THB: 46

1.4K 20 1
                                    

Hi guys! Anyways, Happy birthday to my only lalabs Julie Anne San Jose! Kaway-kaway sa mga fans ni Julie diyan! I'm a proud adik!

-----
-----

Jelo's POV

"Are you ready baby girl?" Tanong ko kay Chloe.

"Daddy! I don't want to go there. Wala po akong friends dun" naka-pout pa niyang sabi. We've talked this for how many times.

"Baby, we already talked about this diba?"

Sumimangot siya "Okay po papa"

"Maiintindihan mo rin anak" kiniss ko siya sa cheeks at niyakap.

Dinouble check ko yung mga kailangan sa airport. Pupunta na kami ni Chloe sa Greece. May kompanya kasi ang pamilya namin doon at kailan kong mag-stay dun.

Mahirap pero kakayanin ko para lang sumaya si Zoona. I tried to get her back. But seeing her unhappy with me makes my heart cracked. Ayokong mabuhay siya ng hindi masaya.

"Sir aalis po ba talaga kayo?" Tanong ng yaya ni Chloe. Umiiyak pa nga eh.

"Hayaan mo yaya pag bumalik kami dito ikaw pa rin ang magiging yaya ni Chloe"

"Mamimiss ko po ang batang yan" binigyan ko siya ng tissue.

"I will miss you too yaya!" Sigaw naman ni Chloe at niyakap ang kanyang yaya.

Nakadesisyon na ako. Tanggap ko na, na wala na kaming pag-asa kay Zoona. I accept it! Masaya siyang hindi ako kasama.

I feel the same pain again. But this time mas masakit. Para may nakadagan na mabigat na bagay sa puso ko.

Kahapon ay nagsama-sama pa kaming barkada dito sa bahay except Zoona. Hindi ko na siya ininvite baka magbago pa  ang desisyon ko. Tsaka! Galit yun sakin, asa pa ako.

Nagulat nga silang lahat sa pag-alis namin ni Chloe. Lalo na si Faye at Hana na iyak ng iyak. Ganun ba nila kami mamimiss ni Chloe?

Nakatulala ako ng magring ang phone ko.

Kinuha ko ito agad at sinagot ang tawag.

"Ma?" Si mama pala.

"Hello anak? What time ang alis niyo?"

"3pm po mamaya ma. Dapat 2 nasa NAIA na kami"

"Ahhh sige anak. I'm excited to see you with my apo"

"Ako din ma. Bye"

-----
-----

Zoona's POV

Nagising ako sa tunog ng phone ko kasabay ng mga sunod-sunod na katak sa pinto. Seryoso anong oras na ba? Tinignan ko ang phone ko na kanina pa tunog ng tunog. It's already 12pm. Lunch na! Ang haba pala ng tulog ko.

Tumayo ako at binuksan ang pinto para tignan yung taong istorbong kumakatok.

"Ma'am may bisita po kayo sa baba" sabi ng katulong.

"Sino daw?"

"Hindi niya po sinabi eh" I sighed. Akala ko pa naman si Jelo. Kilala na kasi ng mga katulong yung lalaking yun. Eh araw-araw ba namang pumunta noon dito.

"Okay saglit lang kamo. Maliligo lang ako"

"Sige po ma'am"

Ilang araw na din akong umaabsent sa work. Naiintindihan din naman nila ako sa company.

Habang bumababa ako sa hagdan ay nagulat ako sa nadatnan ko sa baba. Siya ang bisita ko?

"Faye" sabi ko ng makababa na ako at lumapit sa kanya. Mula sa pagkakaupo ay napatayo siya ng makita niya ako.

"Faye! Kumusta ka na?! Namiss kita!" Masigla kong sabi.

"Stop it Zoona" sersyosong sagot niya. napatigil ako sa sinabi niya " o ano?! Masaya ka na?! Masaya ka na sa buhay mo?!" Ramdam ko ang galit niya para sakin.

"Ano yun? Bakit Faye? Hindi kita maintindihan"

"Wag ka ng magtanong Zoona! Oo tanggap ko na, na mas pinili mo ang career mo kaysa sa pagkakaibigan natin! Pero wag mo namang idamay si Jelo oh!"

"Si---Jelooo?" Naluluha kong sabi.

"Zoona! Hindi mo ba talaga alam? Hindi mo ba alam na nasasaktan siya?! Na hanggang ngayon ay mahal na mahal ka pa rin niya"

"Bakit ako ba hindi ako nasaktan noon?! Ha Faye? Bakit kung makapagsalita ka parang wala ka noong panahong nagdusa ako!"

"Pero noon yun Zoona! Iba na ngayon! Alam ko dahil sinamahan kita noon. Iniwan ko si Moe noon dahil mas pinili kita! Dahil bestfriend kita!" Nagulat ako sa kanyang mga sinabi. So kaya pala siya sumunod sa Hawaii dahil iniwan niya si Moe? Dahil sakin? "Pero anong ginawa mo?! Diba mas pinili mo yang career mo kaysa sa amin ni Zander!"

"Hindi ko alam---"

"Tapos ngayon pati si Jelo?! Ganun ganun na lang?! Zoona! Nagsakripisyo si Jelo noon. Sobrang nasaktan siya sa pag-alis mo"

"Pero kailangan siya ni Stacey" umiiyak kong sabi.

"Alam mo na bang wala na si Stacey? Well, hindi pa pala kasi wala ka namang pake diba? Patay na siya. Namatay siya noong pinanganak niya si Chloe. Nagsisi siya noon dahil nakokonsensya siya sa mga nagawa niya. Kaya hindi natuloy ang kasal nila dahil umaasa si Stacey na balang-araw ay mapapatawad mo siya" napaupo ako sa mga sinabi niya. Bakit wala akong alam? Oo alam ko na yung pagkawala ni Stacey pero this is so unexpected.

"Aalis na si Jelo at Chloe mamaya papunta sa Greece. Siguro naman masaya ka na diba? Lalayo na siya sayo. Hindi ko na kasi kaya Zoona eh. Sobrang nasaktan si Jelo. Ginawa niya ang lahat pero wala kang ginawa" umiiyak na rin siya.

"Btw, pinapaabot ni Jelo ang sulat na ito galing kay Stacey. Gusto niyang ipaabot yan ng personal noon pero hindi na niya nagawa" sunod-sunod niyang sabi at tuluyan ng umalis ng bahay. Anong nagawa ko? Ba't hindi ko man lang namalayang marami na pala akong nasasaktang tao?

Inabot ko ang sulat na nakapatong sa mesa at binasa ito.

Dearest Zoona,

Uhmmm how can i start this? Nahihiya kasi ako eh. Nahihiya ako sa inyo ni Jelo. Zoona, i just want to say sorry for all the things that i have done. Yung mga masasakit na salitang binitawan ko noon sayo. Humihingi ako ng tawad sayo. Simula nung umalis ka ay nagbago na si Jelo. Hindi na siya yung lalaking minahal ko noon. Lagi siyang malungkot at laging walang pakielam sa mundo. So I realized that I was wrong. Hindi ko na muli siya makukuha. Sorry Zoona ha? Kasi kung alam ko lang na mabubuntis ako sana hindi ko na lang siya inakit. I was wrong for doing that. Sana balikan mo si Jelo. Sana mahalin mo siya ulit. Magkakaanak na kami pero ang anak ko lang ang pagtutuunan ko ng pansin. Mahal ka ni Jelo. Umayaw ako sa kasal namin dahil alam kong hindi ko deserve ang makasal sa kanya. Na iniisip ko na dapat ay ikaw ang nasa kinatatayuan ko. I'm so sorry Zoona! Pls forgive me... :(( i'm hoping for your come back.

Sincerely yours,
Stacey

Lalo akong napaiyak sa mga nabasa ko. Anong gagawin ko? Ba't ang sama-sama kong tao! Ba't ang manhid-manhid ko?!

#

The Heartless Bitch (COMPLETED)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora