THB: 29

1.4K 25 0
                                    

After 11 months.....

"You know what Zoona, I'm getting mad na hindi mo ako pinapansin eh" kanina pa kulit ni Zander sakin.

Muli akong nag-isip nang pwedeng ideya sa magiginh project ko sa Calculus. Nakakainis hindi naman 'to related sa course ko!

"Wait lang kasi. I'm busy here! Hindi ko alam kung anong gagawin ko" nakasimangot kong sagot kay Zander

Yes, nandito si Zander sa Hawaii. Diko nga alam kung bakit siya nandito eh basta nagpakita na lang siya then he said na mag-aaral na siya dito, kasama pa niya si Faye! Diba ang saya lang?

Oo si Faye. Before pasukan sa college bigla na lang silang nagpakita ni Zander sa akin. Sabi nila dito na sila titira. How did that happen? I don't really know. Maybe nag-usap sila or nagkasundo ganern...

"Kanina ka pa busy diyan sa project niyo eh! Mag-break ka naman. Hindi masama ang kumain, okay?"

Tignan mo 'to ang kulit talaga! Kanina niya pa kasi ako niyayayang kumain sa labas gutom na raw siya, nandito kasi kami sa gym ng school. Lunch break. We enrolled at University of Hawaii at Manoa..

The time had passed.
Ang bilis ng mga araw noh? First year college na ako! I'm taking up BS Accountancy. Si Zander, MedTech at si Faye naman BS Pyschology. Siguro nga new life para sa amin 'to, yung kaming tatlong magkakaibigan lang. Though namimiss ko na din sila Hana..

Hindi na rin ako ginulo pa ni Gerald dahil kinausap siya ni Mommy. Thank God at linubahan na niya ako. Aba dapat lang! He's so annoying!!

"Nasaan ba si Faye? Siya na lang yayain mo, I need to finish this" pagtatanggi ko sa kanya. Meron pa kasi akong kailangang ihabol na ibang subjects..

"Bawal daw silang mag-break eh, may activity sila sa P.E. Magrereview na nga lang ako sa Chemistry" simangot niyang sabi, kita mo 'to, nagtatampo pa ang peg niya.

"Fine! Tara na" linigpit ko ang mga gamit ko. Ngumiti siya.

Kakaloka naman ng lalaking 'to! Mamayang gabi ko na nga lang gawin. Hayaan mo na! Nakakastress!

"I knew it, hindi mo talaga ako matiis" pagmamayabang niya. Zander will always be Zander.

He's a really good friend. He's always at my side. Kailanman hindi nika ako pinanabayaan ni Faye.. I'm so lucky to have them in my life.. Naalala ko na naman nung una kaming magkita ni Zander, I was so rude! Nakakahiya at nakakakonsensya!

Naglunch lang kami sa malapit na resto. Everybody has moved on! Well in fact, nakamove-on na rin ang puso ko. Siguro hindi lang talaga kami para sa isa't isa. How is he na kaya? Are they doing fine with their child? How's Stacey?

Nagulat ako nang hinalikan ako ni Zander sa cheek. Wtf? I automatically throw the tissue to him. Kumakain na pala siya at ako kung anu-ano pa ang iniisip...

"Hey! What is wrong with you?" Pagsasaway ko sa kanya.

"Nakatulala ka kasi eh. Uy, may iniisip siya. Hulaan ko, ako ba?" At nag-wink pa talaga siya. Nababaliw na'to, well ganyan naman talaga siya..

"Kahit na! You don't need to do that. Zander, sinabi----"

"Zoona" bigla siyang sumeryoso "hindi ka naman manhid diba?" Tanong niya sakin.

I know.
Alam ko namang may gusto si Zander sakin. Diba mafi-feel mo naman? Lalo na't siya palagi ang kasama ko. Hindi ako sumagot.

"I can wait Zoona. Kaya kong maghintay, wag lang forever. Malay mo lang diba? I will take risks"

The Heartless Bitch (COMPLETED)Where stories live. Discover now