FIGHT SIX

3.6K 241 6
                                    

FIGHT FOR YOUR LIFE
FIGHT SIX

ZIA

"Kailangan natin ng gasolina," saad ko nang makaupo kaming lahat sa hapag-kainan.

"Isang galon na lang ang may laman na gasolina roon sa garahe," dugtong ko ng hindi ako balingan nina Jelly at Queen.

"May nakita kami ni Niall na gasulinahan doon sa pinuntahan namin kanina," saad ni Queen na tinanguan ni Niall.

"Mama Zia ayoko nito," singit ni Jay at inilagay sa aking plato ang mga gulay na nasa pinggan niya.

"Aba, ayoko rin nito!" angal ko at inilipat sa plato ni Jelly ang mga gulay.

"Mas lalo naman ako!" angal rin ni Jelly at ipinasa kay Queen ang gulay.

"Hays." Buntong hininga ni Queen na tila nasanay na sa amin.

"So ano nga? Sinong pupunta sa kabilang bayan bukas para maghakot ng gasolina?" tanong ko habang ngumunguya ng kanin.

"Ako na lang. Tutal ako naman ang naiwan dito kanina," pagpiprisinta ni Jelly.

"Gusto ko sanang sumama para sa pagbubuhat kaso yung lason na ginagawa ko matatapos na bukas," saad ni Niall kaya sabay-sabay kaming napalingon dito.

"Totoo?!" bakas ang excitement sa boses ni Jelly ng sabihin iyon.

"Makakahawak na tayo ng baril!!" excited rin na saad ko at nakipag-apir kay Jelly.

"Excuse me, hindi naman totoong baril ang mahahawakan niyo. Pellet gun toy lang," putol ni Queen sa kaligayahan namin ni Jelly.

Ngumuso ako at hindi na kumibo, sa sarili ko na lang ilalabas ang excitement. Dahil alam niyo na matanda na si Queen kaya medyo KJ talaga siya pagdating sa excitement naming mga bagets. 

Kyah! Hahawak kami ng baril! Tapos babarilin namin ang mga zombie! HAHAHA shit, hindi na ako makapaghintay!

Natigil ako sa pag-iimagine nang maramdaman ang mata ni Queen sa akin. Mukhang alam nito kung anong naiisip ko.

"Ingat lang kayo na huwag mabaril ang isa't-isa. Dahil kapag bumaon sa balat niyo ang bala nito matutunaw ang laman niyo," paalala ni Niall sa amin na sabay-sabay naming tinanguan.

Nalaman kasi namin na ang simpleng bala ng pellet gun ay hindi tatalab sa mga zombie kaya sa loob ng apat na taon ay nag-isip si Niall ng paraan kung paano ay paunti-unti naming mababawasan ang mga zombie.

Nagbabalak na rin kasi kaming lumipat ng lugar dahil mauubos na ang stock naming pagkain. At wala na ring kuryente. Tanging solar na lamang ang ginagamit namin para sa ilaw.

"Ako na lang ang sasama kay Jelly bukas. Kami na lang dalawa," saad ko at ngumiti kay Queen.

"Tayo na nga lang dalawa, atleast kay Queen takot itong si Jay," saad ni Jelly at ginulo ang buhok ng bata.

Lumingon ako sa aking paanan ng marinig ang pag-ungot ni Beans. Tinignan ko ito at bigla nitong hinila ang dulo ng pantalon na suot ko.

"Gusto mong sumama bukas?" tanong ko sa aso na sinagot nito ng isang malakas na kahol.

Natawa ako dahil feeling ko ay nagkakaintindihan kaming dalawa. Baka dati talaga akong aso hindi lang sinabi sa akin ng magulang ko, hmm.

"Sama raw si Beans," tukoy ko sa aso at itinuloy na ang pagkain.



"ETO na ba ang lahat ng galon?" tanong ni Jelly nang maisakay na namin ang sampung galon na paglalagyan ng gasolina.

"Oo, ayan na 'yon," sagot ni Queen na ipinapagpag ang dalawang kamay.

FIGHT FOR YOUR LIFE (Zombie Apocalypse) (COMPLETED)Where stories live. Discover now