Chapter 344

528K 23.5K 52.8K
                                    

A/N:

🥳🎁🎊🎉🎂
HAPPY BIRTHDAY
TO SECTION E's YOUNGEST Ulupong

CI-N PERALTA

From your creator
eatmore2behappy
and from Tropa

🎂🎉🎊🎁🥳

Broken friendship

Jay-jay's POV

Hindi ba pwedeng sa ibang araw nalang magbangayan ang mga to? Dito pa talaga nila naisipang magtalo. Nawala na din yata sa isip nila na mas kailangan ni Yuri ng tulong.

"How did you get in?" Inis na tanong ni Aries sa dalawa.

"From the gate." Sagot ni Percy.

"Through the gate." Sagot naman ng Hari.

Husay nila sasagot.

Kung ako yan, baka natampal ko na sila. Binalik ko ang tingin sa kapatid ko ng magtanong ulit siya.

"Wala man lang nakakita sa inyo?"

"Kasambahay niyo. Sila pa nga nagturo sakin dito." Paliwanag ng stepbrother ko.

Inis na napabuga ng hangin ang kapatid kong Horoscope. "Kapag nalaman to ni Kuya—."

"Wala siya." Sabay na sagot ng dalawa.

Saan naman kaya yun?

"Nakita ko siyang umalis bago ako pumasok." Dagdag ni Percy.

"I saw him inside his car and drove away." Sagot naman ng tukmol na Hari.

Napabuga na naman ng hangin si Aries at sandaling tumingin sakin at kay Yuri bago ulit harapin ang dalawa.

"Kung si Yuri ang kailangan niyo tangayin niyo na siya." Utos niya.

Napangiwi ako. Ganon-ganon nalang yon. Parang hindi tao tong si Yuri, daig pa niya nagpatangay ng basura sa mga aso.

"I'm here to see Jay-jay." Mabilis na sagot ng tungkol na kumag na Hari.

"Same." Si Percy habang nakataas pa ang isang kamay.

Tinuro ko ang sarili ko. "Anong meron sakin? Si Yuri ang may kailangan ng tulong."

"Langya naman kasi, sabi ni Felix may nangyari daw sayo at kay Yuri." Tinanaw pa niya ang nasa likod namin. "Mukang ibang pangyayari ang naganap." Dagdag niya at ngumiti ng nakakaloko.

Halatang iba ang gusto niyang iparating. Bu-bweltahan ko na sana siya pero meron ng nauna sakin.

"NOTHING HAPPENS TO THEM!" Mabilis na kontra ng tukmol na kumag na demunyong Hari.

Pare-pareho kaming nagulat sa inasta niya. Napahawak pa si Percy sa dibdib niya na parang aatakihin siya sa puso. Napataas naman ng isang kilay si Aries at ako, napanganga nalang.

"Chill... Walang aatake sayo." Awat ni Percy sa kaniya. "Kalma lang ha? Kalma."

"Wala talaga. Binibihisan ko lang si Yuri nong dumating kayo." Paliwanag ko para matapos ang iniisip nitong step brother ko.

"See? I'm right. May tiwala ako sa Jay-jay ko kaya alam kong hindi niya magagawa yon." Proud na gatong ng gunggong na tukmol na kumag na demunyong Hari ng mga Ulupong.

Jay-jay nino?

"My sister is not yours. Kung may tiwala ka bakit nandito ka?" May paghahamon sa tono ng kapatid kong kapalaran.

Ang Mutya ng Section E (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon