FIGHT THIRTY FOUR

2.7K 180 7
                                    

FIGHT FOR YOUR LIFE
FIGHT THIRTY FOUR

JELLY

"WOW! SHIT, MAY BOMBA SILA, TSAKA BAZOOKA!" manghang saad ni Zia nang dalhin kami nina Patricia sa basement nitong bahay na tinutuluyan nila.

"Bakit may ganito rito?" tanong ni Queen habang naglilibot sa buong kwarto.

Samantalang ako ay naestatwa sa harap ng isang maliit na baril na nakadikit sa dingding.

"Ang cute," bulong ko at hinaplos ang maliit na baril.

"Snob nose tawag diyan."

Napalingon ako sa aking gilid nang marinig ang boses ni Archer.

"Ah snob nose. Ang cute rin ng name," mahinang saad ko. Pamilyar ang nakita kong baril sa nakuhang baril ni Zia noon sa loob ng kotse ng mga pulis.

Naglakad-lakad ako upang tingnan ang ibang baril na nakasabit sa dingding.

"Bakit may ganito rito?" muling tanong ni Queen. Nakakunot ang noo nito marahil ay dahil sa ginawang hindi pagsagot sa kanya ng mga nakarinig.

"Dating sundalo ang ama nina Rhio kaya mahilig mag kolekta ng iba't-ibang baril ang papa nila," sagot ni Haslie.

Tumango si Queen at dinampot ang isang klase ng armalite na bushmaster XM-15.

"Mas okay na ito gamitin niyo keysa riyan sa laruan na ginagamit niyo," saad ni Patricia at ininguso ang pellet gun na nasa balikat ni Queen.

Umangat ang isang kilay ni Queen na agad ring nawala dahil napalitan ng isang ngisi iyon.

"Hindi lang simpleng pellet gun 'to," anas ni Queen. "Yung bilog na bala nito kayang pumatay ng tao. Hindi katulad ng totoong bala niyo na pwede pang mabuhay kung sino mang tatamaan," dagdag ni Queen at ngumisi ng malaki. Nilingon nito si Niall na tahimik lamang sa isang tabi.

Naalala ko bigla na dating magkasintahan si Niall at Patricia. Mausisa nga minsan si Niall nangangati ako malaman past nila eh, tapos ibibida ko kay Queen.

"Akin na lang 'tong bazooka!" singhal ni Zia at niyakap ang bazooka na nakalapag sa isang mahabang mesa.

"Alam mo ba kung anong tawag diyan?" saad ni Rhio na nakapameywang sa harap ni Zia sa kabilang banda ng lamesa.

Umirap si Zia. "Bazooka! Tingin mo sa akin bobo!" singhal ni Zia. Unang usap palang nila ulit pero galit na agad si Zia.

"Tanga. Ibig kong sabihin kung ano mismong type ng bazooka 'yang inaangkin mo! Napaka dalahira mo talagang babae ka!" ganting singhal din ni Rhio.

Minsan napapaisip ako kung lalaki ba talaga si Rhio. O baka parehas silang babae ni Zia, pwede ring parehas silang lalaki.

"Broccoli bazooka, baka hindi mo kayanin 'yan!" saad ni Rhio.

Ngumisi si Zia at parang tanga na pinagmasdan ang bazooka.

"Sa tanang buhay ko, ngayon ko lang nagustuhan ang gulay," saad nito. Binuhat ni Zia ang nasabing bazooka at ipinatong iyon sa balikat.

"Shit, ang astig ko!" puri nito sa sarili. "Matagal ko nang gustong bombahin ang mga zombie, sa wakas magagawa ko na!" saad ni Zia at humarap sa akin.

"Ano Jelly? Pwede na ba?" nakangising saad nito sa akin.

Ngumiti ako at nagthumbs up sa kanya.

"Eto akin," saad ni Queen na hawak na rin ang bushmaster na tinignan kanina.

"Ikaw?" baling sa akin ni Haslie.

"Iyon lang," saad ko at itinuro ang snob nose na nasa dingding.

"Ayaw mong mabigatan?" tanong ni Agatha na may hawak ring armalite na halos kaparehas nang kay Queen.

FIGHT FOR YOUR LIFE (Zombie Apocalypse) (COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant