Chapter 346

492K 25.3K 65.4K
                                    

A/N: sorry kung dalawa lang. Na-zone out ako ng worthless ni Jonaxx.

Hopefully makabawi na ko.

Tarsier

Jay-jay's POV

Sa wakas, Friday na. Mapapahinga ako sa dalawang araw na weekend. Hindi ko kailangang tiisin ang muka ng hayop na Keifer-kwanan.

"Jay." tawag niya sakin at napangiwi ako.

"Ano ba?" inis na sagot ko.

Hinarap niya sakin ang hintuturo at hinalalaking magka-cross. Finger heart yata ang tawag sa ginagawa niya sabay kindat sakin.

Kita ko ang pagtawa nina Felix, Edrix, Eman, Eren at Calix. Para silang kinikiliti sa pwet sa ginagawa nila.

Napakurap-kurap ako dahil sa kawalang-interes sa ginagawa ng hayop na kumag na tukmol na sira-ulo na gago na tarantado na walang-hiya na hudas na barabas na estas na nikolas na Hari ng mga kapwa niya Ulupong.

"Yang layo mo na yan, abot ka ng sapatos ko kapag binato kita." sabi ko bago sila talikuran.

Malakas na tawanan naman ang narinig ko sa mga kasama niya. Sunod-sunod naman silang minura ni Keifer.

"Dapat kasi may pagkain sa gitna ng daliri mo." dinig kong sabi ni Eman. "Tignan mo kikiligin yan."

Nagtawanan na naman sila. Mukang maligaya silang buskahin ako at talagang dinamay pa nila ang Hari nila. Napatingin ako sa pinto ng pumasok si Ci-N na parang lumong-lumo.

"Nakita mo si Drew?" bungad niya sakin.

Umiling naman ako. "Wala pa siya. Bakit?"

"Nadagdagan utang niya sakin. Wala na nga akong pera nautakan pa ko." inis na sabi niya at padabog na naupo sa bangkuan niya.

Kawawa naman.

"Magkano nakuha niya sayo?"

"Piso." sagot niya na parang iiyak.

Daig pa niya nasadlak sa matinding pagsubok habang binabanggit ang salitang piso. Parang nawalan siya ng daliri at katapusan na ng buhay niya.

Piso palang yan, paano kaya kung siya ang nautangan ng 5000?

"Balik na naman sa 8pesos utang niya sakin."

"Hiyang-hiya naman akong hindi pa rin nababayaran." halos pabulong kong sabi pero hindi naman niya ko pinansin.

"Jay-jay, wala na kong pera. Naubos ko na kakabili ng mga bagong laro." maluha-luha pa siya habang tinitignan ang palad na parang pinapanood ang imaginary money niya. "Kawawa naman ako."

Wala siyang kontrol sa pera. Kung hindi niya pinaglalaanan hindi niya pagkagastusan pero kung ang gusto niya ang bibilin, ubos kung ubos ang pera niya. Hindi pa talaga siya pwedeng maging indipendent. Parang malaki ang galit niya sa pera kapag nahawakan niya.

"Pakiramdam ko isa na kong hampas-lupa." dagdag niya pa bago dumukdok sa lamesa niya at bumulong ng bumulong.

Dahil lang sa nautangan siya ng panibagong piso mukang umandar na naman ang pagkabaliw niya. Ramdam na ramdam niya ang hirap sa bawat kusing na nagkukulang sa kaniya.

"Piso palang yan. Bibigyan nalang kita." Sabi ko at akmang dudukutin ang wallet sa bag pero biglang tumaas ang ulo ni Ci.

"Parating si Dabid." Sabi niya na parang radar na radar ang presensya ni David. "Palibre tayo."

Ang Mutya ng Section E (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon