Chapter 350

351K 18.2K 47.3K
                                    

A/N: Hi guys, sorry if I broke my promise last night. Nawalan kami internet. 😑😑 Mabagal na nga ang lintik nawala pa.

Mabuti nalang nabalik na ngayon, akala ko aabutin na naman ng 1week kagaya dati.

Hope you enjoy.

Sunday Bless

Jay-jay's POV

Gusto magpakabit ng laser sa mga mata para matunaw na tong kapatid kong anak yata ng hanging Habagat.

"Magsalita ka na?" Inis na utos ko.

"Pilitin mo ko." Mapang-inis naman na sagot niya.

Putarages talaga to.

Kanina ko pa siya gustong murahin. Kung wala lang sana tong si Keifer sa harap ko baka paulit-ulit na kong nagmura.

"Percy!" Singhal ko.

"Jay-Jay!" Pang-gagaya niya.

"Stop your childish game Percy. Just answer Jay." Utos ni Keifer.

Sandali muna siyang tumawa bago napabuntong hininga.

"Bakit ba kasi ako tinatanong dito?" Tanong niya bago mapakamot sa ulo. "Huli ko na nalaman na nagkakausap sila."

Tinignan ko siya ng masama. "Yun lang?"

"Yun lang talaga." Paglilinaw niya.

Natakot lang pala si Aries sa wala. Akala niya siguro isusumbong siya nitong kumag kong stepbrother na to sakin. Wala din naman siyang alam dahil mukang hindi rin sinasabi sa kanya ni Papa.

Nasayang lang pala ang punta ko dito. Napanguso ako bago mapaupo sa sahig. Gusto ko na namang maiyak dahil sa inis.

Naiinis ako dahil niloko ako ni Aries. Maiintindihan ko kung magkagalit pa rin kami kaya niya tinago pero okay na kami ngayon eh. Siya pa ang nagsabi na babawi siya, kaya ano tong paglilihim na ginawa niya.

"Percy..." Halos paiyak na tawag ko sa kanya. "Gusto ko na makita si Papa."

"Ay wag ako ang pakiusapan mo." Panggagaya niya sa tono ko.

Bwisit.

"Kahit secret lang natin. Walang makakaalam."

"Sige. At secret din ang magiging pagkamatay ko sa kamay ni Angelo. This time it will be for real."

Bahagya akong napasibangot. Ang laki naman ng takot niya kay Kuya Angelo.

At ganon din ako.

"Ano bang dapat kong gawin?" May halong pakiusap ang tono ko.

"Kausapin mo ang Nanay mo." Mabilis na sagot ni Percy. "Kumbinsihin mo."

Napailing ako. Paano nga? Galit na galit ang Nanay ko at hindi mapabago ang isip. Kahit nga yata mangisay ako sa harap niya hindi pa rin siya papayag.

"Ano namang sasabihin ko?"

"Sabihin labs pa rin siya ng Tatay mo."

Parang gusto kong umiyak ng malakas. Hindi na nga ako makaisip ng paraan tapos hindi pa rin ako makakuha ng matinong sagot.

Ang lakas maka-tangina kausap nitong stepbrother ko.

"Gusto na kitang sapakin." Sabi ko at matamis siyang ngumiti bilang sagot.

Lumapit sakin si Keifer at tinulungan akong tumayo.

"Best to convince your Mom, Jay. Mahirap unahan ang desisyon niya baka lalo mong hindi makita ang Papa mo." sabi niya.

Ang Mutya ng Section E (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon