THB: 34

1.3K 14 8
                                    

Namiss niyo ba si Jelo? Well, ako din!

----
----

Jelo's POV

Hi, did you miss me? Well, I miss you too!

"Pare! Ang ganda na talaga ni Zoona oh! Mas lalo siyang gumanda I mean" ani Moe

Kanina pa ako inaasar ng dalawang kaibigan ko. Nandito kami ngayon sa bahay. Kapapanood lang namin yung Chimiz Talk Show, replay sa youtube nandun si Zoona.

It's been 5 years nang umalis siya dito, nung iniwan niya ako. Paulit ulit kong pinapanood ang mga videos niya, buti na lang at pinauso ang youtube.

Naging miserable ang buhay ko. Pinilit ko siyang kalimutan pero wala eh.

MAHAL NA MAHAL KO SIYA!

Pinuntahan ko siya sa Hawaii, pero parang nakamove-on na siya. Hindi na niya ako mahal. Hindi na niya ako kailangan.

What do I expect right? I've hurt her. Nasaktan siya ng todo. Kasalanan ko ang lahat kung bakit niya ako iniwan. Kaya it's okay na nagdudusa ako ngayon. I deserve this...

"Ulol! Tigilan niyo nga ako" sigaw ko sa kanila

"Mahal niya pa eh"

"Eh si Faye? Iniwan ka din gago!" Pang-aasar ko rin sa kay Moe.

Natigilan siya. Hahaha

"Shut-up!" Depensa niya.

Si Dave at Hanadi? Ayun getting stronger. Buti pa sila may forever! Pero wala talagang forever.

"Daddy!" Napatingin kami sa gawi ng pinto nang tawagin ako ng anak ko, si Chloe. She's 4 years old now, and I really love her. I love my princess.

"My princess!" Binuhat ko siya at kiniss sa cheeks.

"Hi Baby Chloe! Ang kyut mo talaga" bati namin ni Dave at Moe.

"Daddy, yaya is so funny kanina. She's singing and it's so baduy" tatawa tawang sabi niya sakin. Ang kyut ng anak ko!

Tumingin ako sa yaya niya.

"Singer po kasi ako sir" sabi naman ni yaya Heri.

"Yaya Heri, you sing na kasi ah"

"Naku baby! Wag na nakakahiya dito" sabi naman ng yaya.

"Kamukhang kamukha mo pare! Taray! Ang loyal ng genes mo" asar ulit ni Moe sakin.

Suntukin ko kaya 'to?

"Ulol! Syempre anak ko!"

"Sayang lang wala na siyang Mommy" tinignan ko siya ng masama.

Hindi ko pa kasi nakwento sa anak ko ang nangyari sa kanyang ina. Maybe one day I'll explain to her what happened years ago.. It was sad..

"Jelo! Manganganak na ako! Ang sakit ng tiyan ko!" Sigaw ni Stacey sa taas.

Nandito ako ngayon sa baba nagtitimpla ng gatas para sa kanya.

Dali-dali akong umakyat.

"Halika na, pupunta na tayo sa ospital" binuhat ko siya.

Pero hindi pa niya buwan ah? 7 months pa lang ang dinadala niya.

Nakarating kami ng ospital agad agad. Eh ninenerbyos ako eh. Tinawagan ko sila mommy at parents ni Stacey na nandito kami ngayon sa ospital.

"Diyan lang po kayo or papasok po kayo sa loob sir?" Tanong ng nurse sakin.

Papasok ba ako? Pero ayoko baka mas lalo lang akong kabahan.

"Wag na. Baka hindi matuloy ang panganganak niya"

Hindi alam ng nurse kung nagjojoke ba ako o hindi. Kita kong gusto niyang tumawa pero seryoso ako... Shit!

Tumango naman siya kaagad at pumasok na sa ER. Dumating sina Mommy at parents ni Stacey.

"What happened?" Tanong ni Mommy

"Bigla pong sumakit yung tiyan niya. Manganganak na daw"

"Pero 7 months palang ang tiyan niya" sagot naman ng papa ni Stacey.

Umiling na lang ako at umupo. Jusko! Iligtas mo po ang mag-ina ko. Sana maging maayos sila. I heard a lot of cases about 7 months delivery... Everything will be okay, right?

Ilang oras ang lumipas at lumabas na ang doktor. Umuwi muna sila Mommy para kumuha ng gamit at pagkain..

"Doc, musta ang mag-ina ko?" Agad kong tanong. Lahat kami ay nakaatensyon sa doktor na ito.

"Congrats, baby girl ang anak niyo. Pero kailangan siyang ipunta sa incubator , dahil 7 months palang siya" napangiti ako. Salamat po at buhay ang anak ko.

Lumungkot yung mukha ng doktor.

"But sad to say, hindi kinaya ng asawa mo ang panganganak niya. I'n very sorry"

Para akong nabagsakan ng mabigat na bagay sa sinabi niya.. ano bang sinasabi niya?!

"What do you mean doc?" Tanong ng Mama ni Stacey. Umiiyak na silang lahat.

"Your daughter is gone, Mrs. I'm really sorry. I did my best but she didn't respond at all"

Nagsimula nang umiyak sina Tita.. This can't be.. Okay pa naman si Stacey kanina before akong bumaba para magtimpla ng gatad niya. What happened?

Tumulo yung luha ko. Hindi maaari ito. Hindi ako naniniwala. Pumasok ako sa ER para tignan si Stacey.

Nakita kong nakahiga siya sa kama at nakatakip ng berdeng kumot. Sumunod rin sila mommy na kararating lang at sila tito.

"Stacey! Wake up! Nandito na ang anak natin" sigaw ko sa kanya.

Stacey please. Don't leave me. I may not give you the love that you want but I promise to be a good father and husband.

"Stacey! Please wake up. Our baby girl needs you" bulong ko habang umiiyak...

Nagkagulo ang mga nurse nang mahimatay si Tita..

"I'm sorry Mr. Smith but she's now gone" ani ng nurse

"Baby, maglaro muna kayo ni yaya sa garden okay?" Ani ko kay Chloe

Tumango naman siya at lumabas.

"Sa tamang panahon. Hindi niya pa maiintindihan ngayon" sagot ko kay Moe

"So anong plano mo kay Zoona?" Tanong ni Dave 

Mahal ko pa rin si Zoona. Aaminin ko, hindi yun nawala. Siya lang ang minahal ko ng ganito.

"I don't know" uminom ako ng beer.

Miss na miss ko na siya. I miss her so much!

"You still love her, huh?" Napatingin ako sa kanilang dalawa.

"So much"

Yun ang totoo. Magsinungaling man ako, kilala ako ng mga kaibigan ko.

"Eh di balikan mo pare. Hindi pa naman huli ang lahat. It's been 5 years. You need to be happy again" 

"Ako na nga iniwan, ako pa ang babalik? Ano naman yun? I'm happy with Chloe. She's my world now" Iritang sagot ko sa kanila.

"Sabagay. Hayaan mo na siya pre! Baka may boyfriend na yun! Mas gwapo sayo"

Ang engot talaga ng mga 'to! Very supportive friends...

"Ulol!" Ininom ko na lahat ng beer ko at tumayo.

"Alis na ako! Bye"

"Saan ka pupunta?" Tanong nila

"Basta. Umalis na rin kayo! Nagkakalat lang kayo sa bahay ko eh" pang-aasar ko sa kanila at umalis na.

Kailangan kong mapag-isa. Naalala ko na naman siya. Pero kahit kailan hindi ko naman siya kinalimutan...

#

The Heartless Bitch (COMPLETED)Where stories live. Discover now