Chapter 342

378K 20.1K 37.4K
                                    

A/N: I miss updating. Sana ito na ang stepping stone para makabalik ako sa active writing life. Sobrang exhausted ko lately feeling ko tuyot na ko.

Miss ko na ring gumala! 😭

Hope you enjoy guys. Sorry kung ito lang nakayanan ko pero balak ko talaga mag-UD next week. Sana magawa ko.

Closets

Jay-jay's POV

Hindi na ko makakapasok sa sunod na subject pagkatapos ng lunch. Sabi ni Rory sandali lang kami pero patapos na ang lunch andito pa rin kami sa dorm ni Edrix.

"May babae sa kwarto ni Rix." Dinig kong sabi ng kung sino sa labas ng kwarto.

Nakita ko pa ang anino nila mula sa bintana.

"Wag mo pansinin yang mga yan. Ingit lang sila kasi may pumuntang babae dito." Sabi ni Rory habang naghahalungkat sa mga gamit ni Edrix sa ilalim ng kama.

"Akala ko kasama ni Edrix parents niya sa bahay." Sabi ko at tinignan ang mga gamit niya sa study table.

Tatlo ang laptop niya na may iba-ibang brand. Lima naman ang router para sa internet na nakadikit sa pader o kaya naman ay nakapatong sa ibabaw ng cabinet na puno ng mga libro at log book. Meron din siyang isang box ng sapatos na puno ng mga Flash Drive. May mga nagkalat din na cable wire at mga connector. May mga action figure din siya ng mga kilalang anime.

Medyo magulo ang lamesa niya pero kabaliktaran naman ang kabuuan ng kwarto. Maayos lahat ng gamit. Nasa basket ang maruruming damit. Nakatupi ang kumot at unan sa isang sulok ng kama. Ang mga sapatos niya nakahilera sa isang sulok ng kwarto. Hugas ang mga plato at naka-ayos katabi ng mga baso at pitsel.

"Hindi na umuuwi si Edrix sa kanila buhat ng mawala ang Nanay niya." Sagot ni Rory ng hindi tumitingin sakin.

Mawala?

Lumipat siya sa closet ni Edrix ng walang mapala sa ilalim ng kama. Natawa pa siya ng makita ang litrato ni Freya na nakadikit sa likod ng pinto ng buksan niya aparador.

Hindi ko maiwasang hindi mapaisip sa sinabi niya tungkol sa Nanay ni Edrix. Kaswal lang ang pagkakasabi niya pero hindi para sakin. Dahil sa tinagal naming magkakasama hindi ko alam na may ganito problema. Mahirap mawalan ng parte ng pamilya. Lalo na ang Ina na dapat kasama niya sa bawat andar ng buhay. Ako nga na walang Ama nahihirapan, siya pa kaya.

"A-anong nangyari sa Nanay niya?" Alanganin kong tanong.

"Biglang nawala tapos wala na silang balita." Sagot ulit niya habang patuloy pa rin sa hinahanap.

"Gaano katagal na yon? Kahit clue o kung saan huling nakita? Wala?"

"Expected na yon." Sagot niya na nagpakunot ng noo ko. "Sa linya kasi ng trabaho niya."

"Linya ng trabaho?"

Sandali siyang tumingin sakin. "Hindi mo alam?"

Ay tingin mo?

Walang buhay ko siyang tinignan. "Itatanong ko ba kung alam ko?"

Mahina siyang tumawa. "Maling tanong, natarayan tuloy ako."

"Ano ngang trabaho niya?" Tanong ko ulit.

Tinuro niya ang study table ni Edrix. "Kapareho ng ginagawa ng Tropa natin. May nabanggang malaking tao kaya ayun biglang nawala."

Napaupo ako sa kama. Nakakalungkot ang makarinig ng ganun kwento lalo sa kaibigan. Hindi rin halata kay Edrix na may ganun pala siyang pinagdadaanan. Madalas siyang sumali sa kalokohan at makipagtawanan pero kagaya ng iba at kagaya ko meron din palang sakit na nakatago.

Ang Mutya ng Section E (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon