THB: 45

1.5K 17 3
                                    

Weeks had passed. Ganun pa rin si Jelo sakin. Mabait, gentleman at understanding. Tulad nung nanliligaw pa siya sakin.

Pero wala talaga akong maramdaman eh! Hindi ko alam! Everyday pumupunta sa bahay si Jelo nagbibigay ng kung anu-ano. Flowers, chocolates etc. hindi ba siya nagsasawa?

"Zoona" tawag sakin ng isang lalaking kapapasok lang ng studio. Zander?

"Zander? Hey!" Nakangiti kong sabi sa kanya.

"Kumusta ka na? Saan ka naman pumunta?" Niyakap ko siya. Namiss ko ang kaibigan ko!

"I'm fine. Ikaw kamusta na?"

"Okay lang naman. Saan ka ba pumunta?"

"Basta. Okay na tayo ha? Miss na kasi kita eh" ngumiti ako. Zander is back! Siguro kinailangan niya ng space sa outerspace. Hahaha

"I miss you too!" Sabi ko. Namimiss ko na talaga siya.

"Zoona" biglang nagsalita si Jelo. Nandiyan pala siya?

"Oh hi Jelo" bati ko sa kanya.

"Anong ginagawa niya dito?" Pagtutukoy niya kay Zander.

"Binibisita niya lang ako"

"Binibisita o linalandi?"

---------
-------

Jelo's POV

Hindi ko alam kung bakit natanong ko kay Zoona yun. Nabwibwisit kasi ako sa Zander na'to! Karibal eh.

Kanina pa ako nakasilip dito sa studio. Punyemas! Ang sweet nila. Nagseselos ako!

"Oops dude! Chill lang" sabi naman ni Zander. Magsasalita pa eh.

"Ba't ka pa bumalik?" Tanong ko sa kanya. Wala eh! Nagseselos talaga ako sa kanya.

"Jelo! Nandito lang naman siya para bisitahin ako. Anong mali dun?"

"Sana kasi wag na siyang umeeksena dito" naiinis na ako.

"Anong karapatan mong sabihin yan ha?" Galit na si Zoona. Well!

"Siya ba ang dahilan kung bakit hindi mo na ako kayang mahalin ha?" Tinuro ko si Zander.

"Uy dude! Wala namang ganyan" lumapit siya sa akin pero sinuntok ko siya. Kaya napahiga siya sa sahig. Alam ko na eh, mahal na mahal niya anh babaeng mahal ko.

"Ano ba jelo! Zander!" Linapitan niya si Zander at itinayo. "Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?!"

"Siya nga ang dahilan diba?! Diba kaibigan lang ang tingin mo sa kanya?"

"Ano bang problema mo Jelo?!!!! Ba't ba ang init ng ulo mo?" Inakbayan siya ni Zander. Tsk! Gusto pa niya eh.

"Ikaw Zoona! Ikaw ang problema ko. Sabihin mong mahal mo ako. Na mahal mo ako ulit!" Galit na sabi ko sa kanya.

"Hindi ko kaya Jelo"

"Zoona naman eh! Bakit hindi? Mahal mo na ba siya?!!!"

"Oo! Mas gugustuhin ko pang siya na lang! Hindi siya mahirap mahalin Jelo!" Napatigil ako sa sinabi niya. Ang pagtulo ng mga luha ko ay kasabay ng pagwasak ng puso ko. So, siya pala?

"Alam mo Zoona--" humina na ang boses ko. Nasasaktan ako.

"Sana sinabi mo na lang noon. Kasi mahirap umasa eh. Mahirap umasang darating din ang araw na magiging tayo ulit. Na tayo na lang ulit. Pero wala eh. Ang sakit sakit!" Ba't ba ako umiiyak?

Lumabas na ako ng studio at dumeretso sa parking lot. Hindi ko kaya! Hindi ko kayang mawala si Zoona sakin pero sa tingin ko siya na ang sumuko sa amin.

The Heartless Bitch (COMPLETED)Where stories live. Discover now