Chapter 362

303K 14.1K 37.9K
                                    

A/N: This is my second update. Next week na ulit ang isa. haha

Sa nagtatanong kung saan na ko mag-update. Ayusin ko muna mga dapat kong ayusin. I will let you know my next plan.

I have Kumu Live on WattpadPH on May 12 at 9PM. Nood po kayo. hehe

Neighbors

Jay-Jay's POV

Gusto ko lang malaman. Bakit kailangang malakas ang busina ng sasakyan? Bakit kailangang malakas na hindi na maririnig ang sinasabi ng tao? At bakit bumubusina ang lintik na sasakyan?

Nasa loob na kami ng school. Hindi na kailangang bumusina.

Tang'nang busina 'yan.

"Sorry, I didn't hear you."

Halata nga.

"Tayo na..." napangiwi ako. "Tayo na sa classroom baka mahuli tayo," aya ko bago tanggalin ang seatbelt at buksan ang pinto ng kotse.

Agad naman siyang sumunod sa'kin. Nakasibangot ako habang tinitignan ang mga naka-park na sasakyan.

Malaman ko lang kung sino ang nagbusina na 'yon, basag salamin ng kotse niya. Gusto yata niyang mabingi kami. Kung todo pindot sa busina, samantalang hindi naman kami nakaharang sa daan.

Hindi tuloy niya narinig.

Nawalan na tuloy ako ng gana sabihin sa kanya. Sa susunod na lang ulit siguro. Baka hindi pa talaga oras para maging kami.

"Nag-almusal ka na ba?" tanong ng Hari at napahinto naman ako sa pagsibangot.

"Kaunti lang. Naalibadbaran kasi ako kay Kuya at Honey, nawalan ako ng gana." sagot ko at tinuro naman niya ang daan papuntang cafeteria.

Kusa naman akong sumunod. Sinabi ko sa kanya ang nasaksihan ko sa pinto ng unit ni Kuya at kung anong reaksyon ko. Lahat na yata ng sama ng loob ko kanina nailabas ko sa pagku-kwento sa kanya.

"Maganda naman si Honey, kaso hindi ko talaga sila nakikita bilang mag-jowa," sabi ko at bahagyang tumaas ang mga balikat ko dahil sa kilabot.

Bahagya siyang tumawa. "No, they're not dating."

Tinignan ko siya sandali bago pumasok ng cafeteria. "Paano mo nasabi?"

"Your cousin don't take relationship seriously. May ibang mahal 'yon," paliwanag niya.

Si Kuya? Merong mahal?

Parang wala sa itsura ni Kuya na merong kinahuhumalingang babae. Ni wala nga akong maalala na meron siyang sinabihang maganda o pinakitaan ng interes. Kaya ganon na lang din ang gulat ko sa kanila ni Honey.

"Sino naman?"

Nagkibit balikat lang siya sa'kin bago ituro ang menu sa harap namin. Dahil maaga pa, halos kakatapos lang mag-ayos ang mga tindera. Tapsilog lang ang inorder ko dahil baka malate kami sa klase kung marami pa kong oorderin. Namili din siya ng almusal niya at drinks namin.

Agad akong naghanap ng pupwestuhan habang hawak niya ang tray ng pagkain.

"Dito. Dito tayo," aya ko sabay turo sa lamesa malapit sa exit.

Sumunod naman siya sa'kin. Inayos niya ang mga pagkain sa lamesa at sandali akong napatitig sa ginagawa niya. Kung todo asikaso kasi siya sa'kin. Siya na nga ang nagbayad, siya na din ang nagdala tapos siya pa ang nag-ayos sa lamesa.

Wag mo ko sanayin ng ganyan.

"Alam mo, tinuturuan mo ko maging tamad," sabi ko at pinanood siyang umupo sa tabi ko.

Ang Mutya ng Section E (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon