THB: 47

1.3K 22 0
                                    

Hey hey hey! It's been a long time! Namiss niyo ba si Zoona at Jelo? Sorry kung ngayon ko lang itutuloy ang story na'to. Wala lang naalala ko lang kasi 'tong TBH at naisipang mag UD. Sembreak kasi namin kaya eto todo sulit ang bakasyon!

Please vote, comment and share guys!

--------

Zoona's POV

"Baby, pustiso ka ba?" sabi ni Jelo. Ano ba 'to? Parang biglaan yatang bumabanat.

"Siguraduhin mo lang na makikilig ako diyan. Bakit?" Natatawa kong sabi sa kanya.

"Kasi I can't smile without you" nakangiti niyang sabi, sabay smirk pa. Nakakalaglag panty, Jusko!

"Hahaha. Ang corney, sht!" Natatawa kong sabi sa kanya.

"I love you forever and ever baby. Hinding hindi ako magsasawang mahalin ka. Tandaan mo yan" pangako ni Jelo sa akin.

"Talaga? Promise?"

"Promise!" Nakataas pa yung right hand niya.

"I love you so much baby!" Sagot ko sa kanya at hinalikan ko siya.

Ba't ang bait sakin ni Lord? Wala na talaga akong mahihingi pa Ang saya saya ko at ramdam ko kumpleto na ang buhay ko.

Napaupo ako sa sahig habang nahilamos ko ang aking mga kamay sa mukha ko. Ang sakit. Ang sakit sakit na ngayon ko lang narealized na mahal ko pa pala si Jelo.

I remember all our happy moments. Kung paano niya nabago ang buong pagkatao at buhay ko. He was always pulling me up. We were always happy even though problems were trying to invade us.

Hindi ko lang talaga kinaya nang nabuntis si Stacey. Was that a bad decision? That time, gulong-gulo talaga ang utak ko. How can I fight for Jelo if someone needs him the way I do?

Nabulag ako noon sa galit na naramdaman ko sa kanya. Sa mga pangako niyang binitawan niya noon na kahit kailan ay naniwala ako na habang buhay niyang pananagutan ang mga 'yon. Mahal ko pa rin siya. Diyos ko!

I'm crying out loud for the hell's sake. Ayoko na. Gusto ko na lang makawala sa mga pasakit na ito. I wish this all a bad dream that there would be a time I'd wake up.

Habang nakaupo ako sa sahig at nagluluksa ay naaalala ko lahat ng pinagsamahan namin ni Jelo. Starting from the part na hindi kami nagkasundo at galit na galit sa isa.

Hanggang sa napunta sa pagmamahalan.

Hanggang sa nabago ako at binigay ko lahat lahat sa kanya. Even my Mom loves him so much. Kaya bakit napunta lahat sa ganito?

Hanggang sa may pinanghawakan akong mga pangako niya.

Hanggang sa nadurog ang mga puso namin.

Hanggang ngayon, mahal na mahal ko pa rin si Jelo.

Ngayon pa ba ako susuko? Ngayon ko pa ba siya pakakawalan? Mahal ko pa siya. At alam kong mahal niya pa rin ako at pagod na siya. He's already tired following me.

Hindi! Hindi maaari na hindi magiging happy ang ending namin.

Tumayo ako at agad kong kinuha ang phone ko na nasa sofa at agad tinawagan si Faye.

*riiiingggggg*

Please Faye! Sagutin mo pls. I need your help right now. Please forgive me..

"Hello" mahina niyang sagot. Ramdam ko pa rin yung hinanakita niya sa akin.

"Faye, anong oras yung flight nila Jelo?"

"Why?"

"Pls nagmamakaawa ako sayo Faye. Mahal ko pa rin siya, kailangan ko siyang ipaglaban" umiiyak kong sagot sa kanya. Ramdam ko nanghihina na yung mga tuhod ko.

Narinig kong bumuntong siya ng hinga. "3pm, papunta na sila sa airport" sagot niya.

"Thank yo Faye! We'll talk after this. Sorry!" I ended up the call.

Nagsuot ako ng jacket at shades para hindi makilala ng mga tao. Mahirap na baka pagkaguluhan lang ako.

Agad akong lumabas ng bahay at nagmadaling pumunta sa kotse ko.

Pupuntahan ko siya sa airport. Kailangan ko siyang maabutan.

Jelo! Hintayin mo'ko pls

Mabilis kong pinaandar ang sasakyan at kung minamalas nga naman oh! Traffic pa at ayaw umusad ng sasakyan sa harap ko. Bumusina ako ng pagkalakas-lakas. Pero sumabay rin sila nang pagbusina.

Oh noooo! Paano na ang love story namin ni Jelo? Kailangan ko siyang makausap at ipaglaban!

Lumabas ako at tinignan ang traffic. Putcha naman oh! Wala na akong time.

Hindi na ako nagdalawang isip at pinabayaan ko na ang sasakyan ko sa gitna ng traffic.

Medyo malayo pa ito sa airport pero okay lang basta para kay Jelo. Para sa amin. Tatakbuhin ko na lang!

Tumakbo ako hanggang sa airport at tumagal ang pagtatakbo ko ng mga 15 minutes. Lord, pagod na'ko.

Hingal na hingal akong pumasok sa airport at yumuko pa ako at hinawakan ang mga tuhod. Hays! This is so tiring! Mamamatay na yata ako.

Habang humihinga ng malalim ay may nakita akong itim na pusa na hinahabol ng mga guards. Seryoso, may nakapasok talaga na pusa dito sa airport? Perstym 'to ah!

Pero itim yung pusa. Naalala ko yung mga sabi-sabi nila. Omg. Isa na ba 'tong sign na mamalasin ako at hindi ko mapipigilan si Jelo?

Maya maya ay may napansin akong nag-aaway na sa tingin ko ay mag-syota.

"Ano ba Alexa! Hindi mo ba kasi naiintindihan? Pagod na ako!" At kapangalan ko pa talaga si ate.

"Mahal kita" umiiyak na sabi ng babae.

"Sorry pero hindi na kita mahal" sagot ng lalaki at iniwan na lang yung girl.

Woaw, wow lang ha. At sa airport pa talaga nila naisipang mag-away? Wow naman! Pero nasaktan ako sa nakita ko.

Lord, isa na naman bang sign yon? Na pagod na si Jelo? Sumuko na ba siya? Wala ba talagang forever?

Pwes. Aalamin ko! Hindi ako papayag na basta susuko na lang ako. Dahil wala na talaga, atleast I tried my best.

Linibot ko ang buong airport at tinignan isa-isa ang mga tao. Pero wala si Jelo.

Baka nalate lang sila dahil sa traffic. Ay oo tama! Nalate lang sila.

Pumunta ako sa labas at doon na lang nag-abang.

*riiiiinnnnnngggggg*

Nagring ang phone ko at agad ko namang sinagot yun. Si Faye.

"Hello? Faye! Saan na ba sila Jelo? On the way na sila kanina pa diba?"

"Zoona" malungkot at mahinang sabi niya

"Faye, nandito ako ngayon sa airport. Mamaya na lang tayong mag-usap. Kailangan ko pang makita si Jelo"

"Zoona" umiiyak na siya.

"Faye, bakit? Bakit ka umiiyak?"

"Zoona si Jelo..."

"Oo si Jelo, I need to talk to him. I want to tell him that I still love him, very much"

"Zoona si Jelo naaksidente siya. Nasa ospital siya ngayon..."
#

The Heartless Bitch (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon