THB: 13

1.8K 30 0
                                    

Jelo's POV

Nandito ako ngayon sa Trinoma  para i-meet ang Mommy ni Zoona. She called me last night na magkita daw kami.

May importante daw kaming pag-uusapan. What is it kaya?

Luminga-linga ako upang mahanap siya at kumaway ako nang makita siyang nakaupo sa gilid. Nag-oorder na siya ng foods.

10:30 ang usapan namin pero 11 na. Patay, late ako! It's weekend kasi kaya hindi ako nag-alarm

"Uhm, Hi Tita sorry po late ako" nakangiti kong bati

"Okay lang hijo. Maupo ka" ani niya at tinuro ang upuan sa harap niya

"Thank you tita" syempre dapat magalang.

Plus pogi points kayo pag magalang ang isang lalaki. Diba boys?

"Ano po bang pag-uusapan natin tita?" Tanong ko at uminom ng iced tea

"Jelo, sabihin mo na ang totoo" seryoso niyang tanong

"Totoong ano po?" Kinakabahan kong tanong

"Alam kong napipilitan lang kayo ni Zoona. Alam kong nagpapanggap lang kayo. Why? Did Zoona tell about this?"

"Uhhm, I'm sorry tita" napalunok at tumingin sa mga pagkaing sineserve ng waiter..

Ano bang isasagot ko?

"Okay lang. No need to expalin. Naiintindihan ko"

"Hmm, tita sorry po. Alam ko po kasing kailangan niyo ang tulong nila Mama kaya pinagtitiisan na lang namin. Zoona loves you so much"

"I understand Jelo. Let's eat" nakangiti niyang sambit

Bakas sa mukha niya ang kalungkutan pero pinipilit pa rin niya ang ngumiti.

Girls will always be like that. Magaling sila sa mga ganyan. Kaya nilang ipakitang masaya sila pero deep inside masakit na pala.

Nakakaguilty! Hindi ko kayang makita si Mama na nasasaktan

"Pero kahit ganun, nakikiusap ako sayo wag mong sasaktan si Zoona, Jelo. Please"

What? Eh ang sungit kaya ng anak niyo! Isang kalbit na lang ihahagis ko na siya!

" O-opo. Promise po tita. Don't worry, ako na bahala kay Zoona" I smiled

Kahit naman ganun si Zoona, may impact pa rin siya sa akin. I don't know

"Jelo, Zoona is heartless. Hindi siya nakakaramdam. At lagi na lang nagsusungit, laging naiirita, laging galit"

Obvious naman po! Pero syempre hindi ko na siya iju-judge. She has reasons. She has experiences

"Bakit po?" Tanong ko at sumubo ng pagkain

"Nagsimula ito nung iniwan siya ng isang lalaki. Si Gerald. Boyfriend niya ng mahigit isang taon. Mahal na mahal niya ito pero iniwan siya ni Gerald" paliwanag niya at nagsimula na ding kumain

"Ano pong nangyari tita?"

"Mga bata pa sila noon, 16 years old pa lang si Zoona at 18 years old si Gerald. Iniwan siya nito upang magpakasal sa isang babaeng nabuntisan niya. I don't know they were both young that time. Mabilis kasing mahulog si Zoona. She easily gets fall inlove"

"Hindi po natanggap ni Zoona na iniwan siya?"

See? She has reason. Kaya wag nating i-judge yung mga tao kung bakit ganun sila. Lahat ng bagay may rason. Hindi lang natin alam

"Nagmakaawa si Zoona noon. Hindi niya kayang mawala si Gerald sa kanya pero kailangang panagutan niya ang bata. Zoona was a wreck! She ruined her life that time. She didn't go to school. She was helpless" naiiyak niyang sabi.

Bigla akong nakonsensya sa mga ginawa ko at nasabi ko kay Zoona. You're an asshole, Jelo!

"Hindi pa po nakamove on si Zoona hanggang ngayon?"

"Ne-depress si Zoona noon. Hindi siya kumakain, laging nagkukulong sa kwarto. Laging tinatawag si Gerald at laging umiiyak mag-isa"

Hiniwakan ni tita yung kamay ko

 "Kaya please, Jelo tulungan mo siyang magbago ulit. Tulungan mo siyang maging masaya ulit" pagmamakaawa niya

"Tita, sorry po pero hindi ko maipapangako sayo pero susubukan ko po. I'll try my best"

"Salamat Jelo. Maraming salamat" nakangiti niyang sabi

"Walang anuman po tita. Let's eat na po. Tama muna ang drama" halakhak kong sabi para naman lumiwanag ang usapan namin

Kaya pala ganun si Zoona... Kaya pala ganun ang ugali niya. Di ko alam pero naaawa ako sa kanya. Kasi alam ko ang pakiramdam ng maiwan. Minsan na rin akong naiwan ng babaeng sobrang minahal ko..

Pagkatapos naming kumain ay hinatid ko si tita sa opisina niya..

Nang nag-Monday ay maaga akong pumasok. Wala lang parang bigla akong ginanahan sa mga nalaman ko..

-----

Zoona's POV

"Makinig kayo, Zoona is my girlfriend. So kung sino ang makita kong gagawa ng masama sa kanya. RIP, you'll die" seryosong sabi ni Jelo

Napatingin ako sa kanya. What?

"Hoy ano bang sinasabi mo?" Iritado kong tanong

May saltik din sa utak 'tong yabang na 'to ah!

"Tumahimik ka nga, wag ka na lang magsalita diyan" bulong niya sakin.

Nagbubulungan na yung mga tao. May mga masama ang tingin. Of course, nandito  yung fansclub niya.

"Yun lang. Okay bye" sambit niya at hinila ako palayo. While holding my hand.

Pumunta kami sa canteen.
At umupo sa mesa.

"So what was that? Are u making a scene?" Galit kong tanong sa kanya.

"I'm just protecting you" sagot niya at sumandal sa upuan niya

"Protecting for what?" Nakakunot-noo kong tanong

"Protecting from my freakin' fans" proud niyang sagot

So yun pala yun. Anong akala niya sa akin? Mahina?

" I can handle it" I rolled my eyes

"Look Alexa---"

"Zoona, please" pagpuputol ko

"No. Sa ayaw at sa gusto mo Alexa ang itatawag ko sayo"

"Fine! Eh di Alex din itatawag ko sayo" he rolled his eyes. I rolled my eyes too

"Are you rolling your eyes?" Tanong ko. Parang babae kung magtaray naman ito.

"Yes. Fine fine. Look Alexa, hindi ka ba nagsasawa sa araw-araw na bangayan natin? Well in fact, ako kasi oo. Kaya let's just be friends"

Napatingin ako sa kanya. Himala, nasaan na yung mayabang na side niya?

"Why? Bakit mabait ka na yata sa akin?"

Napatingin ako sa grupo ni Stacey na nilagpasan lang kami. Ang sama kung makatingin!

"Mabait talaga ako. Let's be friends okay?"

Fine! Pagod na rin kasi ako! Mabait naman din pala ang isang 'to

"Okay. Friends"

First boy na friend sa Pinas. It's not bad after all

"Pero yung rule. Okay?" His voice is calm. Okay. Okay rin namang kausap 'to ah.

.
"Yes. I'll never  forget. Don't worry" 

Hahaha! Tatawagin ko siyang Alex at pinayagan niya ako. Omg! Yey.

Allah ba't ang saya mo Zoona?

Wala lang. Diko rin alam.

Wait bakit nga ba?

#

The Heartless Bitch (COMPLETED)Where stories live. Discover now