Chapter 337

546K 24.3K 50.1K
                                    

A/N: Imagination lang ang Section E.




















































Imagination ko! Akin! Mine!





Grazel

Jay-jay's POV

"Ilang months na ulit?" Tanong ko habang tumitingin kami ng damit para sa baby.

"7 months."

"Bakit?" Wala sa sariling tanong ko.

Ganun kabilis ang panahon? Pitong buwan na ang tyan niya na hindi ko namamalayan. Sa dami ng naganap samin hindi ko na napapansin na ganun kabilis nang lumipas ang mga araw.

Iritado niya kong tinignan. "Anong bakit? Alangan namang hindi lumaki ang tyan ko. Ano yan? Habang buhay na fetus?"

Napakamot ako sa ulo dahil sa pagta-taray niya. Hindi ko lang siya magawang sagutin dahil sa buntis siya at baka mapaiyak siya ng di-oras. Baka awayin ako ni Denzel kapag nang-yari yon.

Hintayin ko siyang manganak.

Sinilip ko si Keifer na naka-sunod lang samin. Halatang naiinip na siya at nililibang ang sarili. Medyo naaawa nga lang ako dahil naging taga-bitbit siya ng pinamili ni Grace. At naging taga-bitbit din ako ng mga hindi pa niya nababayaran.

"May dalawang buwan na kaya ang tyan ko nung pilit mo kaming pinag-bati ni Denzel." Sabi niya habang tinitignan ang mga damit ng baby.

"Alin? Yung muntik ka ng tumalon sa tulay?" Inosenteng tanong ko at bigla niya kong tinignan ng masama.

"Wag mo nga paalala yan!" Inis na sabi niya. "Hindi ako makapaniwalang ginawa ko yon."

"Bakit?"

"Kasi naisahan ako nyang boyfriend mo." Sagot niya sabay turo kay Keifer na tinitignan ang mga sapatos ng baby.

Agad akong umiling. "Ay! Hindi ko boyfriend yan!"

Napakurap-kurap siya bago magpa-balik-balik ang tingin niya sakin at kay Keifer.

"Ang landi niyo sa isa't-isa tapos hindi kayo?" Tanong niya sunod ngiwi. "Label din."

Siya lang malandi. Marupok lang ako.

Nagpatuloy si Grace sa pagtingin ng mga damit. Nang makonte sa mga nakuha, tsaka naman kami lumapit sa cashier kasunod pa rin ang Hari ng mga Ulupong.

Nagdalawang tingin pa ko sa kaniya ng makita kong may hawak siyang sapatos ng baby. Isang panlalaki at isang pambabae.

"Anong gagawin mo dyan? Regalo sa inaanak?" Tanong ko at umiling siya.

"Para kay Caretaker at Watcher." Sagot niya at sumilay ang nakakalukong ngiti.

Sira-ulo talaga!

Agad ko siyang sinuntok sa braso at halatang nagulat siya. Pati mga tao sa loob ng botique napatingin din samin.

"Aw, bakit?"

"Anong bakit? Ibalik mo nga yan!" Pabulong na sigaw ko habang pinanlalakihan siya ng mata.

"Ayoko. This is for our future baby."

Muntik ko na siyang masampal dahil sa inis. Papanindigan talaga niya ang balak na pagbili sa mga sapatos.

"Kupas na yan kapag nabuo ang baby mo."

Ang Mutya ng Section E (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon