Chapter 358

350K 18.2K 27.9K
                                    


Ares

Jay-Jay's POV

Nakatitig ako kay Mama habang kumakain. Pati siya nakatingin sa'kin na para bang takang-taka sa ginagawa ko.

Nilagyan niya ng bacon ang plato ko. "Sabog ka ba? Bakit ganyan ka makatingin sa'kin?"

Umiling ako. "Hindi."

"Kumain ka na. Kung ano-anong ginagawa mo dyan."

Ginawa ko ang sinabi niya pero hindi ko pa rin inaalis ang tingin ko sa kanya. Pinili nalang niyang wag akong pansinin. Akmang lalagyan niya ng ulam ang plato ni Aries pero natigilan siya ng ilayo ng kapatid ko ang pinagkakainan.

Napatingin kami halos lahat sa kanya. Ramdam ko ang pagtitig sa kanya ni Kuya Angelo. Wala namang paki ang Nanay ko at nilagay nalang sa plato ko ang dapat na sa kapatid.

Nice. More ulam.

"Aries." May halong pagbabanta sa boses ni Kuya Angelo.

Tumayo ang kapatid ko. "Tapos na ko kumain." sabi niya at lumakad paalis.

Sinundan ko lang siya ng tingin habang patuloy sa pagnguya sa kinakain ko.

"Bilisan mo sa pagkain Jay. Sumabay ka kay Aries papasok." utos ni Kuya kaya napatingin ako sa kanya habang may subo pang bacon.

Nilunok kong mabuti ang kinakain ko bago sumagot sa kanya. "Hindi mo na ko hahatid?"

Tinaasan niya ko ng kilay na para bang pinapaalala niya sa 'kin ang nangyari kahapon sa bahay nila Yuri. Napakamot lang ako sa batok bago napanguso sa kanya.

Sabi ko nga, baka mapalaban na naman siya.

Binilisan ko ang pagkain para makasunod na sa kapatid ko. Malamang na sisigawan na naman niya ko dahil sa pagiging mabagal. Hanggang ngayon misteryo pa rin sa 'kin ang ginagawa niyang pagligo sa umaga. Sa gabi naman medyo mabagal siya.

Siguro talagang wisik-wisik lang ang ginagawa niya. Pagtalaga napatunayan ko yon, yari siya sa 'kin. Matagal-tagal na pambubuska ang gagawin ko sa kanya para makaganti.

Tinapos ko ang pagkain at nagpaalam na para makaligo. Kinailangan ko din bilisan dahil ramdam ko na ang presensya ng kapalaran sa labas ng pinto ng kwarto ko. Ilang beses ko tuloy natamaan ang gilagid ko ng sipilyo dahil sa pagmamadali. Ilang beses din akong nahilam ng shampoo.

Nang matapos ako sa pagbibihis, magkaiba na naman ang medyas ko pero hindi ko na pinansin. Kinuha ko nalang ang bag ko bago magsapatos.

Paglabas ko ng pinto nakasandal ang Horoscope sa pader. Hawak ang cellphone at merong tinititigang message. Makikibasa din sana ako pero mukang naramdaman niya ang presensya ko.

Ay hindi ko nakita.

"Tara na... Ang bagal mo talaga," sabi niya at tinalikuran ako.

Napanguso ako bago siya sundan sa paglalakad. Sandali kaming nagpaalam kay Mama at kay Tita Gema bago tuluyang lumabas. Halos manlaki ang butas ng ilong ko ng makita ko ang makintab niyang bagong kotse.

Sumukay na siya kaya hindi na ko nakapagreklamo pa. Para akong sinampal ng mamahaling pabango pagpasok ko. Bigla tuloy akong natakot huminga at baka masira ang sasakyan ng hangin mula sa baga ko. Mabilis nanlamig ang pwet ko pag-upo kahit hindi pa naman bukas ang aircon. Hindi ko rin magawang hatakin ang seat bealt dahil baka masira ko.

Barumbado pa naman ako maghatak ng seat bealt.

"What's wrong with you?" tanong sa'kin ng kapatid ko.

Ang Mutya ng Section E (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon