THB: 16

1.8K 32 0
                                    

Zoona's POV

"Zoo!" Sigaw ni Hana sakin

Si Hanadi ay girlfriend ni Dave kahapon lang. I don't know yun naman ang chismis. Pero matagal na daw na nililigawan ni Dave si Hana at kahapon lang din kaming nagkakilala

Nilingon ko siya at nakita kong papalapit siya sakin

"Oh, Hana"

"Tapos mo na yung assignment sa Algebra?" Tanong niya

"Oo. Pero hindi ko sure eh" sagot ko at patuloy na naglakad papunta sa first class namin

"Hindi ko talaga maintindihan! Grabe parang love, ang hirap i-figure out" nakasimangot niyang sagot

"Ay, hugot yan ah!" Natatawa kong sagot "Nakita mo pala si Faye?"

"Hindi eh. Baka on the way na siya"

Kinuha ko ang phone nang maramdaman kong nagvibrate ito

From: Jelo Smith

Where are you?

Agad akong nagreply

Me:  School

From: Jelo Smith

Gym, please. Now

What? Grabe makautos to ah! May klase daw ako, diba? Bahala siya sa buhay niya. Mag-aaral muna ako

Me: Later after class

Minsan tinatawag ko siya ng Alex, minsan Jelo. Well, depende na lang kung anong lumabas sa bibig ko

Nang natapos ang klase ko ay agad aking pumunta sa gym. Baka may sasabihin siyang importante. Saan na ba kasi Faye?

"Hi!" Bati ko sa kanilang tatlo. Naabutan ko silang nakaupo sa bench ng gyn. Himala wala yata silang praktis ng basketball?

"Oh. Hi Zoona!" bati ni Dave sakin

"Come here baby" sabi ni Jelo at tinapik ang space sa tabi niya

Baby? I blushed

"Baby?" Irap kong tanong. Weh? Pabebe ka Zoona eh!

"Woawwww! Ang sweet naman ni Capt. Baby daw!" Pang-aasar ni Moe kay Jelo

"Oo. Ayaw mo? Endearment?" Tanong ni Jelo sakin at hindi pinansin si Moe

"Baliw! Ang corney kaya!" Corney naman talaga. Ano kami sanggol? I felt butterflies in my stomach. Dammit!

"Okay. Fine fine! Eh di wag na lang" nakanguso niyang sambit

Hindi ko na lang siya pinansin. Well, baka bored lang siya

"So bakit mo ako pinapapunta dito?" Tanong ko

"Ahhh ano kasi Zoona----" sabi ni Dave pero pinigilan siya ni Jelo

"Wag nga kayong makielam! Ako na ang magsasabi. Siguro alam niyo naman yung word na privacy?" Pagsusungit niya sa dalawa. Tignan mo 'to, bossy talaga kahit kailan

"Okay boss! Aalis na po" pagsusuko ng dalawa. Tsaka sila umalis palabas ng gym. Kami na lang ni Jelo ang naiwan

"Ahm.."

"What?" Tanong ko. May problema kaya?

"Ahhh... Ano kasi Zoona... Ahh"

"Ano ba Jelo? Sabihin mo na kasi!" Inis kong sambit. Ano ba kasi yun? Kung mautal naman siya parang kinakabahan talaga siya

"May singing contest kasi ang school sa Academy Day next next week. Nalaman ko sa Mommy mo na magaling kang kumanta kaya sinali kita" Mahinahon niyang sabi

What?!

"Ano?! Kahit kailan talaga ang daldal ni Mommy! Kainis!" I rolled my eyes

"Hep! Walang kasalanan si Tita dito. Ako ang nagsabing sasali ka. Why not Zoona? I want to hear you singing" sumandal siya sa bench

"Jelo! The last time na kumanta ako may nangyaring masama. May nangyaring hindi ko matanggap. Kaya please, wag mo akong isali sa kalokohan mo" naiinis na sabi ko

Noong kumanta kasi ako sa Hawaii, nandoon si Gerald. Pero nauwi lang sa hiwalayan. So what for?

"Please Zoona, sa campus lang naman ito. Tsaka malapit na ang contest" nakangisi niyang sabi

"Nakakainis naman 'to! Next next week na pala yun! Malapit na!"

"Kaya nga sinasabi ko diba?"

"Basta ayoko!" Sabi ko at tumalikod na ako.

Pero mabilis niya akong hinabol

"Zoona wait, sige na. Ayaw mo bang maging masaya ang Mommy mo?"

"Ba't mo naman naisali si Mommy dito?" Hinarap ko siya

"Kinausap ako ni Tita noon, umiiyak siya. Gusto niyang makita ang dating ugali ng anak niya. Dating Zoona na pinakamamahal niya"

Natigilan ako sa sinabi ni Jelo. I looked at him. Alam ko nahihirapan na si Mommy sakin. Alam kong nasasaktan na siya. Pero ang ayaw ko lang talaga ay ang umiiyak siya.

Sabi ko sa sarili ko noon, hindi ko papaiyakin si Mommy katulad ng ginawa sa kanya ni Daddy. For all those times, umiiyak si Mommy dahil sakin?

Diko na napigilang umiyak. Sabi ko hindi na ako iiyak pero pati kasi ako nahihirapan na. Ang babaw talaga ng luha ko

"Sorry ha. Hindi ko kasi alam" sabi ko kay Jelo habang pumipiyok. Lumapit siya sa akin at niyakap niya ako.

"Okay lang yan. Sige umiyak ka lang, nandito ako" niyakap ko siya pabalik.

"Ayaw kong maging ganito. Pero kailangan, kasi hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako. Nasasaktan pa rin ito" sabay turo sa aking puso.

Lahat lang pala ng mga sinabi ko na nakamove on na ako ay puro kasinungalingan. Denial. I denied it.

"Normal lang ang masaktan pero hindi normal ay ang hindi pagmove-on sa mga bagay na dapat pakawalan na. Nandito naman ako Zoona, hindi kita iiwan" sabi ni Jelo sakin habang  niyayakap ako ng mahigpit

Hindi ko alam pero gumaan ang pakiramadam ko habang niyayakap niya ako.

"Salamat Jelo, salamat talaga" ani ko at kumalas na sa yakap

"Okay ka na?" Tanong niya sakin.

"Oo. Salamat talaga" sabi ko at pinunasan ang aking mga luha. Ang iyaki  ko! Nakakahiya kay Jelo! Bitch na umiiyak!

"Eto o, hiramin mo muna" sabay abot sakin ng panyo. Kinuha ko naman iyon.

"Sige na nga. Sasali na ako sa contest" sambit ko at ngumiti

"Talaga? Yehey! Sasali ka talaga?" Tanong niya. Para siyang batang  nanalo sa isang laro.

"Oo nga! O sge wag na lang" pangloloko ko sa kanya

"Sige. Payakap nga isa lang" sabi niya at bigla na lang akong niyakap.

Nakakadalawa na 'to ah.
Niyakap ko rin siya.

-----

On the way  na kami pauwi. Hinatid ako ni Jelo. We're good friends. We really are

"So anong kakantahin mo bukas?" Tanong ni Jelo habang nakatingin diretso sa kalsada

"Di ko alam. Basta titignan ko mamaya. I'll search new songs" sagot ko na nakatingin sa labas. Dumidilim na

"Okay. Good news 'to para kay Tita"

"Ahhh ako na lang magsasabi. Okay?"

"Yup, of course" sabi niya sabay ngiti.

Hindi ko naiwasang mapatitig sa kanya. Bakit kaya ang gwapo gwapo niya? Nasa harap ba siya noong nagpaulan ang Diyos ng kagwapuhan?

"Stop staring" cool niyang sagot

Napatingin ako sa labas. Shet, nakakahiya! Pero ang gwapo talaga eh.

#

The Heartless Bitch (COMPLETED)Where stories live. Discover now