FIGHT FORTY EIGHT

2.3K 188 44
                                    

FIGHT FOR YOUR LIFE
FIGHT FORTY EIGHT

ZIA

"Sasama ako."

Nameywang ako nang marinig ang sinabi ng tukmol na si Rhio.

"Hindi na! Kaya ko mag-isa!" saad ko at inirapan ito.

Simula nang makasama ko ang lalaking ito ay napapadalas nag pag-irap ko, kulang nalang ay hindi na bumalik sa dati ang mata ko kakairap dito.

"As if naman," nakangising saad nito.

"Umalis na kayo, baka abutan pa kayo ng dilim. Baka naman magbangayan pa kayo pagkarating na pagkarating niyo roon," saad ni Queen na nagpangiwi sa akin.

Posible ang sinabi niya, kapag kaming dalawa lamang ng tukmol na Rhio na ito ay baka nga magbangayan lang kaming dalawa.

"Tsk," ismid ko at naunang lumabas ng bahay.

Nahagip pa ng mata ko ang paglapag nito sa kanyang baril sa lamesang maliit na nasa sulok bago patakbong sumunod sa akin.

Hindi ako kumibo nang itulak niya ako sa aking likod nang huminto kami sa harap ng convenience store.

Nakabukas ang glass door dahil sira ang lock nito sa gilid. Nauna akong pumasok at ang una kong napansin ay ang isa pang pinto sa sulok malapit sa counter.

Ang counter ay nasa kanang parte ng convenience store.

Sa pinto ako dumiretso at halos magulat ako nang bumungad sa akin ang damuhan.

"Oh," namamanghang saad ko nang mapansin na ang daang ito ay shortcut patungo sa kasalukuyan naming tinutuluyan.

Isinara ko ang pinto at hinayaan na lamang iyon.

"Ano pwedeng kunin?" tanong ni Rhio na kasalukuyang kumukuha ng plastic bag sa counter.

"De lata syempre, saka mga biscuits at inumin," saad ko at itinuro ang estante ng mga delata.

"Expired na," saad ni Rhio at ngumiwi.

Umismid ako at tinabig siya.
"Kahit pa expired 'yan, keysa naman sa wala!" singhal ko at inirapan siya.

"Hindi mo ba ako pwedeng kausapin nang mahinahon?"

"Ito na ang mahinahon ko," saad ko at basta na lang inilagay sa plastic ang mga biscuit.

"Talaga lang ha," turan nito at sinimulan na ring kumuha ng mga bottled water.

Mas safe kung expired na bottled water ang iinumin namin keysa sa mga softdrinks na expired.

Tumaas lahat ng balahibo ko nang biglang pumasok ang isang malakas na hangin sa nakabukas na glass door ng convenience store.

Nag-angat ako ng tingin at lumingon sa nakabukas na glass door.

Nanigas ang aking binti nang makita ko ang maraming zombie sa labas.
Hindi ko napansing nabitawan ko ang hawak kong plastic na maraming lamang biscuit.

Lumikha iyon nang mahinang pagbagsak ngunit ang tunog na iyon ay sapat na para sabay-sabay na magsilingon sa amin ang mga zombie na nasa labas.

"GRR!!"

Shit! Bakit hindi ako makakilos!

Parang napako na sa sahig ang aking paa dahil kahit anong pilit kong kumilos ay hindi ko magawa.

"Fuck!" mura ni Rhio.

Tila nabalik ako sa aking katinuan nang isang malakas na pwersa ang tumulak sa aking likod.

FIGHT FOR YOUR LIFE (Zombie Apocalypse) (COMPLETED)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu