THB: 39

1.3K 19 3
                                    

Zoona's POV

"So hindi alam ni Jelo na ikaw ang naghatid sa kanya sa condo niya kagabi?" Tanong ni Mary sakin.

Nandito ako ngayon sa Shutay Company. In 30 mins ay magsisimula na ang shooting. Pero wala pa si Jelo.

"Yup. Hindi na niya kailangang malaman. What for? Tsaka naawa lang naman ako sa kanya kagabi"

"Paano mo nalaman ang condo niya?"

"Tinawagan ko sila Dave, buti na lang at kinausap nila ako"

Alam ni Mary ang kwento ng buhay ko. Kailangan ko kasi ng makakausap ngayong wala si Faye.

I guess your life is not complete kung walang taong nandiyan  para makinig sa'yo. I'm very thankful because whenever someone leaves you there is also someone who will come..

"Mahal mo pa ba?" Tanong ni Mary.

Hindi ako sumagot tinignan na lang ang twitter ko na almost 4M na ang followers..

"Okay fine. Tawagan mo nga si Jelo, magi-start na yung photoshoot" utos naman niya sakin.

"Bakit ako? Ayoko! Baka may hangover pa yun. Lasing na lasing kagabi. Aish! Kainis! Inom kasi nang inom" iritado kong sambit

"Sino ba kasing nagsabi na ihatid mo siya? Pwede namang kumuha ka lang ng taxi tas sinakay mo siya. Tapos! diba? " nakangising ani ni Mary 

"Stop it, okay? Hindi ko alam. Wag na nating pag-usapan"

Pumasok naman ang isang staff sa company named Rocky. Isa siya sa mga nag-aayos ng newspaper at magazine.

"Miss Zoona, headline po kayo sa balita" inabot naman niya ang isang newspaper at tinignan ito.

Sht! Pati si Mary nagulat. Larawan ito ng hinalikan ako ni Jelo sa parking lot. Mga reporter talaga oh.

Zoona Kissing With a Stranger Guy. Who's this guy?

Yan lang naman ang nakasulat sa newspaper.

"Ohh no. What the hell is this?" gulat kong sabi.

Bwisit!

"Kailan nangyari 'to?" Tanong naman ni Mary. "Sige, Rocky makakaalis ka na"

"Sige po" ani Rocky at lumabas na

"The other day. Hinabol niya kasi ako nung pauwi na ako"

Hinilot ko ang noo ko. Nakakastress! Ang galing lang talaga nang kumuha ng picture, ah?

"Mag-ingat ka next time Zoona, baka makaapekto yan sa career mo. Besides, ipapakilala rin na naman si Jelo na new model ng Shutay"

"Bwisit talaga! Mamatay na sana yung nagpakalat nito"

"Ay, beastmode much? Meron ka ba ngayon?"

"Mary! Stop!"

Tumawa lang siya at nagpeace sign. Mukhang normal na lang sa kanya ang ganitong issue. I wonder kung ilan na ang nahandle niyang artista before me..

"Sorry I'm late. Good morning guys" bati naman ni Jelo pagkapasok niya ng make-up room.

Napatingin kami kay Jelo na kapapasok lang ng room.. Napatitig ako sa kanya.

He's fucking handsome! Why is that? Ughhh!

"You're late Mr. Smith" taas kilay na sabi naman ni Mary

"Sorry manager, may inasikaso lang. Hinatid ko pa ang anak ko sa school"

Oo nga! Nasaan na yung anak nila ni Stacey? Saan si Stacey? Musta na sila?

"May anak ka?" Halatang gulat si Mary.

Umupo naman si Jelo sa harap namin ni Mary.

"Yup my princess. My baby Chloe" proud niyang sagot

Ramdam mong mahal niya talaga ang anak niya.

"But who is the mother? Ayun sa form mo ay single ka naman"

Nagulat ulit ako. Single? But why? Anong sa kanila ni Stacey? Hindi ba sila kinasal? Napatingin ako sa cellphone kong vibrate nang vibrate dahil sa sabog na notficatios..

"Let's not talk about it. By the way, Mary hihiramin ko lang si Zoona sayo ng mga 10 mins. Bye"
Hinila niya ako. Hindi na rin nakasagot si Mary at lumabas na kami ng room.

"Wait. Saan ba tayo pupunta?" Iritang tanong ko

"Basta surprise. Wag ka na lang matanong" 

"I hate surprises, Jelo and let me go!"

Binitawan niya ang kamay ko. Nakahinga ako ng maluwang. Hindi ko talaga gusto ang nararamdaman ko pag malapit siya sa akin.

"Okay then, basta follow me"

Hindi na rin ako sumagot at sinunod na lang siya. Maya-maya ay nahalata kong papunta kami sa office ni Tito Rude. What's the problem?

Pagkapasok namin sa office ni Tito ay natigilan ako. For the 3rd time, I'm shocked. Kaya nga I hate surprises eh! Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

"Zoona" sabi niya sa akin.

"Labas muna kami" pagpaalam naman ni Tito Rude at lumabas na sila ni Jelo.

"Zoona" tawag niya ulit sa akin.

Tumutulo na ang mga luha ko.. Ano bang ginagawa niya dito? Bakit siya bumalik? Bakit bumalik ang ama ko na iniwan ako, kami ni mama?

I can't stand in front of him. Lahat ng sakit ng kahapon ay biglang bumalik..

Pinunasan ko ang mga luha ko at dali-daling lumabas pero hinabol niya ako.

"Zoona. Are you okay? Let's talk please" Tanong niya

Nakakaiinis siya! How dare him to ask me if I'm okay. Wala siyang pakielam!

"Stop asking me if I'm okay because you should know that I'm not!!!!" Galit kong sabi sa kanya.

Hinawakan niya ako "Don't touch me! You can  just leave and come back and expecting that everything will be okay?"

My tears are falling all over my face. I can't talk properly. I can't breathe properly.. I want to go home!

"Zoona gusto ko lang namang mag-usap tayo"

"Alam mo ba yung pakiramdam na naiisip kong nag-aalaga ka ng ibang anak mo diyan habang tumatakbo sa isip ko, bakit ako? Sarili mong anak hindi mo ako nagawang alagaan? Bakit Pa? Alam ba ng ibang pamilya mo na ako sariling mong anak iniwan mo? Bakit mo ako iniwan?" Galit na sabi ko sakanya habang umiiyak pa rin.

"Anak, mahal na mahal kita"

"Bullshit! Ang tanong ko, bakit? Bakit nagawa mong iwan ang sarili mong anak?!!!!"

"Wala akong maisasagot sa tanong mo anak" umiiyak na rin siya.

"Pwes! Bigyan mo ako ng kahit na anong rason dahil mababaliw na ako eh. Kung bakit nagawa niyong iwan ang sarili niyong anak!!!!"

"Yung mga araw na yun, away kami nang away  ng Mommy mo. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Kaya napagpasyahan kong pumunta sa ibang bansa. Sinubukan kitang kunin noon pero nagmamakaawa ang Mommy dahil wala siyang kasama, ayaw ka niyang mailayo"

"Pero hinintay kita Dad, hinintay kita pero hindi ka bumalik. Hindi mo man lang ba alam kung anong naramdaman ni Mommy? She was so miserable! Dahil sa'yo yun!"

"Nakilala ko ang Tita Celine mo at bumuo kami ng pamilya. Gustong-gusto kitang kausapin pero wala akong magagawa, maraming problema sa Spain"

"Hinintay kita. Nung bata ako, excited na excited akong umuuwi galing sa school para lang tignan kung umuwi na kayo pero wala eh. Parati lang akong nadidisappoint noon. Yung mga pasko at bagong taon na hindi ko kayo kasama, masakit. Masakit sa pakiramdam na nakikita ang mga ibang bata na may kasama silang ama"

"Kaya nga humihingi ako ng patawad anak. I hope you can forgive me, patawarin mo ako anak"

"Wala pong nagturo sakin kung paano magpatawad dahil wala kayo"

Tama na. Sobra na akong nasasaktan. Tumalikod na ako  at tuluyang lumabas ng office.

#

The Heartless Bitch (COMPLETED)Where stories live. Discover now