Chapter 316

489K 26.1K 36.5K
                                    

A/N: Kumusta LockDown? Hindi ko feel kasi may work pa rin ako.

Hope yah enjoy the update.





Group Chat

Jay-jay's POV

Wala akong nakuhang sagot mula kay Mama. Hanggat kaya niya, iiwasan niya ang mga tanong kong may kinalaman kay Papa. Hanggang nagsawa nalang ako at tumahimik na.

Umuwi akong wala pa ring malinaw na alam tungkol sa kanila ni Papa. Wala tuloy akong nasagot sa mga tanong ni Kuya. Baka isipin niyang nag-date lang kami ni Yuri.

Magtatanong sana ako kay Tita Gema pero simula ng pag-uwi namin matapos mang-galing sa ospital naging tipid na ang mga salita niya sakin. May pagkakataon din na pakiramdam ko iniiwasan niya ko. Pumasok tuloy sa isip ko na baka nagtampo siya dahil sinabi ko kay Doktora ang sitwasyon ko tungkol kay Mama at Papa.

"Tita..." Tawag ko sa kaniya umaga bago ako umalis papasok ng school.

Tumingin siya sakin at ngumiti. "Ingat Jay."

Pinapa-alis na ako kaagad.

"S-sige po."

Alanganin akong ngumiti at dahan-dahang tumalikod. Naglakad na ko palabas at dumiretso sa kotse ni Aries. Sakto namang nasa loob na siya at halatang hinihintay ako.

"Bagal." Parinig niya sakin.

Hindi ako nagsalita o sumagot pa. Wala pa ko sa school pero pakiramdam ko pagod na pagod na ang katawan ko. Idagdag pang parang nasa kawalan na naman ang isip ko. May mga bagay akong gustong-gusto ko ng malaman ang kasagutan pero wala naman akong maka-usap ng maayos.

Kagaya nalang ng tanong na 'anong mas masarap? Manok o liempo?'. Sinong kakausapin ko tungkol sa bagay na yon? Hindi ko pwedeng tanungin ang mga Ulupong dahil puro lamon lang naman ang ginagawa nila. Ang kailangan ko yung taong may panlasa.

"Wala kang napala di ba?" Tanong ni Aries na nagpabalik sakin sa ulirat.

"Ayaw sumagot eh. Mukang bitter pa rin kay Papa."

Bahagya siyang natawa. "Ano yan? Teenager? May feelings pa?"

Natawa din ako. "Siguro."

Ang mahinang tawa namin ay nauwi sa malakas na tawanan. Malabo naman kasi ang sinasabi namin, dahil unang-una ikakasal na si Mama tapos tahimik na si Papa sa orihinal na asawa niya. Kaya malabo pa sa tubig baha na may feelings pa sila sa isat-isa.

Pero paano nga kaya kung meron?

Sandaling huminto ang kotse dahil sa stop light. Pero ang mga mata namin umaandar pa rin at nakasunod sa taong tumatawid sa mismong harap ng sinasakyan namin.

"Is that Andy?" Tanong ni Aries habang sinusundan pa rin ng tingin ang lalaki.

Tinitigan ko siyang mabuti. "Si Andy'ng epal nga!"

Ang walanghiya! Hindi pa man din sila ikinakasal ni Mama, eto at may ka-akbay ng kolehiyala habang patawid ng daan.

"Sundan mo!" Pasigaw kong utos kay Aries.

"What for?! Hayaan mo na siya!"

Pinandilatan ko siya. "Anong hayaan? Tukmol ka! Nang bababae ang future step Daddy mo!"

Tinignan niya ko na puno ng pandidire. "Wag mo ko idamay. Stepfather mo lang."

Pina-andar niya ang kotse at tumuloy sa daan papuntang school. Wala akong ibang nagawa kundi panoorin ang hayop na lalaking magiging susunod na asawa sana ni Mama.

Ang Mutya ng Section E (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon