Epilogue

2.7K 25 8
                                    

Last part! Once na matapos ko ang part na'to ay magsisimula na rin akong mag-edit every chapters.

Please vote, comment and share guys!

------

Zoona's POV

Every experience no matter what it is, good or bad, you'll learn from it. Right? Because that's just life. Learn to enjoy every minute of your life. Be happy now. Don't wait for something outside of yourself to make you happy in the future. Think how really precious is the time you have to spend, whether it's at work or with your family. Every minute should be enjoyed and savored.

Iyan ang kailanman hindi ko nagawa para kay Jelo. Hindi ko siya pinaglaban noon. I didn't even listen to his explanations. Sana kaya kong ibalik. Sana kaya kong humingi ng tawad sa kanya dahil nasaktan ko siya...

It's been a year when Jelo Alexander left us.

Masakit.

Masakit sobra.

Hanggang ngayon masakit pa rin na iniwan niya ako, iniwan niya kami. Hindi pa rin ako nakakamove on.

"Hi Jelo, kumusta ka na?" Malungkot kong sabi sa kanya.

Nandito ako sa sementeryo ngayon. Sa puntod niya. Araw araw ko siyang dinadalaw at kahit kailan hindi ako magsasawang dalawin siya.

"Alam mo ba si Chloe, ang ganda ganda niya! Kamukha mo siya" naiiyak na naman ako.

"Jelo, mahal na mahal pa rin kita" ganito lagi ang ginagawa ko tuwing dinadalaw ko siya.

Ang kausapin siya. Para akong isang bata na nagsusumbong sa kanya.

"Alam mo ba ang saya saya ni Hana kanina. Kasi sinamahan ko siyang nagpacheck-up. Healthy ang baby nila ni Dave. Malapit na siyang manganak."

Umiiyak na naman ako. Hindi ako napapagod na umiyak dahil si Jelo naman ang dahilan. Hindi ako mapapagod na mahalin siya.

"Paano kaya kung hindi mo ako iniwan? Siguro masaya tayo ngayon. Siguro magkakaanak na rin tayo no?"

Huminga ako ng malalim. Buti na lang at nandiyan si Chloe na iniwan ni Jelo sa akin.

Hindi ko man siya kadugo ay anak pa rin siya ng taong mahal ko. 6 months ago ay napagpasyahan kong ampunin si Chloe at tinuring siyang tunay na anak. Mahal na mahal ko na rin siya.

At nagpapasalamat ako dahil tinanggap niya ako bilang ina niya.

Habang lumilipas ang panahon, natututunan ko na ring patawarin si Papa. Masakit pa rin. Pero kailangan kong patawarin siya. Dahil kahit anong gawin ko ama ko pa rin siya. At wala ako dito sa mundo kung wala siya.

Binitawan ko na rin ang career ko sa showbiz. Maraming nadismaya lalo na si Mary at Tito Rude pero mas gusto ko ang tahimik na buhay sa ngayon.

"Alam mo ba Jelo, sa susunod na buwan na yung kasal nila Faye at Moe at flower girl si Chloe. Masaya ako para sa kanila"

The Heartless Bitch (COMPLETED)Where stories live. Discover now