THB: 14

1.9K 33 0
                                    

Zoona's POV

Another morning.
Another day.

Nandito kami ngayon ni Alex sa Canteen. Diko alam kung nasaan si Faye! Kanina ko pa siya hinahanap. Saan na naman nagsususuot yun? Laging MIA!

"Alexa" tawag niya sa akin.

Nakakairita, pero masasanay rin naman siguro ako na tawagin niya akong ganun. We're here para magreview sa quiz namin sa Chemistry

Umangat ang tingin ko sa kanya. "What?"

"Iniimbitahan ka nila Mama tonight. Dinner daw. Are you free?" Tanong niya

Wala namang assignment. Wala ring quiz bukas. Ngayon araw lang talaga ang marami dahip malapit na ang 2nd grading exams!

"Sige. I'll be there" sagot ko

"Okay. Susunduin kita mamayang 7pm. I'll text you"

"Yes. Wait nakita mo ba si Faye? She's missing again" iritado kong sabi

"Hindi. Nasaan na naman yang bestfriend mo?" Balik niya sa tanong ko

Nagtatanong nga diba? I rolled my eyes

"I don't fucking know. Wala kayong praktis ng basketball?"

"Later 3pm" ani niya at binalik ang tingin sa nirereview niya

Miracle right?

Walang bangayan, sigawan at away. Okay na rin ito kaysa sa mahighblood ako araw-araw. Knowing that my boyfriend is a heartrob in Hillton. Saan ka pa? Well, maraming naiingit for sure!

Fake boyfriend Zoona...

"Sis!" Napalingon kami ni Jelo sa likod

Speaking of the witch. Eto na siya. San ba nanggaling 'to at parang pagod na pagod?

"Where have you been? Kanina pa kita hinahanap" ani ko

"Wait lang pwede bang painumin mo muna ako sis? I'm so tired" hinihingal niyang sabi

"Fine, here" inabot ko sa kanya yung isang bote ng tubig.

Inabot niya iyon at tumabi sa akin

"Hays, salamat naman" sabi niya pagkatapos niyang uminom. Ilang taon bang hindi uminom 'to?

"So saan ka nga galing?" Tanong ni Alex, pati siya curious na din.

"Galing ako sa library at nandoon yung mga die-hard fans mo Jelo" sagot niya

Ano naman kayang ginawa niya sa library? Knowing Faye, she's not reading kaya!

"And so?" Sagot ni Alex

"Buti na lang nandoon ako at narinig ko ang pinag-uusapan nila. May balak silang masama sayo Zoona! Mapapahamak ka" alala niyang sabi

"Ano? Anong gagawin nila sakin?" Kunot-noo kong tanong

"Humanda yang San Jose'ng yan! Mapapatay ko siya" Girl 1

"Alla sis. Wag masyadong oa" Girl 2

"Ang feelingera kasi! Magmula nang dumating yang babaeng yan sa buhay ni Jelo hindi na tayo pinapansin" Girl 3

"Basta yung plano natin girls. Mamayang uwian sa main gate ng Hillton" Girl 1

"Oo. Dapat magawa natin ito. ayaw kong mapagalitan kay Stacey noh" Girl 2

"Si Stacey? Ba't siya nasali dito?" Gulat na tanong ni Alex

Nawala na tuloy yung review session namin. Bwisit!

"Hindi ko nga rin alam. Basta ang alam ko siya ang mastermind. Hindi siya titigil hanggang hindi kayo napaghihiwalay"

The Heartless Bitch (COMPLETED)Where stories live. Discover now