FIGHT THIRTY NINE

2.4K 189 14
                                    

FIGHT FOR YOUR LIFE
FIGHT THIRTY NINE

JELLY

Hindi na ako nakaangal nung hilahin ako sa braso ni Queen palabas ng kotse.

Lumingon ako sa mga zombie at nagkusang kumilos ang mga paa upang tumakbo nang magsimula ang mga zombie sa paghabol sa amin.

"Tangina, Queen pwede na ako sumali sa mga marathon," saad ko habang nakayukong sumusuot sa gilid ng hagdan upang makapasok sa maliit na eskinita.

"Isipin mo na lang ay may hinahabol kang fried chicken, Jelly." Hinawakan ni Queen ang kamay ko habang nakatagilid kaming naglalakad sa eskinita.

Maliit na nga ang eskinita mas lalo pa itong lumiit dahil sa mga bagay na nakatambak.

"Oh my God!" anas ko ng paglingon ko sa aking likod ay halos magdaganan na ang mga zombie makasunod lang sa amin.

Tumingala ako at halos kasing taas ng first floor ang mga zombie na nagsama-sama. Abot din ang pagtahip ng aking dibdib sa sobrang kaba. Pakiramdam ko nga ay dama na ni Queen ang mabilis na pagtibok ng puso ko sa palapulsuhan kong hawak niya.

"Anong klaseng zombie ba ang mga 'yan?" bulong ko na mas lalong binilisan ang paghakbang.

Sobrang hirap talagang kumilos dahil sa sikip nitong eskinita. Puro pa sapot ng gagamba na halos tumakip na sa mukha ko.

"Lintek," mura ni Queen.

Nanlaki ang mata ko ng kunin niya sa aking kamay ang baril na hawak ko.

Lumingon ako sa aking likod at doon ko nakitang may zombie na tumalon at malapit nang bumagsak sa harap namin.

Napapitlag ako ng isang malakas na putok ang nilikha ng baril matapos kalabitin ni Queen ang gatilyo.

"GRR!" angil ng mga zombie na nakasunod sa amin, tila mas nagalit pa ang ito dahil sa ingay.

"M-Malapit na tayo," hinihingal na saad ko. Panay na rin ang taas baba ng dibdib ko hindi dahil sa pagod kundi dahil sa kabang nararamdaman ko talaga sa mga oras na'to.

Kung tutuusin ay malapit lang ang likuran ng grocery store ko dito sa eskinita, ngunit natatagalan kami dahil sa sikip ng daan.

"Yung susi!" ani ni Queen ng sa wakas ay makarating kami. Agad kong inabot sa kanya ang susi ng pinto.

"Bilis bilis bilis!" nanginginig na saad ko habang pabalik balik ang tingin kay Queen na nagbubukas ng pinto at sa mga zombie na nakasunod sa amin.

"GRR!"

"Pasok na!" singhal ni Queen at hinila ako.

Isasara na sana ni Queen ang pinto ng isang kamay ng zombie ang umipit doon.

"Shit shit!" panic na mura ko at hindi alam kung saan pupunta at ano ang gagawin.

"Jelly!" singhal ni Queen nang muntikan ng bumukas ang pinto.

Tinignan ko ang kamay ng zombie na nakaipit sa pinto. Lumapit ako sa lababo at kinuha ang itak na naroon.

"AHH!" sigaw ko at itinaga iyon sa kamay ng zombie.

Hininihingal na nabitawan ko ang itak nang bumagsak ang putol na kamay ng zombie.

Agad na inilock ni Queen ang pinto at dalawang beses na humakbang paatras.

"ARGH!"

"GRRA!"

Kumalampag ang bakal na pinto at sinenyasan ako ni Queen na tumahimik. Wala akong ibang naririnig kundi ang paghinga ko at ang mga angil ng zombie sa labas hanggang sa unti-unting nawala iyon.

FIGHT FOR YOUR LIFE (Zombie Apocalypse) (COMPLETED)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα