Chapter 361

255K 14.4K 39K
                                    

A/N: Surprise update. haha Next week ko pa sana update lahat but you guys seem so stress with the Election. Hope this chapter helps you.

I want a healthy environment so please don't meantion any political topics.

In-law

Jay-Jay's POV:

Kung hindi lang siguro mabigat ang nararamdaman ko dahil sa nangyari o kaya man ay hindi ako nakokosensya sa ginawa ko, malamang na magdamag kong hahangaan ang unit ni Kuya.

Akala ko karaniwang Condominium Unit lang.

Kalahati ng floor yata ang sakop ng unit niya. Hindi ko nga alam kung pinto ba ng kapitbahay niya ang nakita ko kagabi bago pumasok. Halos wala akong maramdamang tao sa building na 'to. Pero maraming security sa ground floor.

Mahigpit kong niyakap ang dalawang snorlax na dinala ko hanggang dito. Hindi ako makakatulog kung wala sila. Hindi baleng maiwan ko ang cellphone ko wag lang ang mga 'to.

Pampapatulog ko 'to.

Sandali akong napatitig sa malaking bintana ng kwarto. Palibhasa nasa mataas na building kami kahit hindi na lagyan ng kurtina o blinds, ayos lang. Tingin ko madaling araw na dahil nagkakaroon na ng kaunting liwanag ang langit. Malalim akong napabuntong hininga.

Bumangon ako at kinuha ang cellphone ko sa bedside table. Tama nga ako dahil 5:29AM na. Hindi ako nakatulog ng maayos. Matagal bago ako nakatulog at may ilang beses din akong nagising. Kahit hanggang sa panaginip ko hinahabol ako ng konsensya ko at pati ng mga alaala ko sa Tatay ni Aries.

Minabuti kong tumayo na at ayusin ang hinigaan. Malaki ang kama dito kumpara sa kama ko sa bahay. Dahil hindi rin ako nakatulog ng maayos hindi masyadong nagalaw ang kumot at sapin. Hindi ko mapigilang pagmasdan ang kabuuan ng kwarto. Halatang lalaki ang nakatira dahil panlalaki ang kulay ng lahat ng gamit at pader.

Nilapitan ko ang study table kung saan ko binaba ang mga gamit na dala ko. Malaki-laking travel bag din ang nahatak ko at pinagsiksikan karamihan ng damit ko. Nilabas ko ang uniform ko at pilit inunat mula sa pagkakalukot.

Mukang kailangan ko manghiram ng plantsa kay Kuya.

Lumabas ako ng kwarto at nagbaka sakali na gising na siya. Hindi naman ako nabigo dahil nasa kusina na siya at naghahanda ng almusal. Meron din siyang kausap sa cellphone.

"She'll be fine with me..." nilipat niya ang phone sa kabilang tenga at inipit ng balikat. "...I'm not sure. It depends on how long she would like to stay here."

Mukang ako ang tinutukoy niya sa kausap niya. Naupo ako sa isa sa mga mataas na stool sa harap ng island table at hinintay siyang matapos makipag-usap.

Malaki ang kusina niya.  Kagaya sa kwarto, brusko din ang kulay ng pintura sa kusina. Kumpleto sa gamit kagaya ng malaking oven, double door na ref at mga appliances na makikita sa mga sosyaling chef sa tv.

"Please look after Aries and Tita Jeana. Bye," dagdag niya bago tuluyang ibaba ang phone.

Napalingon siya sa side ko at sandaling natigilan ng makita ako.

"Good morning," bati ko.

"Good morning. Halatang kulang ang tulog mo," sagot niya at kusa akong napahawak sa muka ko.

"Putol-putol ang tulog ko."

Tinuloy niya ang ginagawang paghahanda ng almusal. Hindi rin naman nagtagal ng matapos siya at ibaba sa harap ko ang sinangag, hotdog, ham, itlog at bacon. Medyo nagtaka nga lang ako dahil parang sobra para sa dalawa ang luto niya.

Ang Mutya ng Section E (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon