Chapter 330

617K 27.4K 69.9K
                                    

A/N: SPG






































Salt Pepper and Garlic.

Hehehe Siopao. 😂



Isla Ulupong

Jay-jay's POV

"The reindeer is injured."

"Punyeta ka! Hindi ka ba talaga titigil?" Inis na sabi ko at pagtawa lang naman ang sinagot niya.

Mula pag-gising hanggang sa pagkain ng almusal ang lintik na reindeer na yan ang bukang bibig niya. Hindi yata siya nasiyahan at gusto pang pangalawahan.

Tadyakan ulit.

"Sinasabi ko sayo!" Banta ko at tinutok ko sa kaniya ang kutsara.

"Paano mabubuo panganay natin niyan?" Mapang-asar na tanong niya.

Gusto kong ibato sa kaniya ang platong nasa harap ko. Kayalang sayang pagkain. Talagang hindi siya titigil hangga't hindi nasisira ang araw ko.

"I already choose a name for him." Sabi niya at ngumiti.

Him?

"Paano mo naman nalaman na lalaki panganay mo?"

"I'll make sure that it's a boy. Dadaanin ko sa posisyon."

Ay shutanginamers.

Bigla ko nalang nabuga ang kanin na kakasubo ko pa lang. Hindi ko alam kung paano papahabain ang pasensiya ko. Alam kong may kasalanan ako kagabi dahil sa pagsipa ko sa reindeer niya pero kingina naman. Tao lang ako, nananapak din kapag napikon.

"Wanna know his name?" Tanong niya at tumango nalang ako para matapos na.

"Well, my name comes from a verb and I want his name to be the same. I want something that's close to my name. So if I'm Keifer from the word keep he'll be..." Huminto pa siya saglit at ngumiti sakin. "Caretaker."

Bigla nalang ako napatawa ng malakas. Muntik pa kong malaglag sa upuan at nang tignan ko siya tuwang-tuwa din siya sa kalokohan niya.

Hayop na yan! Sinong matinong ama ang magpapangalan ng ganyan sa anak?

"Tarantado ka!"

Napapailing pa siya habang patuloy sa pagtawa. Malamang ko matagal-tagal din niyang pinag-isipan ang pangalan.

"Then if we will be having a girl. I'll name her... Watcher."

Hindi talaga papa-awat.

Natakpan ko nalang ang mga mata ko ng isang kamay dahil sa kunsume. Kahit benta sakin ang kalokohan niya bwisit pa rin siya. Kapag hindi siya tumigil, baka mabato ko na ang kutsarang hawak ko.

"Please... Hayaan mo kong mag-almusal ng matiwasay." Paki-usap ko.

Kahit sumisilay ang makalokohang ngiti niya tumango pa rin siya. Mabuti nalang at hinayaan niya kong kumain ng maayos.

Pagkatapos mag-almusal ako na ang naghugas ng pinagkainan namin. Nakakahiya naman sa kaniyang inayos ang kalan para magamit ulit namin. Ewan lang kung anong pag-aayos ang ginawa niya.

Kasalanan talaga to ng mga isda.

"Are you done?" Bungad sakin ni Kei—kwanan.

Ang Mutya ng Section E (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon