga Ulupong. Kung ako sa kanya, ginantihan ko na ang lintik na to at hindi ako titigil hanggang hindi nababasag ang bungo niya.

"Do you want to eat anything?" Tanong na naman niya sakin.

Umiling lang ako at pinagtuunan ng pansin ang tuhod ko. Nagkukulay ube na ang tuhod ko. Mukang hindi nga maganda ang pagkakabagsak ko. Pati nguso ko nararamdaman kong parang nagsisimulang mamaga.

"Ako Keifer. Pabiling pagkain." Sabi ng batang kumag. "Kapag binili mo ko, kakain yan si Jay-jay kasi maiinggit siya."

Napabuntong hininga siya. "Sumama ka. Bibili ako."

Tumingin pa sakin ang Hari sandali bago umalis kasama ni Ci-N. Ang walanghiyang yon, nauto si Keifer.

Naniwala naman siyang kakain din ako.

Nang mawala sa paningin ko, hinarap ko si David. Abala siya sa pagdikit ng ice bag sa muka.

"Dabid." Tawag ko at lumingon naman siya. "S-sorry. Dapat nakinig ako sayo."

Bahagya siyang ngumiti. "I told you, it's a wrong position."

"Ang gusto ko lang talaga makabalik na sa room para makapagpahinga at matignan ang tuhod ko." Napabuntong hininga ako. "Nawala sa isip kong seloso nga pala ang ugok na yon."

"Kahit hindi siya seloso mali pa rin." Sabi niya. "Ganon buhatin ng boyfriend ang girlfriend nila kapag naglalambing."

Mali nga ako.

"Eh anong gagawin ko? Susuyuin ko siya?"

Napailing siya habang nakangiti. "Sino ba dapat ang manuyo?"

"Hindi naman kami." Halos pabulong kongs sagot.

"But your feelings are preserved. Hindi man kayo official at least alam niyo sa isa't isa na ikaw ay para sa kanya at siya ay para sayo."

"Hindi naman ako para sa kanya."

"Yet you're transparent about what you feel for him." sabi niya at napayuko ako. "Nagseselos ka, kinakabahan ka kapag napapalapit siya sayo, kuwaring naiinis ka kapag inaasar ka niya pero pasimple kang napapangiti at higit sa lahat, hinintay mo siya nong mga panahong nasa London siya."

A-ano? Ginawa ko ba yon?

"W-wala akong maalalang ganyan." dipensa ko at bahagya siyang tumawa.

"Ikaw nalang ang indenial. Lahat kami dito huli ka na."

Pinanlakihan ko siya ng mga mata. "Ano?"

Ang Mutya ng Section E (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon