FIGHT TWENTY NINE

2.5K 181 51
                                    

FIGHT FOR YOUR LIFE
FIGHT TWENTY NINE

JELLY

"Oo nga pala, gising na yung isang lalaki na may bali sa braso."

Nakagat ko ang aking pang-ibabang labi sa sinabi ng lalaking Rhio raw ang pangalan.

Nilingon ko si Zia na kunot na kunot ang noo ngayon.

Sinubukan ko itong abutan ng pagkain kani-kanina lamang, mukhang nawala talaga ito sa mood dahil himalang hindi nito tinanggap ang pagkaing inalok ko.

Malaki ang epekto nang lalaking si Rhio kay Zia. Nawala ang "foods before dudes" na pananaw ng babae sa buhay.

"Paano niyo nalamang nandito kami?"

Sabay sabay kaming nag-angat ng tingin nina Queen ng lumabas mula sa kwarto si Archer. May benda ang kaliwang braso nito na ginamitan lamang ng tee-shirt bilang suporta.

"Babe!"

Hindi ko maiwasang mapairap nang marinig ang maarteng pagtawag ni Avery kay Archer.

Ang corny ng tawagan nila. Hindi ako naiinggit or what, panget lang talaga nila sa pandinig at ang sakit nila sa mata.

"Puntahan ko lang si Niall," biglang saad ni Queen at tumayo mula sa pagkakaupo.

Tumayo rin ang babaeng humarang sa amin kanina na Patricia raw ang pangalan na ex-girlfriend ni Niall.

"Ako na lang. Huwag ka nang mag-abala," pigil nito kay Queen.

Nakita ko ang bahagyang pagtaas ng kaliwang kilay ni Queen.

"Bakit? Doktor ka ba?" nahimigan ko ang pagiging sarkastiko sa boses ni Queen.

Nanigas ang babae at hindi agad nakakibo.

Hindi na hinintay ni Queen ang sasabihin ni Patricia at naglakad na ito patungo sa kwarto na kinaroroonan ni Niall.

"Bakit ba ganyan ka makatingin?"

Nabaling ang atensyon ko sa lalaking nagsalita. Si Rhio iyon at magkaharap silang dalawa ni Zia.

"Naiirita ako sa pagmumukha mo, umalis ka sa harap ko," saad ni Zia at pinakyuhan ang lalaki.

"Hoy! Babae ka ba talaga? Tsaka wala akong kasalanan kung masyado kang nagwagwapuhan sa mukha ko," nakangising tugon ng lalaki kay Zia.

Hindi na ako magtataka kung magkakaroon ng gyera rito ngayon.

"Baka kayo magkatuluyan, ha!" tukso ni Agatha at siniko si Zia.

Umaktong naduduwal si Zia at sunod sunod na umiling.
"Yuck!! Sa panget ng lalaking 'yan? Asang papatulan ko 'yan!" singhal ni Zia at dinuro ang lalaki.

"Asa ka rin namang papatulan kita. Ayoko sa babaeng amazona!!" ganting sigaw ni Rhio.

Nagbuntong hininga ako nang sabay na tumayo ang dalawa at nagsigawan.

"BUTI NA LANG AT HINDI KAYO NAGKATULUYAN NG KAKAMBAL KO!! KAWAWA SIYA KUNG NAGKATAON, ANG SAKIT SAKIT SA TENGA NG BOSES MO!"

"WALA AKONG PAKE! PALIBHASA PAREHAS KAYONG WALANG BAYAG NG KAMBAL MO! ANG PANGET NG MUKHA NIYO PAREHAS, MAKITA KO LANG ANG MUKHA NIYO AY NASUSUKA NA AKO!! PWE!!" saad ni Zia.

"HINDI KA MAGANDA!!"

"HINDI TALAGA DAHIL POGI AKO!! MAS POGI PA AKO SA'YO!!"

"Sa ganyan nagkatuluyan lolo't lola ko," sabat ni Agatha na sabay na nilingon ng dalawang nagbabangayan.

"HINDI BALE NA LANG!!" saad ni Rhio at umupo na muli.

"MAS GUGUSTUHIN KO NA LANG TUMANDA MAG-ISA!" turan ni Zia at nakahalukipkip na umupo.

FIGHT FOR YOUR LIFE (Zombie Apocalypse) (COMPLETED)Where stories live. Discover now