Chapter 306

539K 19.1K 42.3K
                                    

A/N: wait there's more. Hahahaha

Wala ring re-read to.

Gumawa kaya ako thread gmit yung A/N: hahahahaha

School Bukol

Jay-jay's POV

Ayokong pumasok! Alam kong ang haba na ng bakasyon ko mga 3days din. Kayalang wala pa rin akong gana.

Gumawa kaya ako ng excuse letter? Nakalagay 'extended ang hospitalization' ko. Tatanggapin kaya nila yon?

Kayalang baka tawagan nila si Kuya Angelo. Ayun talaga! Paniguradong babalik ako sa ospital. Baka matapyasan na ko ng tenga sa kakapingot niya. Kung namamalo nga siya malamang paga na ang pwet ko kakapalo niya.

Buti nalang hindi.

Nakarinig ako ng lagabog sa pinto ng kwarto ko. Yung lagabog na parang masisira ang pinto. Syempre alam ko na kung sino yon.

Lintik! Daig pa may sunog.

"Ang bagal!" Sigaw niya.

"Oo na! Ikaw ba magbubukas ng school at kailangan lagi ka maaga?!" Inis na sagot ko.

Bigla nalang bumukas ang pinto at pumasok ang Horoscope.

Ay hindi pala naka-lock.

"Ano? May sinasabi ka?" Tanong niya at agad ko namang kinuha ang bag ko.

"Eto na nga. Alis na tayo. Dapat lagi maaga sa school para makarami. Most factual tayo." Sabi ko habang naglalakad.

Alam ko namang nakasunod siya dahil ramdam ko ang masama niyang tingin sakin. Malamang na iniisip na niya kung paano ako papatayin.

"Factual? Baka punctual."

Haha mali pala ako.

"Oo nga. Medyo bobo tayo sa part na yon." Sabi ko sabay kamot sa ulo.

"Bobo ka lang talaga." Sagot niya at pasimple ko siyang nginusuan.

Nagsalita ang matalino.

Hiyang-hiya ako sa kaniya. Sino kayang mulala ang nakidnap kakahanap ng cellphone? Di ba? Shunga din! Kalalaking tao na-kidnap. Puro Ella kasi laman ng utak.

Nakarating kami sa garahe at ngayon ko lang naisip na nakauwi na pala ang kotse niya. Buti pa siya marunong umuwi. Sana hindi all. Kasi nakakatakot ang kotseng marunong umuwi mag-isa.

"Pwedeng mag-request?" Tanong ko habang busy sa pagmamaneho tong kapatid ko.

"Ano?"

"Hindi ako papasok, wag mo sasabihin kay Kuya Angelo."

Try-try lang. Baka lumusot.

"Sige." Walang buhay niyang sabi.

"Weh?" Parang hindi true.

"Wag ka pumasok. Hindi ko sasabihin kay Kuya."

Napa-palakpak naman ako sa tuwa. Kulang nalang pumalakpak din ang tenga ko. Unti-unting lumawak ang ngiti ko.

"Ite-text ko nalang." Dagdag niya na nagpabagsak ng balikat ko at nagpa-urong sa ngiti ko.

Ayos talaga kausap to. Sarap niyang ibalik sa ospital. Banatan ko kaya siya dito tapos sabihin ko mga kalaban niya may gawa. Kapag tinanong kung sino isasagot ko nalang samahan ng mga tukmol at laging gutom.

Ang Mutya ng Section E (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon