THB: 10

2.2K 32 0
                                    

Zoona's POV

Weekend ngayon at may pupuntahan kami ni Mommy. Kanina ko pa siya tinatanong pero sasagot lang siya ng "surprise"

Hindi na ako nagtanong at nagheadset na lang ako gamit ang iPod ko. Pinagtugtog ko yung Enough by Julie Anne San Jose. Si Faye kasi,
siya yung nagdownload ng mga songs ni Julie dito sa iPod. Infairness, ang ga-ganda. Maganda na, ka-apelyido ko pa. Nice!

Huminto ang sasakyan sa Trinoma

"Mom, what are we doing here?" Tanong ko kay Mommy

"Ang kulit mo anak. It's a surprise nga" ani niya at bumaba na

"Okay fine" I rolled my eyes. Sorry makulit na kung makulit. I'm really clueless

Pumunta kami sa isang restaurant at may isang babae at lalaki ang nakaupo sa mesang pinuntahan namin ni Mommy.

"Good Morning Mr. & Mrs. Smith!" bati ni Mommy at nakipagshake hands sa kanila

"Oh good morning, Mrs. San Jose!" Ani ng babaeng tingin ko ay nasa 40's

"Miss Romero, Mrs. Smith! Remember?" Ani Mommy na nakapagpawala ng ngiti ko.

Ang bitter niya masyado!

"Oh, I'm sorry" halakhak na sabi ni Mrs. Smith

"My daughter, Zoona" pakilala ni Mommy sakin.

"Hello po. How are you po?" bati ko at umupo na kami. Who are they?

"Your daughter is so pretty Mrs. San Jose" ani ni Mr. Smith

"Of course. Nagmana kaya sa akin" proud na proud na sabi ni Mommy

Ang aga mong mag-joke Mommy!

"I bet magugustuhan siya ng anak ko" sabi ni Mrs. Smith.

Napatingin ako sa kanya. Nagsimula nang magserve ang mga waiter sa inorder namin

"Yes. Gwapo ang anak niyo based sa mga pictures na sinend niyo" ani Mommy

Sinong anak? Anong magugustuhan? What?

"Uhm, Mommy what's happening?" Bulong ko kay Mommy at sinubo ang lasagna

"Ah hija, gusto kasi ng Mommy mo na magshare kami ng stock sa company niyo. So we said yes at ang kapalit nun ay magiging girlfriend ka ng anak ko" paliwanag ni Mrs. Smith

"What? Ano po?" Gulat kong tanong

Anong girlfriend? No way! Muntik na akong mahulog sa upuan ko!

What the hell?

"Zoona calm down. We'll talk about this later" bulong ni Mommy sakin. Pakulo niya ito eh!

Hindi man lang niya sinabi ng maaga!

"Nagmamakaawa kami sayo Zoona, ikaw lang ang makakapagpatino sa anak namin" sabi ni Mr. Smith na nagpupunas ng tissue sa gilid ng bibig niya

"Mawalang galang na po, pero hindi po kasi ako ganung babae. Kung magkakaboyfriend man ako ay yung kakilala ko at mahal ko at paano po kayo nakakasiguro na ako ang makakapagpatino sa anak niyo?" Ani ko at tumayo na.

I'm gonna walk out in here!

"Zoona" tawag ni Mommy pero hindu ko siya pinansin

Narinig ko pang nagsorry si Mommy sa mag-asawa at sinundan ako.

Like what the? I hate you Mommy! This is so frustrating!

"Zoona!" Sigaw ni Mommy sakin, hindi ako lumingon

The Heartless Bitch (COMPLETED)Where stories live. Discover now