THB: 37

1.3K 21 3
                                    

Jelo's POV

Destiny is not a matter of chance. It is a matter of choice. It is not a thing to be waited for. It is a thing to be achieved....

If Zoona and I are destined for each other, kami pa rin hanggang huli. Fck, I can't stop thinking about her!

Nandito kami ngayon sa sala at nanonood ng t.v kasama si Dave at Chloe. Sana naman ayos na yung dalawa sa labas.

Maya-maya ay pumasok silang dalawa. Magkaholding-hands. Yuhooo! Success ang plano ko!

"Finally pare!" Nakipag-apir pa si Dave kay Moe.

"Thanks Jelo" nakangiting sabi naman ni Faye sakin.

"Oy oy! Ba't si Jelo lang? Tumulong rin naman ako ahh" pagrereklamo ni Dave.

"Yey! Bati na sila!" Masayang ani ni Chloe

Nagtawanan kaming lahat. Mukhang naintindihan niya ang nangyari.. My baby girl is a big girl now..

"Baby, This is your Tita Faye, Daddy's friend. Be good to her, okay?" Ani ko

"Hi po Tita Faye! You're so pretty po"

Lumapit si Faye kay Chloe "Hi baby, you look like your Dad. Nice to meet you"

Nagyakapan sila at masayang masaya si Chloe. Ganyan siya pag nakakakilala ng ibang tao.

"Eh di thank you guys! By the way, saan si Hana?" Tanong naman ni Faye kay Dave

"Vacation. Namimiss ko na nga siya eh. I want to go with her"

2 days pa lang miss na miss na niya. Eh ako nga 5 years, paano naman ako?

Abala kaming nagmemeryenda sa harap ng t.v nang mapansin namin ang balita sa T.V Patrol. Chloe already went to her room to sleep with her yaya..

"Ang sikat na supermodel na si Zoona San Jose ay dumating na kaninang umaga dito sa ating bansa. Kasama niya ang kanyang talent manager na si Mary Sarosa. Grace Alba, nagpapatrol"

"Makikita natin sa video ang papalabas na si Zoona San Jose. Nagkakagulo ang kanyang mga fans ngayon. Nakikita niyo silang naghihiyawan" sabi naman ng reporter.

Naipakita naman si Zoona na naglalakad papalabas ng airport.

"Grabe! Ang hot niya!" sabi naman ni Dave.

Agaw eksena naman 'to! Sinamaan ko na lang siya ng tingin. She's mine! Napapeace sign na lang siya.

"People changed. She's different now" nakasimangot namang sabi ni Faye.

Nagtatampo talaga ito. Well, I can't blame her. Talaga namang nagbago na siya. I hope she's happy now......

Inakbayan naman siya ni Dave. Habang ako nakatitig lang kay Zoona. Ang ganda niya! Mas lalo siyang gumanda. Nararamdaman ko na naman ang guilt.

How come I ended up hurting this kind of woman? She doesn't deserve to be lonely and hurt.. I was so stupid!

"Sinubakan naming kausapin siya pero tumanggi ito. Kaya eto lang muna ang update ng Filipina Super-model"

Pinatay ko ang t.v, hindi ko kaya. Hindi ko kayang makita si Zoona na nakamoved-on na siya.

"What's wrong?" Reklamo naman ni Moe.

"Hayaan mo na siya" sabi naman ni Faye.

Tumingin ako sa taas, naiiyak na ako. Ayokong makita nila akong umiiyak, ang bakla lang kasi! Namimiss ko na siya.

Mukhang nakahalata naman si Moe for what I feel right now at nagpaalam na sila para umuwi. Tumango na lang ako at umakyat sa kwarto para tignan si baby Chloe na natutulog...

The Heartless Bitch (COMPLETED)Where stories live. Discover now