FIGHT THIRTY FIVE

2.5K 197 5
                                    

FIGHT FOR YOUR LIFE
FIGHT THIRTY FIVE

ARCHER

Nagpahabol pa ako ng isang sulyap kay Jelly bago tuluyang lumabas ng bahay matapos makuha ang radyo na nasa loob ng cabinet.

Sumunod sa akin ang kapatid kong si Agatha, nakapamulsa ito at mataman na nakatingin sa akin habang nasa gilid ko at sinasabayan ang paglalakad ko.

"What do you want?" tanong ko. Alam kong kukulitin ako nito ngayon. Kabisado ko na ang mukha niya kapag may gusto siyang malaman.

"Alam mo kuya, malapit na rin dumugo ang ilong ko ka-eenglish mo," reklamo nito at kinusot ang ilong.

"Magaling ka naman mag tagalog bakit ayaw mo?" usisa pa nito at tinignan ako nang patagilid.

Lumaki ako sa U.S pero marunong ako magtagalog, hindi katulad ng kapatid ko na rito sa Pilipinas lumaki at wala pang limang taon na nagtatagal sa U.S. Ayoko lang talaga mag tagalog dahil sa accent na mayroon ako.

"It's none of your business," seryosong saad ko at sumandal sa hood ng sasakyan na nasa labas ng bahay.

Napalingon pa ako sa mga zombie na nakakulong nang magsiangilan ang mga ito.

Napabuntong hininga ako ng maalala ang nangyari two days ago. Maraming katanungan ang bumabagabag sa akin. Paano kung nabuksan lahat ni Avery ang kulungan ng mga zombie, paniguradong ngayon ay iilan na lang kaming buhay.

Mariin kong naipikit ang aking mga mata nang maalala ang pinag-usapan namin bago mangyari ang kaganapan.

If I didn't said that maybe the dog is still alive, also Avery.

But to tell the truth, I felt relieved knowing that there's no Avery anymore that will keep on pestering me. Sad to say, she dragged Beans into her shits.

I really felt sorry about what happened. It's not my intention to hurt them. I sighed again and think about what I've said to Avery.

"Let's promise to each other that we'll live until my comrades helps us," I said to Avery when we stopped in the middle of the zombies.

Nilingon ko ang iba naming kasama at halos kami na lang pala ni Avery ang naiwan.

"Of course. Magpapakasal pa tayo, right?"
saad nito na nagpabuntong hininga sa akin.

"No," I answered and looked at her seriously. "What I means is, I want us to live seperately after this shits. You'll go and find another man who can love you truly, who cares for you. Avery, please understand that I am not the right guy for you. You deserve someone else," I said that makes Avery stiffened.

Ipinilig nito ang ulo na tila ayaw tanggapin ang aking sinabi.

"No, Archer. I just want you. Only you."

I shook my head and decided to turn my back to her. If I talked to her for another minute there's a chance that I'll take back what I've said.

I made it clear already. I'm going to cut the knots between me and her.

"HOY KUYA!!"

Tiningnan ko nang masama ang kapatid kong si Agatha ng sumigaw ito sa aking tenga.

"Why are you shouting? I'm not deaf," iritadong saad ko at kinalikot ang tenga kong sinigawan niya.

"Paano naman po kasi napunta ka na sa space ship!" singhal nito at inirapan ako.

Sometimes, she's really over-reacting.

"Ano bang gagawin mo at lumabas ka?" nakakrus ang mga brasong tanong nito.

Hindi ko siya sinagot, bagkus ay binalingan ko ang radyo at sinubukang buksan iyon.

Sana lang ay buo pa rin ito. This is our last chance to get out of this shit and live freely.

I smiled when I heard the cracking sound coming from the radio.

Ipinaling ko sa kaliwa ang aking ulo ng may malimutan.

"What was our channel?" I whispered habang unti-unti ay nagsasalubong ang aking kilay.

"Ulyanin," rinig kong saad ni Agatha at inagaw sa kamay ko ang radyo.

"Oh!" ani nito at ibinalik ang radyo sa aking kamay, "30 ka palang Kuya pero ang makalilimutin mo na. 'Pag-alis natin dito ipaalala mo sa akin na ibili kita ng memo plus gold," daldal ni Agatha na kinunutan ko lamang ng noo.

"I still can't believe that you are my younger sister, too noisy," saad ko na matamang nakatingin sa kanya.

"Hoy! Kahit naman madaldal ako maganda ako 'no!" singhal nito sa aking mukha.

Pinilit kong hanapin kung anong connection ng sinabi ko sa sinabi niya.

"What's with you being pretty?" tanong ko at inilipat ang tingin sa radyo.

"Basta!!" muling singhal nito.

Nagkibit balikat na lang ako.

"H...he...hello," a voice that came from the radio.

It was choppy, maybe because of the signal.

"This is Lieutenant Colonel Archer Privacco, can you hear me?" saad ko at naglakad palayo sa kotse upang makasagap ng mas magandang signal.

"Lieutenant Colonel Privacco! Thank God you're alive!"

Nakahinga ako nang maluwag ng malinaw kong marinig ang nagsasalita sa radyo.

"We need help," diretsong saad ko. Hindi ako pwedeng magpaligoy-ligoy dahil maraming buhay ang nakasalalay ngayon.

"We are happy to know that you're safe Lieutenant Colonel. We thought you're already dead. We are willing to help you."

"I've met survivors here. 8 people to be exact. They need the U.S armies help. We need your help. I am not saying this as a Lieutenant Colonel but as a survivor also," saad ko at ibinaling ang tingin sa bahay na nasa aking likuran.

Hindi man nila sabihin but I know deep inside them they want to live longer and run away from this country.

"We're not promising anything. But General Hermion said last day that we should look for you. That's why in 2 days expect us in Clark Airbase in Pampanga. We'll bring helicopter and some of our comrades the help you. I repeat Lieutenant Colonel Privacco, we will arive at Clark Airbase in 2 days."

"Thank you, expect u--" I stopped from talking when the radio make a loud noise.

"Nasira?" tanong ng kapatid ko na hindi pala bumalik sa loob ng bahay.

"Yeah," tipid na sagot ko.

"Pero makaliligtas na tayo di'ba? Narinig ko!Totoo 'yon, kuya?" kulit nito na hinihila ang dulo ng aking suot na tee shirt.

I just nodded and tap her hands to make her stop.

"YES! YES! THANK YOU, LORD!" she shouted as she ran towards the house.

I should be happy but right now I'm having a hard time to breathe.

Naalala ko sina Jelly, Queen at Zia. Sinabi nila noon na hindi nila kailangan ng tulong at hindi sila aalis dito.

I'm hoping that their decision changed already because of what happened. Just for the kid, just for Jay. Kailangan nilang makaalis dito at maging ligtas. And I will try my best to make it happen.



senseigan

FIGHT FOR YOUR LIFE (Zombie Apocalypse) (COMPLETED)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα