THB: 20

1.6K 29 0
                                    

Hi guys, please pakishare naman po ang story na 'to, kung gusto niyo! Yayayay! Salamat :)

-------

Ang bilis ng mga araw at 4th grading period na namin ngayon. Parang kailan lang noong first day of school, parang kailan lang noong dumating ako dito sa Pilipinas.

Weekend ngayon and I'm so exhausted dahil sa mga nagdaang requirements ng 3rd grading. Isama mo pa yung mga exams na hindi naman lahat nadiscuss. My gosh!

Ilang araw na rin ang nakalipas nang mangyari ang photoshoot na kasama ko si Jelo. Nagpo-photoshoot ako every weekend pero hindi na pumunta ulit si Jelo. Ngayon lang na wala kasi sinabi ko kay Tito Rude na magpapahinga ako

Was he disappointed?

Confirmed! Iniiwasan niya nga ako. Pero bakit? Hanggang ngayon diko pa rin maiwasan ang magtanong.

Tama nga sila, pare-pareho lang ang mga lalaki. Basta basta na lang mang-iiwan sa ere.

Agad akong bumangon nang marinig kong may kumatok at binuksan ang pinto.

"Bakit manang?" Tanong ko sa isang katulong

"Ah ma'am, nandiyan po si Ma'am Faye sa baba" nahihiya niyang sagot.

I looked at my wall clock. It's already 7:13. Ang aga naman niya!

"Ah sige sabihin mo manang magbibihis lang ako" Sagot ko

"Sige ma'am" aniya at sinara ang pinto

Naligo na ako at ginawa ang mornibg routine ko. Nagbihis lang ako ng pambahay. Umuwi kaya si Mommy kagabi?

"So why are you here?" Sabi ko kay Faye habang bumababa sa hagdan.

"Wow sis! Good morning, ah!" sarkastikong sagot niya. "Uhmmmm may pupuntahan tayo sis"

Lumapit ako sa kanya tumabi sa sofa. Nakita kong nagbabasa siya ng Preview magazine na si Julie Anne San Jose ang cover

"Saan? Hey faye, don't you see? I'm physically, emotionally and mentally exhausted dahil sa 3rd grading, magrest ka naman!" Irita kong sagot sa kanya.

"Ang arte mo talaga sis! Saglit lang naman tayo! Ang oa nito!" nakasimangot niyang sabi

"Saan nga, diba?" Tanong ko

"Basta surprise! Sige na" Excited niyang sagot habang niyuyugyog ang balikat ko.

I rolled my eyes

I hate surprises. Sige na nga pagbigyan na natin ang batang naka-pouty lips dito.

"Wait magbibihis lang ako" sabi ko at dali-daling umakyat sa kwarto.

"Yey! Sige sis. I'll wait for you. Anyway, pwedeng sakin na 'tong magazine? Please?" Ani niya at tinaas yung preview magazine

Julie Anne San Jose kasi! Well, bahala siya

"Okay. Kunin mo kung gusto mo" sagot ko at umakyat na

Nagbihis lang ako ng maong shorts at color white na sleeveless. Ang init kasi!

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko kay Faye

Kanina pa siya nagda-drive, naliligaw ba kami?

"Wait up sis. Oh ayan, makinig ka muna ng music" sagot niya at iplinay niya ang music player ng kanyang sasakyan

Kung Maibabalik Ko Lang by Julie Anne San Jose 🎶🎶🎶

Nice song! Napapakanta pa talaga si Faye. Sorry but I don't know the lyrics. Siguro isesearch ko mamaya. It's a good song! I like it...

Tumigil kami sa isang house. Malaking bahay na pamilyar sa akin. Wait? Bahay nila Jelo? Bakit kami nandito?

"This is Jelo's house. Bakit tayo nandito?" Tanong ko kay Faye habang nagpapark ng sasakyan

Minsan kasi dumalaw na kami ni Mommy dito, nung mga araw na iniiwasan ako ni Jelo. Pero wala lang akong napala dahil wala daw si Jelo may praktis daw ng basketball.

"Basta. Tignan mo nga may party, maraming foods" ani niya

Foods na naman! Ang baboy talaga nito..

"Oo nga. Pero di naman ako invited diyan" irita kong sabi at tumingin sa labas

Nakabukas ang gate at maraming sasakyan sa labas. May party nga talaga.

"Pakipot ka pa! Tara na nga!" Sabi niya at lumabas na siya ng sasakyan kaya lumabas na rin ako.

Pumasok kami sa loob. Wow ang bongga ng party! Ang daming tao at foods. Sino kayang may birthday? Birthday ba ni Jelo? Hindi naman yata. Hindi ko naman kasi tinanong kung kailan ang birthday niya.

Nalungkot ako. Hindi nga pala kami ganun kaclose para malaman ko yung birtday niya..

"Sis! Pasok na tayo sa loob!" Ani Faye at hinila na niya ako papasok sa loob ng bahay

Wait, is she even invited? Kasi ako hindi talaga. Nakakahiya!

"Manang kayo na po bahala sa kanya" sabi ni Faye sa mga katulong na nadatnan namin sa sala..

"Wait. Anong bahala? Iiwan mo ako?" Tanong ko

"Relax sis" sabi ni Faye at umalis na siya.

Ano bang trip niya ah? Basta na lang nang-iiwan sa ere. Hinanap ko si Jelo sa paligip pero wala naman siya. Puro mayayamang tao lang ang mga nakikita ko..

"Ma'am this way po" sabi ng isang katulong

Sumunod na lang ako. Kanina pa ako nagtatanong eh, nakakapagod.

Pumasok kami sa isang room. Closet yata na parang beauty salon. Ang bongga! Mas bongga pa ito kaysa sa room ko.

"Uhm, wait manang ba't nandito ako?" Tanong ko

"Magbibihis po kayo at aayusan" nakayuko niyang sabi

Ha? Hindi ba maganda ang damit ko? Pangit ba ako? Shet, oo nga! Nakashorts lang ako. But I'm not invited!

"Pero why naman po? Seryoso?" Kunot noo kong tanong

Hindi na sila sumagot at iniwan na ako. Lagi na lang silang nang-iiwan!

Maya maya ay may sumulpot na dalawang bakla naka-uniform ng red-tshirt na may tatak na "Rodrigo's Salon" sa gilid.

"Ma'am aayusan na po namin kayo" ani ng isang bakla

Okay! Okay! Si Jelo ba ang may pakana ng lahat ng ito?

Inayusan na nila ako at sinuotan ng bonggang gown. Ang fabulous naman ng gown na ito! I super like it!

Sinuot nila sakin ang violet na tube gown na lace ang tela. Tapos hindi ko alam kung ilang peticoat ang ginamit ko. Parang magde-debut ako!

At ang 5 inches na heels, color silver. Saan ba ako pupunta at parang ako ang may party.  Curse that person na may pakana nito! Hindi man lang ako ininform!

"Wow! You look so perfect ma'am" sabi ng isa namang bakla

"Uhhh thanks" nakangiti kong sabi

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Ako ba talaga ito? Woa! Nakakagulat at nakakaproud. Ang ganda ko talaga! Maganda talaga ang lahi nila Mommy!

Napalingo ako nang bumukas ang pinto at niluwal nito si Faye

"Nasaan na yung besfriend--- omg Zoona! You look so pretty" sabay yakap ni Faye sakin

"Alam ko na yan! Ano bang nangyayari? Ba't ako nandito? Naiirita na ako Faye!" Iritado kong tanong

"Relax sis! Basta diyan ka lang muna, ah? Bye!" sagot ni Faye

"Let's go na!" Ani niya sa dalawang bakla at lumabas sila

So iniwan na naman nila ako? Sige! Sanay na naman ako.

"Nakakainis!" Bulong ko at umupo sa sofa. Tinignan ko ang kabuuan ng room. Ang ganda talaga! Kanino kaya 'to? Siguro sa Mama ni Jelo? Kasi wala naman yata siyang kapatid.

I sighed. I'm really clueless

#

The Heartless Bitch (COMPLETED)Where stories live. Discover now