FIGHT TWENTY EIGHT

2.5K 188 25
                                    

FIGHT FOR YOUR LIFE
FIGHT TWENTY EIGHT

QUEEN

"Tang-" hindi ko itinuloy ang pagmumura ng makita nang malinaw ang sitwasyon sa bayan ng San Pedro.

Hindi ko maiwasang makaramdam ng kilabot habang pinagmamasdan ang mga zombie na ngayon ay nakakulong sa mga hawla.

Oo, nakakulong sila. Ang malaking katanungan lang sa akin ay sino ang nagkulong sa mga zombie na ito.

"GRR!" angil ng mga zombie ng mabaling ang atensyon ng mga ito sa kotseng minamaneho ko.

Nakalabas ang kamay ng mga ito sa pagitan ng kulungang bakal.

"Sinong tanga ang gumawa niyan?" tanong ni Agatha na sumiksik sa akin upang makasilip sa labas ng kotse.

"Actually, it's a good idea. Pero medyo delikado rin kung makawawala lahat ng zombies na iyan," saad ko.

Halos limang kulungan ang narito at halos lagpas bente ang zombie na nakakulong.

"Posible kayang isa sa mga zombie dito ay sina Niall?" tanong ni Jelly.

Kumabog ang aking dibdib at tila ayaw tanggapin ang sinabi ni Jelly.

"No!" bayolenteng saad ni Avery.

Umirap ako ng makita na naman ang pagtataray sa mukha nito.

"Aray!" daing ko nang bigla akong mauntog sa bintana dahil sa biglang paghinto ng sasakyan.

"Zia," rinig kong saad ni Jelly.

Nag-angat ako ng tingin at tumingin ng masama kay Zia.

Unti-unting bumaling ang aking mata sa harapan ng kotse.

Lumaki ang aking mata ng makita ang isang babaeng nakaharang sa daraanan namin.

May hawak itong totoong baril at seryoso lamang na nakatayo sa daan.

"May iba pang tao," saad ni Agatha.

"Ibig sabihin totoo nga yung napanaginipan ni Ate Jelly?" dagdag na saad ni Agatha.

"Wow, dejavu!" bulong nito at kumikinang pa ang mga mata.

Mukhang tuwang-tuwa pa siya sa nangyayari.

Itinulak ko pabukas ang pinto dahilan upang lingunin ako ni Jelly at Zia.

"Anong ginagawa mo?" kunot ang noong saad ni Jelly.

"Lalabas?" patanong na sagot ko. Malamang ay lalabas ako ng kotse dahil binuksan ko ang pinto.

"Paano kung bigla kang barilin nung babaeng 'yon?" O.A na saad ni Zia.

Umismid ako at umiling. "Bago pa niya makalabit ang gatilyo ng baril niya, nakalbo ko na siya." Ngumisi ako at tuluyan nang lumabas ng sasakyan.

Naglakad ako palapit sa babae. Narinig ko ang pagbukas sara ng pinto kaya lumingon ako.

Tumabi sa akin si Jelly habang si Zia ay nasa likuran at katabi si Agatha.

Tanging si Avery, Jay at Beans lang ang naiwan sa sasakyan.

"Sino kayo? Saan kayo galing?" tanong nung babae sa amin.

"4 years na kami rito simula nung zomie apocalypse. Ikaw? Matagal na ba kayo rito?" tanong ko rin sa babae.

Tumango ito. "Katulad niyo rin," saad nito. "Bakit ngayon lang kayo napadpad dito? Saan kayo tumutuloy?" tanong nito muli.

"Sa Sta. Ines kami. Dalawang oras ang layo rito," sagot ni Jelly.

"May hinahanap ba kayo?"

Nanlaki ang aking mata sa sinabi nito.

FIGHT FOR YOUR LIFE (Zombie Apocalypse) (COMPLETED)Where stories live. Discover now