Chapter 336

434K 21.4K 33K
                                    

A/N: Eto ang kasama ng UD ko last Friday.

Enjoy! Yay!

Happy Birthday
🎉🎂🥳🎁🎊🎈
Renaline Torreon




Shopping

Jay-jay's POV

Wala akong nakuhang sagot galing kay Yuri. Ang ending umalis akong bigo at masama ang loob. Hanggang pag-uwi ko sa bahay balot ako ng inis kaya kahit natuktukan ako ni Kuya—na sa sobrang sakit napaiyak ako—inis na inis pa rin ako.

Ang mas masakit pa, pa-ulit-ulit na bumabalik sa isip ko lahat ng nalaman ko kay Freya. Lumalabas na si Yuri ang lalaking kinahuhumalingan niya. Yung lalaking muntik ng makabuntis sa kaniya.

At alam yon ni Aries.

"Jay-jay! Gising na, mag-almusal na!" Sigaw ni Aries mula sa labas ng kwarto ko.

Kanina pa ko gising at nakapag-hilamos. Binuksan ko ang pinto at takang napatingin sakin ang kapatid kong horoscope.

"Ang laki ng eyebags mo." Puna niya sa mga mata ko.

"Wag mo pansinin yan. Meron akong itatanong sayo."

"What?"

"Tungkol kay Freya." Panimula ko at naghintay naman siya. "Si Yuri ba yung lalaking kinababaliwan niya?"

Sandali siyang tumigil at tinitigan ako. "May sinabi ba siya?"

Umiling ako. "Hinala ko lang."

Nagbuntong hininga siya. "Mag-almusal ka na. Si Kuya maghahatid satin ngayon."

Whut?

Balak ko pa sana siyang kulitin sa sagot pero naka-alis na siya sa harapan ko. Wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kaniya dahil hindi ako pwedeng mahuli o magreklamo na laging nagmamadali ang service ko.

Si Kuya Angelo ang service namin ngayon. Hindi maganda kung ipapakita ko sa kaniyang nag-re-reklamo ako sa pagpasok ng maaga.

Para na rin akong nagreklamo sa pader.

Pagdating sa hapag, nag-uusap-usap sila Tita Gema, Tito Julz at Kuya Angelo. Pero nang makita nila ko bigla silang tumahimik at umarteng iba ang pinagkaka-abalahan. Kahit hindi nila sabihin, alam kong ako ang topic nila.

"Kain na. Baka mahuli kayo ni Aries." Nakangiting aya sakin ni Tita Gema.

Tumango naman ako at sinimulang kumain ng almusal. Nagpatuloy sila sa pag-uusap pero tungkol na sa kung saan ang topic nila. Hanggang sa matapos akong kumain at mag-paalam naging maingat sila sa mga sasabihin nila.

Nangangati tuloy akong alamin ang pinag-uusapan nila tungkol sakin. Baka mamaya, gusto na pala nila kong pamanahan ng yaman wala pa kong ka-alam-alam.

Hindi na po kailangan, may isla na po ako.

Nag-madali ako sa pagligo at pag-aayos dahil ayokong ma-abala si Kuya Angelo pero pwede ring ayoko siyang magalit dahil sa kabagalan ko.

Kung nakaka-inis si Aries kapag minamadali ako, nakakatakot naman si Kuya. Kaya natapos ako ng mas mabilis kesa sa normal na tagal ko sa pag-aayos.

Paglabas ko ng kwarto, napansin kong nag-sasapatos palang ang kapatid kong magaling magbasa ng kapalaran.

Panis! Mas maaga ako sa kaniya.

Ang Mutya ng Section E (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon