FIGHT THREE

4.6K 299 50
                                    

FIGHT FOR YOU LIFE
FIGHT THREE

QUEEN

"Take this."

Nanlaki ang mata ko ng makita ang bagay na inabot sa akin ni Jelly.

"A-Anong gagawin ko rito?" nauutal na tanong ko habang nakatingin sa binigay nitong palakol.

"In case of emergency," sagot nito habang binabalot ang kamay ng itim na tela.

"Papatay ako?" hindi makapaniwalang saad ko.

Paano ko gagawin iyon. Isa akong Doctor at trabaho ko ang bumuhay ng tao tapos ngayon ay papatay ako.

"You need to. Kung hindi mo gagawin, ikaw ang mamamatay."

Tinitigan ko ang hawak kong palakol at napabuntong hininga na lang. Kailangan kong gawin kahit ayaw ko.

"Nasaan si Zia?" tanong ko nang makitang tapos na mag-ayos ng gamit na dadalhin si Jelly.

May flashlight na siyang hawak at nung ni-try niya iyon ay malakas naman ang liwanag. Sinabi ko kasi sa kanyang posibleng wala nang kuryente sa hospital.

She's also holding a axe, same as mine. Kinakabahan ako. Hindi namin sigurado kung safe ba kaming makapupunta roon.

"Inaayos niya ang gagamitin nating sasakyan. Tayong dalawa lang ang papasok sa hospital."

Mas lalo akong kinabahan sa sinabi ni Jelly. Akala ko ay matapang ako. Pero isipin ko pa lang na mamamatay akong wala man lang ginawa upang iligtas ang iba ay nakapanghihina para sa akin.

"Kinakabahan ka ba?" rinig kong tanong ni Jelly.

Hindi ako sumagot at tinignan ko lamang siya.

"Stay alive. Iyon lang ang isipin mo oras na lumabas tayo rito." Ngumiti siya sa akin ng sobrang tamis kaya nahawa na rin ako.

Kahit papaano ay naibsan ang kabang nararamdaman ko.

Stay alive. That's all I need to do.



"FUCK!" mura ni Zia nang mailabas na niya ang kotse sa garahe.

Nasa backseat ako at si Jelly ay nasa passenger seat. While Zia is in the driver seat.

"Nakakasuka. Ang daming dugo puta," dagdag ni Zia at tinakpan ang bibig.

Ibinaba ko ang bintana ng katabi kong pinto. Tiwala akong buksan ito dahil may harang naman sa labas.

Napangiwi ako nung makita ang mga kotse na nakabalandra na lamang dito sa kalsada.

Sobrang laki ng pinagbago ng Maynila. Para akong nasa isang isolated na lugar.

"Nasaan kaya ang mga zombie kapag ganitong maliwanag?" tanong ni Jelly na nagmamasid din sa paligid.

Napaisip din ako sa sinabi niya, wala nga ni isang zombie na pagala-gala sa paligid.

"Let's go. Secure na ang labas. Sana ay makabalik tayo agad dahil walang kasama sina Jay at Beans sa grocery store," saad muli ni Jelly na ang tinutukoy ay ang tuta at ang isang taon na batang lalaki.

Nagsimula ng magmaneho si Zia at napapailing na lang ako sa bawat madaraanan namin.

Hindi naman malayo ang hospital sa grocery store ni Jelly kaya nakarating kami agad.

Nauna akong bumaba ng sasakyan na sinundan ni Jelly at naiwan si Zia sa loob.

"Mukhang hunted hospital na ah," saad ni Zia na nakasilip sa amin.

Nilingon ko ang hospital at alam kong kahit umaga ngayon ay sobrang dilim sa loob no'n.

"Here." Inabot ni Zia ang dalawang earpods kay Jelly.

FIGHT FOR YOUR LIFE (Zombie Apocalypse) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon