THB: 19

1.6K 34 0
                                    


Mahigit isang linggo na ang nakakalipas ng mangyari yun. Pagkatapos naming magdinner ay agad umalis si Jelo sa bahay.

At hanggang ngayon hindi pa kami nagkakausap. Iniiwasan niya kaya ako? Tss, fine! Eh di wag pansinin.

Pero nakakainis kasi. Sanay na akong lagi siyang kasama.

"Sis! Pansin ko lang magkaaway ba kayo ni Jelo?" Singit ng magaling kong bestfriend habang nag-iisip ako ng mga pwedeng rason

"Uhm, no" simple kong sagot at tinignan ang phone ko

Wala pa rin siyang text hanggan ngayon. Nakakainis!

Napatango na lang si Faye. Ayyy, may napapansin ako. Nagugutom na ang isang 'to. Ganyan kasi yan, hindi madaldal pag gutom. Well, wala akong ganang kumain!

May nilabag ba akong rules? Wala naman ata. Hindi naman bawal yung kiss and hugs according to him diba?

Pero bakit? Hays! Tama na nga! Ba't mo ba siya iniisip Zoona? Nakakafrustrate!

"Sis, kain tayo! Gusto ko ng ice cream rolls" ani Faye

Napatingin ako sa madaming taong nakapila sa harap ng booth ng Grade 8 na nagtitinda ng Ice cream roll. Last day na ng Academy Day ng Hillton.

"Mamaya na Faye, I'm not hungry" nakasimangot kong sagot

"Uy, si Jelo oh!" Ani niya at tinuro sa likuran ko

Agad akong lumingok at nakita siyang naka-jersey. Speaking of the yabang, papalapit na siya.
Saan naman kaya nanggaling 'to? Feeling ko kagagaling lang nila ng praktis..

"Jelo!" Tawag ko sa kanya.

"Hello" tipid niyang sagot at nilagpasan na niya ako

Like what the hell? Anong problema nun? We'll find out

"Uy, anong problema? Why you're not making pansin to me?" Sambit ko at tumayo

Hindi ko alam pero nasasaktan na ako.

"Ha? Ah wala. Busy lang ako" sagot niya

Liar!

"What? Busy na hindi mo man lang ako masundo?" Nakasimangot kong tanong

Nakatingin lang sa amin yung mga teammates niya. Mukhang may pupuntahan pa sila

Zoona! Stop, masyado ka nang feeling. Kayo ba?

"I'm really busy. Gotta go! Bye" paalam niya at lumayas na

Natameme ako. What? Okay fine. Ayaw mong magpansinan, eh di wow! Okay na okay. Game ako diyan! Ba't ba ako affected much?

"Ay, LQ sis?" Tanong ni Faye

"Bwisit! Bili na nga tayo ng ice cream roll" yaya ko sa kanya 

Nagdaan ang mga araw. Hindi na kami nagkikita ni Jelo. Siguro nga busy siya to the point na hindi na niya ako kailangan. Pero paano yung contract? Yung fake relationship namin?

Zoona, ba't ba parang super affected ka talaga? Naiinis na din ako sa'yo ha! Tsk! Fine! Hindi kaya. Nasanay lang ako na lagi ko siyang kasama. Ako na ang baliw na kumakausap sa sarili ko.

Bigla kong naisip na okay na pala yung company ni Mommy kaya siguro tapos na lahat sa amin. Hays! Oo nga, may hangganan pala ang lahat. Ano pa ba ang ineexpect ko?

The company is at good condition now. Tapos na. There's no point for that fake relationship!

"Okay ka lang anak?" Tanong ni Mommy sakin, nadatnan niya ako sa kusina na nakatunganga habang umiinom ng gatas..

The Heartless Bitch (COMPLETED)Where stories live. Discover now