Chapter 268

624K 21.4K 17.6K
                                    

A/N:  Ang lame nung previous Chapter. Kaunting tiis, malapit na matapos ang mga chapter ni Keifer. Nami-miss ko na din ang POV ni Jay-jay.

Nami-miss ko ang kakulitan nya at ng mga Ulupong.

For those who doesn't get the set up of Keifer's POV. Eto yung time na dinurog nya ang puso ni Jay-jay. Yung paliwanag nya at yung tunay na saloobin nya.

Again, I apologize for the grammar. You know, instant editing dahil dun sa dalwang maling chaps. Hnd naman kasi eto tlga pagkakasuno-sunod nito.


Added Pain

Keifer's POV

Mababaliw ako. Hindi ko alam kung makakatagal pa ko ng ganito.

"Seriously? Balak mo bang ubusin lahat ng alak dito sa Mini bar nyo?"

I didn't bother myself to look. I know it's Honey.

"Wala kang paki kung ubusin ko to. Marami akong pambili." I said and take a sip from my glass.

Eto lang ang paraan ko para makatagal sa ginawa ko. Pakiramdam ko sa bawat oras na hindi ko sya nakaka-usap, hinuhugot ang puso ko sa katawan ko. Kailangan kong mamanhid.

"Whatever. Two days na palang hindi pumapasok ang girlfriend mo. At mukang wala pa rin syang balak pumasok ngayon."

I knew this might happened. Kasalanan ko to. Mukang nawalan na sya ng gana mag-aral ng dahil sa nangyari.

Pati ang mga kaklase namin nawalan na din ng gana sagutin ang tawag ko. Rory is the first person I tried to call but he's not answering his phone. Ganun din ang ginawa ko sa iba pero pare-pareho nilang pinapatay o hindi sinasagot ang tawag ko.

Yuri and Ci-N are the only one who answered my call pero iisa lang ang sinasabi nila. They keep asking what my problem is. Hindi ko naman sila masagot kaya pinapatay ko nalang ang tawag.

"Ano nang balak mo? Babalik ka na ba sa London?" Honey ask me.

I shook my head. "Not yet."

I'm not yet strong enough.

Hindi ko pa nga naayos ang anger management issue ko. Yun ang dapat kong unang ayusin bago ang iba.

Pero sa dami ng problemang sumasabay sakin ngayon nalilito na ko sa mga dapat kong unahin.

"Hay Keifer... Ako ang nahihirapan dyan sa ginagawa mo."

"You don't have to stay here if you can't stand seeing me like this."

Bahagya syang tumawa dahilan para tumingin ako sa kanya. She's starting to annoy me.

"Sabi mo, you will be strong enough para ma-protektahan ang pamilya at mahal mo. But here you are look more miserable than your girl." He arch a brow. "...now tell me how this drank man in front of me can save his family and love ones."

Nabitawan ko ang basong hawak ko.

She's right.

Minsan may sense din pala ang mga pinag-sasa-sabi ng babaeng to. Akala ko puro arte lang sya at katarayan. Pano ko nga naman ipaglalaban at po-protektahan si Jay-jay at ang mga kapatid ko kung muka akong miserable.

I chuckled in disbelief. Kaya ko nga pala sya tinaboy para maayos ang sarili ko at para masiguro na ligtas sya. May mga bagay nga pala akong dapat gawin kesa ang umupo nalang dito at uminom.

Ang Mutya ng Section E (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon