THB: 40

1.4K 21 5
                                    

Jelo's POV

Highschool friends will always be the best. Nandito kami ngayon sa bahay ni Hanadi, reunion daw.

"Sikat ka na talaga Zoona! Buti at kilala mo pa kami" sabi ni Hana kay Zoona na kanina pa tulala

"Zoo, are you okay? Kanina ka pa wala sa sarili" tanong ni Dave

Napatingin siya sa amin "Sorry. I'm okay, don't mind me"

"Ano pala nangyari sa inyo ng papa mo?" Tanong ko

I'm so curious. Kahapon kasi bigla na lang umuwi si Zoona after talking to her Dad. I wonder what happened...

"Ano ka ba Hana! Ba't ko naman kayo makakalimutan" nakangiti niyang sagot sa sinabi ni Hana kanina

She ignored my question. Am I a ghost? Hindi ba ako nageexist sa paningin niya?
Kung ganun, nahihiya na ako sa Daddy ni Zoona dahil nadisappoint ko siya. Hindi ko siya natulungan para magbati sila ni Zoona.

"Okay! Spin the bottle tayo" sigaw ni Dave. I remember something. Katatapos lang naming kumain ng dinner.

Si Faye at Zoona? Ayun! Hindi pa sila okay. Ewan ko ba kay Zoona, she's really different now. So Faye naman mataas talaga ang pride.

Tumango naman kaming lahat at pumunta sa sala at dun umupo kami ng pabilog. Hindi masyado nagsasalita si Faye at Zoona. Ganito ang ayos namin ngayon, si Faye at Moe ang magkatabi. Si Dave at Hana naman at syempre kami ni Zoona. Cold niya.

Inikot ni Moe ang bottle at tumama ito kay Faye.

"Truth or dare?"

"Truth. Tinatamad ako sa dare" sagot naman niya.

"Gaano kahalaga ang pagkakaibigan sayo?" Agad namang tanong ni Zoona sa kanya.

Nagulat kaming lahat sa tanong niya na mukhang seryoso. Hindi makasagot si Faye na para bang hindi alam ang isasagot.

"Ako na----" singit ni Hana pero nagsalita si Faye.

"Gaano kahalaga? Of course it's very important for me. Lalo na kung bestfriend mo siya. Yung ituturing mo siyang parang totoo mo ng kapatid. Yung nagdadamayan kayo. But some people can't understand the importance of friendship" linya niya na alam naming para kay Zoona yun.

"Eh paano kung hindi siya nagpaalam sa kanya? Na basta na lang siya lumayo?" Tanong ulit ni Zoona.

"Ba't pa magpapaalam eh kinalimutan na nga siya"

"Okay. Wait guys! Isa-isa lang naman. Next. Spin the bottle!" Sabat ni Hana na siyang nagpatigil sa kanilanh dalawa. Hinawakan naman ni Moe ang kamay ni Faye.

Inikot naman ni Dave ang bote at sakto naman kay Hana tumigil.

"Truth or dare?"

"Dare" -Hanadi

"Uhmmm. Kiss mo si Dave ng 10 seconds dapat sa lips" utos naman ni Moe. Kahit kailan talaga 'tong taong 'to!

"What?" Sabi naman ni Hana.

"Sige na" pagpipilit pa rin ni Moe.

Wala naman siyang nagawa at hinalikan si Dave ng 10 seconds. Buti pa sila walang problema. Ang saya-saya nila. Tinignan ko si Zoona na nakatingin lang kay Dave at Hana.

"Okay! Good kisser pala kayong dalawa" sabi ni Faye na nagpatigil sa kanila.

Iniikot niya ang bote at boom! Si Zoona naman ang sumunod.

"Truth or dare?" Tanong ni Hana.

"Truth" bore niyang sagot. Good! Marami akong gustong itanong sa kanya.

"Hindi mo na ba mapapatawad yung taong nanakit sayo noon? Na sobrang nagsisisi na ngayon?"

Halatang gulat naman ang lahat sa tinanong ko. Ewan kung bakit natanong ko ang bagay na yan.

"Ba't papatawarin? Eh nasaktan nga siya. Kaya nga siya lumayo to ease the pain. Nagmahal siya pero nasaktan lang siya" sagot naman ni Zoona

"Nagsisisi na nga siya. Hindi naman niya ginusto ang mga nangyari"

"Minahal ko siya noon.. Sobra. Pero ana ang ginawa niya? Sinaktan niya lang ako" -Zoona, ang straight to the point!

"Naiwan ako.. Hindi ka nagpaalam, paano ako hihingi ng tawad?" Tumingin ako sa taas, tutulo na naman ang mga luha ko.

"Bakit ikaw ba ang nasaktan? Kailangan kong lumayo para makamoved-on dahil hindi tayo pwede" umiiyak na rin si Zoona.

Yung apat nakikinig na lang na parang binibigyan kami ng pagkakataon para makapag-usap.

"Pero mahal pa rin kita Zoona. Mahal na mahal"

"Ano ba Jelo! Para saan pa ang paglayo ko kung sa huli ay magiging tayo ulit. Sorry pero hindi na kita mahal" sagot niya. Tumayo na siya at umalis.

Naiwan naman kami na nakayuko. Pinunasan ko ang mga luha ko. Putcha! Ang hirap naman ng ganito eh.

"Tsk. Heartless na naman ulit" sabi naman ni Faye.

"Okay lang yan pare! Wag kang susuko" -Moe

Paano kita kukunin ulit Zoona?

----
----

Zoona's POV

Nandito ako ngayon sa Mall, for my 2nd Meet & Greet. Grabe lang! Ang daming tao at ang daming pila.

"Okay guys, magbre-break lang muna si Miss Zoona, balik na lang kayo later" announcement naman ng isa sa mga staff dito. Nagugutom na kasi ako.

May mga nagreklamo at may mga sumang-ayon din. Ilang araw na rin ang lumipas mula ng reunion sa bahay nila Hana. Why Jelo? Bakit kailangan mo pang bumalik sa buhay ko?

Abala akong kumakain sa dressing room ko ng may pumasok na cute na bata. Sigaw siya ng sigaw ng papa. Ang cute na bata.

"Guard! May nakapasok na bata dito" sigaw naman ni Mary

"Wait. Okay lang" sabi ko naman.

"Hey little girl. What are u doing here?" Tanong ko sa bata.

"I'm looking for my Papa po kasi. Do you know where he is?" Ang kyut kyut niya talaga! Parang may kamukha siya. Parang pamilyar.

"Okay baby. Hahanapin natin ang Papa mo. Okay?" Ngumiti naman siya at kumain kaming dalawa. Hindi ko alam pero parang ang gaan-gaan ng pakiramdam ko sa kanya. Chloe daw ang pangalan niya at 4 years old na siya.

"Zoona may naghahanap daw ng bata sa labas. May nakakita daw na dito pumunta yung bata" sabi ng isang staff.

"I think that's your Papa"

"Yey! Papa!" Excited naman niyang sagot at lumabas kami kasama ng guards. Baka paglaguluhan pa kami ni Chloe.

"Papa!" Sigaw ni Chloe. Nagulat ako ng lumingon ang Papa niya. What?

"Chloe. Finally, pinakaba mo si Papa" sabi naman niya at binuhat ang bata.

"Papa, si Tita Zoona po oh. She is so pretty diba pa?" Halatang gulat din siya.

"I need to go. Bye chloe" kumaway ako at kumaway rin siya tsaka tumalikod na ako.

"Zoona" sabi naman ni Jelo. Lumingon ako.

"Thanks" ngumiti lang ako at tumalikod na ako ulit.

So yun yung anak nila ni Stacey? Si chloe? Pero nasaan ang ina ng bata?

#

The Heartless Bitch (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon