Chapter 355

293K 14.6K 27.9K
                                    

A/N: Merry Christmas! 🎉🎂🥳🎄🎅🎁

What's inside

Jay-jay's POV

"WAAAAAT?" sigaw ni Drew sa mismong muka ko.

Agad ko siyang inambaan ng sampal. Kundi lang bahagyang sinangga ni David ang braso niya para hindi ako makatama malamang na sapul ang nguso niya sakin.

"Mag-asawa nga si Sir Alvin at Ma'am Cindy?" Maiyak-iyak na tanong ni Eren.

"Oo nga. Kulit." Inis na sagot ko.

"HINDI! HINDI TO PWEDE!" problemadong sigaw ni Rory.

"Ang future namin ni Ma'am. Nasira na!" Sunod na sigaw ni Blaster.

"Crush ko pa naman si Ma'am." mahinahong sabi ni Josh kaya bahagya akong napatingin sa kanya.

May feelings ka pala?

Akala ko hanggang ganyan na lang siya. Kundi ako susungitan o aawayin, aasarin naman. Marunong din pala siyang magkagusto. Tao pa rin siya at hindi multo.

Napapakamot nalang si Eman sa batok habang pinapanood ang mga kaklase naming nagwawala dahil sa nalaman nila.

Habang nakatambay kami sa labas ng bahay dumating si Ma'am Cindy kasama si Yuri pero wala na si Red Hair Girl. Hindi ko na natanong kung nasan na siya dahil sunod-sunod na nagtanong ang mga Ulupong kung bakit andito si Ma'am Cindy.

Sinagot ko ang totoo na mag-asawa si Ma'am Cindy at Sir Alvin kagaya ng nalaman ko. Bigla nalang silang nawindang at halatang hindi matanggap ang sinabi ko. Kanya-kanya na sila ng pag-iinarte.

Alam ko namang dati pa nila type si Ma'am. Unang pasok ko palang sa Section E ramdam na ramdam ko na. Sa kaniya lang kaya sila may gana magklase non. Pero iba yata ang tama ng mga to.

"Crush ko din naman si Ma'am pero hindi naman ako ganyan ka-O.A." sabi ni Calix habang napapailing.

"Lahat nalang ba ng crush ko hindi para sakin?" reklamo ni Edrix.

Malay mo si Friend.

"Malay mo naman..." Parinig ni Rory. "Malay mo lang."

Bahagya akong natawa sa sinabi niya pero agad ko ding tinago ang ngiti ko ng mapansin ang paraan ng pagtingin ni Edrix kay Rory. Halatang sinusuri niya ang kaibigan. Mabuti nalang at magaling magpapanggap tong isa na parang wala lang ang mga sinabi niya.

Kailangan talaga niyang galingan, yari kami pagnagkataon.

"Wag ka mag-alala. Crush ko si Ma'am pero mas mahal kita." Dinig kong sabi ni Mayo habang sinusundan si Kit na hindi naman siya pinapansin.

"Crush ko din si Ma'am." sabi ni Ci-N habang nakataas ang isang kamay. "Ikaw David? Crush mo din si Ma'am?"

Sandali siyang tumingin samin ni Ci. "Isa lang ang crush ko. And I have no plan on adding more."

Wow. Sana lahat loyal sa crush.

Hindi ko kaya yan. Imagine crush ko ang Liempo pero crush ko din ang Roasted chicken, ang hirap mamili sa kanila. Kaya para hindi ako mahirapan lahat nalang sila ginusto ko.

Sandali akong napaangat ng tingin ng maramdaman ko ang paghawak ng kung sino sa bewang ko at bahagyang paghatak. Diretsong nakatingin si Keifer habang hindi bumibitaw sa pagkakahawak sakin. Tinignan ko din ang tinitignan niya pero si David na nakatingin sa mga kaklase lang namin ang nakita ko.

Ang Mutya ng Section E (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon