THB: 9

2.2K 32 0
                                    

Yes mga besh! Si James Reid ang napili ko para kay Dave. Ang hot niya noh? Swerte ni Naaadddiiieee!

Jelo's POV

Whole day ang praktis namin ngayon kaya heto at ang aga-aga pa ay nandito na kami sa gym. Malakas kasi ang kalaban at kailangan naming manalo.

Pressured nga ako kasi ako yung captain. Kailangang magpraktis ng magpraktis. Malaki ang tiwala ng school sa amin.

"Pre, break naman muna oh! Ang aga aga pa" reklamo ni Dave. Mukhang nabitin siya sa tulog niya. Puyat kakalaro ng computer games.

"Oo nga! Sige na Jelo" dagdag naman ni Moe. Aba, pinagkakaisahan nila ako!

"Di pwede. Dapat tayong magpraktis para masanay sa mga techniques na itinuro ni coach" paliwanag ko at nagsimulang magshoot ng bola.

3 points!

"Eh paulit-ulit na nga nating ginagawa diba?" Sabi ni Dave na kunwari naiirita daw. As if kabisado na niya. Mukhang hindi naman siya focused.

"Dapat kasi nandito si Stacey eh. Yun lang naman kasi yung makakapagpatigil kay Jelo na mag-praktis" Ani Dave

"Shutup! And don't you dare to tell that useless name!" Galit kong sagot. Douchebag!

"Woaw! Sorry naman pare!" Depensa ni Dave at tinaas pa ang dalawang kamay.

"Hon, tara na!" Sigaw ni Stacey sa akin habang nagpra-praktis kami ng basketball. Si Stacey ang buhay ko. Ang corney mo, Jelo!

"Oh, break na! Bukas na lang ulit. May date pa kasi kami ng honeybabes ko" sabi ko sa mga kateam ko. Nagsigawan silang lahat.

"Wew pre, nakalinya na yung mga langgam oh. May naamoy kasi silang sweet" pang-aasar ni Moe sa akin.

"Inggit ka lang" pang-aasar ko rin kay Moe. Palibhasa kase wala siyang lovelife, playboy eh. Hindi makuntento sa isa. Dapat daw try different things. Ewan ko sa kanya!

"Tara na hon" yaya ni Stacey sakin. Pumunta kami sa isang park na puno ng mga lovers. Tamang-tama maganda dito. Bagay kami sa park na ito!

"Hon, may itatanong ako sayo?" Biglang sabi niya habang naglalakad kami.

Holding hands while walking.

"Ano yun hon?" Ani ko at inakbayan siya.

"Kung mawawala ba ako, malulungkot ka?"

"Ano bang klaseng tanong yan hon? Syempre, pero hindi naman mangyayari yun diba?" Niyakap ko siya. Ang bango talaga ng baby ko!

"Siguro. Oo naman" sagot ni Stacey. Bakit parang malungkot siya? May problema ba siya? Hinalikan ko siya noo niya.

Si Stacey ang girlfriend ko. We are 2 years now, siya lang yung babaeng nagpatino sakin. Yung babaeng una kong minahal. But I really don't understand kung bakit niya ako iniwan.

Yung mga sinabi ba niya ay may meaning? Totoo ba yun? Iiwan niya talaga ako?

Nasa gym ako nagprapraktis ng basketball ng magtext si Stacey.

"Hon, see you sa coffee shop. Love you"

Sa sobrang excitement ko dina ako nakapag-reply at pumunta na agad ako sa shop. Hindi na ako nakapagpaalam kay coach. Well, it's Stacey!

"Hi hon" bati ko saka umupo sa harap niya. Nakapag-order na siya ng coffee namin.

"Hello hon, I miss you" ani niya.

"I miss you too. Ikaw ha, nagkita lang tayo kanina tapos miss mo na agad ako. Ganyan mo ba ako kamahal?" Pa-cute kong sabi.

Hinawakan ko ang kamay niya na nakapatong sa mesa.

"Oo Jelo, mahal na mahal kita" seryoso niyang sabi.

"Ako rin naman Stacey, mas mahal pa sa sobra. Bakit may problema ba?" I smiled. Wala naman siguro.

"Jelo..." Unti-unti na siyang umiiyak. Ba't ba siya umiiyak? May problema ba kami?

"Hon why are you crying? May problema ba?" Alala kong tanong. May nasabi ba akong mali?

"Jelo. I'm so sorry..." Hindi siya makatingin sa akin.

"Sorry for what? Please look at me, baby" ani ko at hinuli ang kanyang mga mata

"Sorry Jelo. Sorry talaga. I love you" saka niya ako hinalikan sa lips. Then, umalis na siya. Hinabol ko siya.

"Stacey!" Sigaw ko.

"Wait hon. Wala akong maintindihan. Pakiexplain naman oh" hinawakan ko ang kanyang braso para matigil siya sa paglalakad.

"Jelo I'm leaving, pupunta na ako sa New York tomorrow kaya pls itigil na natin ito" nabigla ako sa lahat ng sinabi niya.

What? So ganun na lang yun?

"Ba't hindi mo sinabi? Stacey naman eh!" Naiiyak na ako. Sana joke lang lahat ng 'to.

"Kaya nga sinasabi ko na ngayon. Dun ako mag-aaral. Hindi ko alam kung makakaya ko bang mahiwalay sayo pero wala akong magagawa Jelo! Mga bata pa tayo! Marami pang magbabago! Marami pa tayong makikilala" pinunasan niya yung mga luha sa muka niya.

"What the hell Stacey! Ano ba?! Sabihin mong joke lang ito? Kaya pls, wag kang magioke ng ganyan. Hindi nakakatuwa!"

"This is true Jelo, goodbye. Mahal na mahal kita" binitawan niya ang mga kamay ko na nakahawak sa kanya.

"Stacey pls. Mahal na mahal kita" I hugged her behind. Hindi ko siya kayang mawala! Ayoko.

"Gosh! I love you so much Jelo. Kaya kung mahal mo talaga ako, you will let me go. After 2 years siguro babalik ako. Kung tayo talaga, magkakabalikan tayo" inalis niya yung mga kamay ko na nakayakap sa kanya.

Tears started to fall. Hindi nga joke ang lahat. Iiwan na niya talaga ako. I can't believe it!

"Goodbye Jelo. Take care always" at umalis na siya. Para akong nabuhusan ng yelo na nakatayo sa labas ng coffee shop.

Bakit ganun? Bakit Stacey? Bakit?

"Wow! Ang defensive. Sorry na pare! Uso ang mag-move on" ani Dave

"Ulol! Matagal na akong nakamove-on" I smirked.

Bakit naman hindi ako mag-momove on? Marami pang ibang babae diyan! Hindi sa kanya umiikot ang mundo ko.

"Eh bakit ang bitter mo?" Sabat naman ni Moe.

"Anong bitter ka diyan! Sweet kaya ako! Gusto mo bigyan pa kita ng asukal?" Biro ko.

Aaminin ko, I'm not really totally moved on. Yung 2 years na pinagsamahan namin, mahirap burahin lahat yun. Pero kinakaya ko, kaya nga eto bumabalik na ako sa dati kong ugali at buhay. Different girls every night. Breezy!

"Okay break muna!" Sigaw ko sa team. Walangya kasi tong si Dave, pinapaalala pa eh. Sarap batukan! Hindi na tuloy ako makapag-concentrate.

"Hooo yes!" Sigaw nung dalawa. Walangya talaga!

#

The Heartless Bitch (COMPLETED)Where stories live. Discover now